ISANG MALAKAS na pagbagsak ang nakapagpagimbal sa kanila. Hindi nila alam kung saan nanggaling ang pagbagsak na 'yon. Kaya naman nagawang magyakapan ng magkakaklase. Subalit natigilan sila sa pag-ingit ni Siobe sa sakit ng natamo nitong sugat. "Aray!" Hindi kasi sinasadyang tumama ito sa pader.
Samantala, ay nanatiling nakatingin sa kanila si Mang Rogelio na labis na ang pagtataka. Hindi dahil sa hindi siya makapaniwala na nakatakas ang dalawa sa mga ito kundi dahil sa katotohanang-- Obalagi ang isa sa mga ito. Lingid sa kaalaman ng mga kabataang sila Kitch ang hindi pa nalalaman ng mga ito sa kapangyarihan ng isang Obalagi.
Hindi niya lang matukoy kung sino roon dahil hindi niya matandaan ang mga pangalan nito gayong minsan niya lamang ito nakita.
"Sandali--" pagpipigil niya sa mga ito, dahilan para tingnan siya ng masama ni Loise na nagtatago ang katauhan ng isang Obalagi. Lingid sa kanilang kaalaman na sa sandaling 'yon ay nawawala si Loise.
Nagtataka namang lumingon sa kaniya sina Kitch, Fudge, Devee, Daizy at Siobe.
"Bakit? Nakapag-isip-isip ka na ba, hah?" tanong sa kaniya ni Kitch gayong nakikinig lamang sa kanila si Lola Esma.
Napa-iling ang matandang lalaki na si Mang Rogelio na ngayon ay labis na ang pagkatakot. Nanginginig ang mga labi nito nang binantaan siya ng tingin ni Loise. Kaya ang kaniyang nais sabihin ay hindi natuloy. "W-wala.. kahit anong mangyari ay hindi ako magsasalita," aniya.
"Matigas talaga ang ulo mo, Rogelio!" galit na wika ni Lola Esma, at doon niya lang napuna ang kakaibang nangyayari nang sandaling makita ang pagngisi ni Loise. Kakaiba rin ang ipinapakitang kilos nito kung kaya't nakadama siya ng matinding kaba.
"Mga hija," tawag niya na nagpalingon sa mga ito.
"Bakit po, Lola Esma?" Doon siya sinamaan ng tingin ni Loise na hindi batid nila Kitch. At sa pagkakataong iyon ay hindi na natuloy pa ang kaniyang sasabihin.
"M-masaya lang ako dahil.. kompleto na ulit kayo," aniya at saka siya nagbalik ng tingin kay Rogelio na tila hindi sumang-ayon sa sinabi niya. Bagama't hindi maintindihan ni Lola Esma kung ano ba ang tumatakbo sa isipan nito.
Samantala, ay nanatili ang pag-uusap ng mga magkakaklase na hindi maitatago ang saya sa isa't isa.
"Tamang-tama dahil magandang mailagay sa documentary natin ang mga karahasang naranasan ninyo," ani Devee.
Napatango ang lahat maliban kay Kitch na kanina pa napapansin na hindi masyadong nakikisali sa usapan si Loise. "Loise? Gusto mo na bang magpahinga?" nag-aalala niyang tanong dito. Hindi naman alam ni Loise ang sasabihin kaya dahan-dahan siyang napatango.
"Siguro ay napagod lang si Loise.. malayo-layo rin kasi ang nilakad namin kanina bago makarating dito," sabi ni Siobe. "Grabe lang talaga ang dinanas namin doon!" dagdag pa niya na nakapagpatingin sa kaniya kay Loise. "Sandali, Loise.. ang laki ng natamo mong sugat, a.." aniya dahilan para mas pagtuunan niya nang pansin iyon. Kaya mabilis lumapit si Kitch upang tingnan iyon. Subalit.. hindi nila inaasahan ang gagawing pagtaboy ni Loise kay Kitch.
"Ah! Hayaan ninyo na ako!" tila galit na anito.
Napa-iling na lang sa kaniya si Fudge. "Loise.. ayaw mo bang gumaling ang mga sugat mo?" Binigyan siya nito nang nagtatakang tingin.
"Sabi nang hayaan ni'yo na nga ako!" sigaw nito. Batid nilang may hindi kanais-nais na ugali si Loise kaya ipinagwalang-bahala na lamang nila iyon. Ngunit, hindi maitatago ang kakaibang naramdaman ni Kitch matapos niyang mahawakan si Loise. Parang may kung ano siyang naramdaman na nagbigay ng matinding kaba sa kaniya.
Kaya nang sumapit ang kalaliman ng gabi kung saan ay kasalukuyang nagpapahinga ang lahat. Nanaig ang desisyon ni Kitch na magsaliksik tungkol sa kakaibang naramdaman. Mula sa kailaliman ng lupang iyon na nagsisilbing kweba ay nagkunwaring natutulog si Kitch. At katulad nga ng kaniyang kutob ay hindi niya inaasahan ang makikita. Dahil lumantad sa kaniyang harapan ang mabilis na pagpapalit ng anyo ni Loise na maging isang Obalagi. Doo'y nakita niya ang galit na itsura nito, maging ang mapulang balat nito. Nanlilisik ang mga mata nitong lumingon sa kinahihigaan nila. At laking gulat ang kaniyang naramdaman nang sandaling tumalikod ito upang lapitan si Rogelio na mahimbing ang pagkakatulog habang nakaupo sa sahig at nakagapos ang kamay. Doo'y walang awa itong pinagtatadtad ng saksak gamit ang hawak nitong espada at saka pinugutan ng ulo.
