Chapter 63
Ayesha's POV
Alam ko naman na wala akong karapatan na makaramdam ng ganito. Dahil bukod sa wala naman talaga kaming ugnayan ay siguro naman na nakapasok ang mga babaeng tinutukoy niya noong hindi pa kami magkakilala. Napakunot ang noo no Javadd nang hindi na ulit ako nagsalita. Tila ba tinitimbang niya kung ano ang nasa isip ko. At alam ko na malalaman din niya ang tumatakbo sa isip ko.
At hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na ayos lamang ang lahat kahit pa halata sa aking mukha na hindi na ayos ang pakiramdam ko sa silid na ito. Nanatili ang mga tingin sa akin ni Javadd kaya nginitian ko na lamang siya. Naniningkit na rin ang mga mata niya dahil sa ginagawa niyang panunuri sa akin.
"Ano ang iyong iniisip, Ayesha?" tanong ni Javadd kahit pa halata na sa kanya na mayroon ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.