Chapter 29
Ayesha's POV
Dahil na rin sa sobrang bilis ng pangyayari ay ilang sandali rin ako na nakatanaw lang sa dinaraanan namin ni Javadd. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang pagkakakulong ko sa kanyang bisig. Hinihintay ko ang muli nilang pag-asinta sa akin ngunit wala nang patalim ang muling humaging sa akin.
At sigurado ako na dahil iyon sa naikukubli ako ni Javadd. Oras na mulli nila akong asintahin ay may posibilidad na si Javadd ang aksidente nilang matamaan. At iyon ang dahilan kung bakit bigla na lamang akong kinabig ni Javadd at pinwesto sa kanyang harapan. Sinigurado niya na hindi ako matatamaan ng ano mang patalim na nakahandang ibato sa akin ng kanyang mga kalahi.
Nilingon ko si Javadd at tiningala siya na hanggang ngayon ay nakatuon ang atensyon sa pagpapatakbo sa kabayo. ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.