Chapter 42
Ayesha's POV
Hindi ko alam kung gaano kalayo na ba ang nalalakad ko ngunit napapagod na ang mga paa ko. Mabuti na lamang at kabisado ko kahit papaano ang bahaging ito ng Vittoria. May tiwala naman ako sa sarili ko na hindi ako maliligaw at makakauwi ako sa palasyo nanh ligtas. Hindi nga lamang ako sa mismong palasyo didiretso kundi sa lagusan na ginawa ko noon.
Nararamdaman ko na malapit-lapit na rin ako sa pupuntahan ko. At hindi ko na maiwasan pa ang masabik na muling makatapak sa Kaliwag. Sigurado ako na nandoon na si Javadd. Ngunit bigla na lamang akong nag-alala dahil papaano na lang kung hindi pala muna siya makakapunta dahil kailangan niyang magpalamig dahil sa pagkakahuli sa kanya.
Kung hindi ko makakasama si Javadd sa pamamasyal sa Kaliwag ay sayang lang din pala ang ginawa……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.