Chapter 12

Sparing Creep 1065 words 2023-06-06 19:19:58

YUMANIG sa buong paligid ang malakas na ihip ng hangin. At dahil doon ay hindi sinasadyang magpalipad-lipad sa kung saan-saan ang papel na may nilalamang liham ni Siobe. Kasabay nito ay ang nagngingitngit sa galit ng pinuno sa kabila ng kaniyang mas pinalakas na kapangyarihan. Hindi pa man natatapos ang araw ay nais pa rin nitong mahanap ang mga bihag na sina Siobe at Loise kahit pa may bago silang mga bihag na-- hindi nila batid na mga bangkay.

Ngunit tila nauubos na ang lakas ng ilang Obalagi sa pag-akyat panaog sa kabuuan ng Mumayta. Wari'y hindi nila batid ang paghina ng kanilang katawan dahil sa galit ng pinunong si Magallon. "Ayaw paghunong pagpangita hangtod makit-an nimo sila!"

Translation: "'Wag kayong titigil sa paghahanap hanggat hindi n'yo sila nakikita!"

"Masusunod po, pinuno," ang sagot ni Wakan.

Samantala'y sa kanilang pagsuyod sa kabuuan ng Mumayta ay muli nilang binalikan ang bahay kubo ni Lola Esma. At sa kanilang pagpanhik doon ay hindi sinasadyang dadapo mismo sa paanan ni Wakan ang liham na iyon.

"Unsa na?" usisa kaagad sa kaniya ni Lauro.

Translation: "Ano 'yan?"

At anong gulat nila Wakan nang lumantad sa kanila ang isang liham na sa tingin nila ay sulat kamay ng babae. Pero sa halip na basahin agad iyon ay nagawa niya iyong isiksik sa bulsa.

"Kailangan na muna nating mahanap ang dalawa, Lauro," tugon niya rito. Marunong magtagalog si Wakan sapagka't lumaki siya sa Maynila at napadpad lamang sa Davao nang sumama sa kaniyang inang nagkaroon ng bagong asawa mula rito.

Napatango naman si Lauro kahit may pagtataka tungkol sa liham na iyon. At sa kanilang paglalakad ay hindi nila maiwasang makita ang bangkay ng mga nasawing Obalagi at ang mabahong amoy nito na umaalingasaw sa paligid. Subalit mula sa kanilang kinatatayuan ay hindi nila sinasadyang mapalingon sa pwesto ng kumunoy na nagpahamak sa kanilang ilang kapwa Obalagi na naging dahilan nang pagkasawi.

"Wakan, unsa man kung mosulod kita sa ilawom sa yuta?" suhestyon kaagad ni Lauro matapos nilang matigilan.

Translation: "Wakan, ano kaya kung pasukin natin ang ilalim ng kalupaang iyon?"

"Naisip ko na 'yan, Lauro, bago mo pa man maisip, pero hindi dapat tayo magpadalus-dalos dahil baka iyon pa ang maging dahilan ng ating pagkasawi."

"Unya unsa man ang among buhaton?"

Translation: "Kung ganoon ay anong gagawin natin?"

Magdedesisyon na sana si Wakan subalit sila'y natigilan sa pagsunod sa kanila ni Zytus para sa isang masamang balita, "Wakan at Lauro, tayo'y gustong ipagtipon-tipon muli ng pinuno, siya'y galit na galit!"

Napabalik kaagad sila sa kaharian kung kaya't sandaling nakalimutan ni Wakan ang kutob na nararamdaman sa ilalim ng naging kumunoy na 'yon.

At sa kanilang pagbalik sa kaharian ay isang pagtitipon nga ang naganap. Anong takot ang kanilang nadama nang bumungad ang galit na galit na pinuno. "Wala ako matagbaw sa pagkadili matinud-anon sa among duha nga mga espiya!"

Translation: "Ako'y labis na hindi nasisiyahan sa pagtataksil ng ating dalawang espiya!"

"Bakit pinuno? Ano pong ginawa nila?" tanong kaagad ni Zytus.

"Tungod kay gilimbungan nila ako. Gihunahuna ko nga duha ang ihalad sa akon apan duha nga bangkay ang nagpakita sa akon!"

