Chapter 59
Ayesha's POV
Hindi lamang ako sa pakiramdam ko nababaliw. Nababaliw rin ako sa pag-iisip kung susundan ba ako rito ni Javadd o mananatili lamang siya sa harap ni Riva. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang hindi na ito sakop ng isang kaibigan. Hindi ako manhid. Mayroon na akong ideya sa kung ano itong nararamdaman ko ngunit hindi ko iyon aaminin kahit pa sa aking sarili.
Ayokong bigyan ng kahit na kaunti ang aking sarili na darating ang panahon na magiging pwede na ang lahat dahil oras na mabigo ako ay alam ko na ako rin ang masasaktan. Ngunit hindi iyon ang mas kinatatakot ko. Mas nakakatakot pa ang malaman na ako lamang pala ang nakakaramdam ng ganito. Nakakatakot na malaman na habang ako ay halos mabaliw na sa mga nangyayaring ito, si Javadd ay pangkaraniwan lamang pala ang tingi……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.