Chapter 16
Ayesha's POV
Narating namin ang lugar kung saan ako sinasanay ni Digno. Tulad ng inaasahan ko ay nandoon na siya. Maaga ako kumpara sa takdang oras ng pagsasanay namin ngunit hindi ko pa rin siya nagawa na unahan man lang. Napapaisip na lamang tuloy ako bigla kung gaano ba talaga siya kaaga kung dumating dito. Hindi rin naman siya nagsasanay ng iba kapag alam niya na iyon ang tinakdang araw ng aking pagsasanay dahil iyon na rin kasi ang inutos ng mahal na hari.
Nang matanaw niya ang paglapit ng karwahe sa kinaroroonan niya ay nakita ko pa ang pagkunot ng kanyang noo at alam ko na nagtatakha siya sa pagiging maaga ngayon. Hindi ko na maalala kung kailan pa ang huling beses na nakarating ako rito nang tama sa oras kaya hindi na ako dapat pang magulat kung ganito man ang naging reaksy……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.