Chapter 37
Ayesha's POV
Hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng lakas ng loob para salubungin ang mga tingin ng mahal na reyna. Basta ang alam ko lamang ay nais ko nang malaman na niya ang totoo. Sa paglipas ng sandali na nananatili akong tahimik ay unti-unti ko na namang nararamdaman ang paghigpit ng kapit niya sa aking braso.
Pakiramdam ko tuloy ay namamanhid na ito dahil hindi na ganoon kasakit. O sadyang nakokontrol na ng mahal na reyna ang hawak niya sa akin.
"Sa Kaliwag, mahal na reyna." Hindi ko alam kung paano ngunit oo, nagawa kong umamin sa kanya. Mas lalo pa na humigpit ang kapit niya sa akin. Ngunit agad rin naman niya akong patulak na binitiwan.
"Mula ngayon ay hindi ka muna lalabas ng iyong silid." Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ko na nabakas sa mukha ko ang pagprotesta kaya m……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.