Chapter 46
Ayesha's POV
Ilang sandali na rin mula nang sundan ko si Javadd ngunit hindi pa rin siya humihinto. Hindi ko alam kung saan siya dapat na pumasok dahil hindi ko pa naman siya naihahatid malapit sa lagusan. At ngayon ko lang nalaman na malayo-layo pala ang pinapasukan at nilalabasan niya. Mas malayo pa ito kaysa sa akin. Tapos ay nakukuha pa niya na ihatid ako malapit sa lagusan ko. Hindi ko tuloy lubos maisip ang hirap at pagod ni Javadd tuwing oras na ng uwian naming dalawa.
Kung suswertehin at muli akong makahanap ng paraan para makalabas ng aming kaharian sa oras na makabalik na ako ay hindi na ako papayag pa na lagi niya akong ihahatid.
Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa kanya. Hanggang sa nakita ko na huminto na nga siya sa isang lugar. At may napansin din ako na isang maliit n……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.