Chapter 11
Ayesha's POV
Dahil sa kaba ko sa pagsama ng amang hari sa inang reyna sa paggising sa akin ay hindi agad ako makapag-isip nang ayos. Mabait ang amang hari kung ikukumpara sa inang reyna. Lagi kong nakukuha ang gusto ko kapag sa kanya ako nagsasabi. Ngunit hindi maitatanggi ang pagiging mas istrikto niya kumpara sa inang reyna. Sa pananalita pa lamang ng mahal na hari ay kinakailangan mo na agad siyang sundin.
Hindi ko alam kung dahil lang ba sa kapangyarihan sa posisyon na mayroon siya o sadyang may likas nang awtoridad ang tono niya. Na sa tingin ko ay nakasanayan na niya sa tagal na niyang namumuno sa buong Vittoria.
"Mahal na prinsesa." Nanatili akong nakapikit kahit pa inulit na niya ang pagtawag sa akin. At napagpasyahan ko na dahil nasimulan ko na rin lang naman ang pagpapangg……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.