Translation: "Sapagkat ako'y kanilang nilinlang! Inakala kong dalawang buhay ang iaalay sa akin subalit iyon pala ay mga bangkay!"

Napaawang ang kanilang mga labi sa narinig at ilang segundo pa man ang nakalilipas ay muling nagsalita si Pinunong Magallon, "Pangita-a sina Rogelio ug Esma, mga buang sila!" galit na utos nito.

Translation: "Hanapin sina Rogelio at Esma, mga hangal sila!"

Animo'y umugong ang buong paligid sa kanilang muling paglusob at kahit dama na ang pagod ay hindi nila magawang umangal sa pinuno sapagkat nakaabang agad ang parusa. Naghiwa-hiwalay sila ng rota at doo'y ipinangako ni Wakan sa sarili na siya ang mismong papatay sa dalawa, at kapag nangyari 'yon ay maaari niyabg makuha ang loob ng pinuno para maging kanang kamay din siya katulad ni Zytus.

Samantala ay labis ang sayang nadarama ng magkakaklase nang makumpleto silang muli. Puno ng sugat at galos ang katawan nina Siobe at Loise nang makalapit ito sa kanila. Subalit anong pagtataka rin ni Mang Rogelio sa nakita dahil kilala niya ang dalawang estudyanteng naging bihag ng mga Obalagi at saksi siya sa hindi makatarungang sinapit ng dalawa. Kaya sa kawalan ay pare-pareho ang mga itong napalingon sa sinabi niya, "Hindi ko akalaing mabubuhay pa rin kayo sa kabila nang sinapit ninyo sa kamay ng mga Obalagi."

"Kilala n'yo sila?" pagtataka ni Kitch.

"O-oo, bata dahil minsan ko na rin silang nakita sa kaharian ng mga Obalagi."

"Pero bago ang lahat, tandaan mo na hindi pa rin namin nakalilimutan ang iyong pagtataksil kay Lola Esma," pagbawi ni Kitch. Napatango lang si Mang Rogelio kahit sa loob-loob nito'y nakikita na ang munting pag-asa sa kamay ng mga estudyanteng ito.

"Rogelio, hindi ko lubos maisip na gagawin mo sa akin 'to," daing pa rin ni Lola Esma sa kaibigan.

"Esma, pasensya na pero alam kong dawit din ako kapag nalaman ng pinuno ang pagtataksil na ginawa mo," anito na nagbigay interes sa grupo nila Kitch para alamin 'yon.

"At anong pagtataksil 'yon, Mang Rogelio?" tanong ni Fudge.

"Nagawa niya lang naman linlangin ang pinuno na bigyan ito ng dalawang bangkay para i-alay imbes na dalawang buhay," napapangising anito. Bagama't hindi maiwasang magngitngit sa galit ni Lola Esma sa pekeng pakikitungo nito sa kaniya.

"Isa kang traydor, Rogelio! Palibhasa'y nasisikmura mo ang hindi makatarungang tradisyon ng bayang ito!" inis pa ring sabi ni Lola Esma. At sa pagkakaong iyon ay walang magawa ang anim kundi ang pakinggan lamang ang pagpapalitan ng salita ng dalawa.

At natigil lamang iyon nang naglakas-loob si Kitch para sila'y awatin. "Tama na po, walang mapapala ang galit ninyo sa isa't isa! Bakit hindi na lang po tayo magkaisa para sa ikatatagumpay ng misyon namin?" Umaasa si Kitch na makukumbinsi niya sa pagkakataong iyon si Mang Rogelio subalit nanatili pa rin ang desisyon nitong sumalungat sa kanilang kagustuhan.

"Mukhang malabo yata ang hinihiling mo, bata. Sa panahon ngayon ay sarili mo na lang ang iyong kakampi," makahulugang anito.

Ngunit bago pa man matapos ang gabi ay biglang sumagi sa isipan ni Wakan ang papel na naglalaman ng liham. Pero dahil mas mahalaga pa rin sa kaniya ang mas mataas na posisyon ay itinuon niyang muli ang paghahanap sa dalawa. At sa kaniyang paglusob sa ilalim ng kalupaang iyon na kinukutuban niyang may kakaiba ay doon lang niya nagawang gamitin ang kaniyang kapangyarihan.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.