Mabilis na dumanak ang dugo nito sa lupa na siyang ikinagising ni Lola Esma. Nakita niya ang takot sa mga mata ni Lola Esma nang akmang lalapit dito ang Obalagi. Kaya, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at ginising ang mga kaklase na napabalikwas sa pagkakabangon.
"Anong nangyayari?" boses ni Fudge na nagpalingon sa kaniya ng Obalagi. Kaya naman doo'y napigil ang akmang pagpatay nito kay Lola Esma.
At sa puntong iyon ay nanlaki ang mga mata ni Fudge nang makita ang dumadanak na dugo mula sa lupa habang nasapo niya ang sariling bibig nang makita na mula iyon sa matandang si Mang Rogelio. Nakaramdam naman ng panghihinayang si Kitch sa katotohanang hindi pa niya nalalaman mula rito. At pagkatapos nang kagimbal-gimbal na pangyayari ay tuluyan na rin nagising sina Siobe, Daizy at Devee.
"Sandali-- nasaan si Loise?" nagtatakang tugon ni Siobe dahil katabi niya lamang ito. Hindi naman makasagot kaagad si Kitch dahil ayaw niyang malaman ng Obalagi na may nalalaman siya.
At mula sa kinatatayuan ng Obalagi ay hindi nito inaasahan ang katapangang ipapakita ni Kitch. Dahil bago pa man ito makalapit sa kanila ay mabilis na itong pinana ni Kitch sa dibdib dahilan para unti-unti itong matumba habang dumadanak ng dugo sa natamong sugat.
"Isa kang mapanlinlang!" sigaw ni Kitch na nakapagbigay ideya kina Fudge, Devee at Daizy. Samantala ay hindi maitatanggi ang pagtataka sa mga mata ni Siobe, habang paulit-ulit niyang inaalala ang nangyari.
"Dapat lang sa'yo ang mamatay! Nasaan mo dinala ang kaklase namin, hah?" matapang na wika ni Kitch.
"Kitch," pagtawag sa kaniya ni Lola Esma dahilan para matigilan siya. "'Wag mong dungisan ang sarili mong kamay, tama na ang binigyan mo lang siya ng leksyon," dagdag pa nito na nakapagpaliwanag sa isip ni Kitch.
At habang nanatili pa rin sa pagkakahiga ang Obalagi ay siyang paghahanda naman ng camera ni Daizy. Samantala'y ang recorder naman ay hawak-hawak ni Fudge.
"Hindi kita papatayin, pero-- ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit ginagawa ni'yo 'to sa sarili ninyong bayan?" matapang na tanong ni Kitch. Habang makikita ang pag-ingit nito sa natamong sugat pero hindi iyon naging dahilan para manatili siyang humihinga.
At mula sa pagkakatayo ni Kitch ay hindi niya inaasahan na mapapabangon ito habang nagsasalita, "E, Kayo? Sino ba kayo para alamin ang tradisyon namin?" pagbabalik tanong niya rito.
Doo'y pormal siyang hinarap ni Kitch at pinantayan kung gaano kataas ang pagkakaupo nito. "Isa lamang kaming mga estudyante na naghahanap ng ma-ido-dokumentaryo upang magbigay kaalaman sa mga susunod pang henerasyon. Maaaring wala pa kami sa rurok ng aming tinatamasang katotohanan, pero ang nais lamang namin ay magbigay ng kapayapaan para sa inyong bayan. Nais ko sanang.. maging mapayapa na ang bayang ito, lalo na't malapit nang makarating ang pangyayaring ito sa ibang lugar."
Nakita niya ang pagngisi nito na nagpakunot ng noo niya. "Ano sa tingin mo? Pakikinggan ka namin? Ikaw ba ang nagbibigay ng buhay sa amin?"
"Maaaring wala akong kakayahang mabigyan kayo ng magandang pamumuhay pero kayang-kaya kong baguhin ang tradisyong ito gamit ang sarili kong bibig at mga kamay." Tiningnan niya ang mga mata ng Obalagi at nakiya niya roon ang pagtataka. "At bago ka sumapi sa Obalagi, naisip mo na ba kaagad kung ano ang magiging resulta? Bakit pinipili mo pa rin sundin ang maling gawain ng pinuno
ni'yo gayong puro karahasan lang naman ang natatamo ni'yo? Bakit?" matapang na sabi ni Kitch na nakapagpatahimik sa Obalagi na nagngangalang si Wakan. Habang nanatili ang pagkuha ng video sa kanila ni Daizy.
"H-hindi ninyo maiintindihan dahil.. may ipinaglalaban din kaming mga Obalagi. Hindi ninyo 'yon maiintindihan dahil hindi n'yo alam ang tungkol sa tradisyon namin," panimula nito. "Dito ko lang naranasan kung paano ang mamuhay ng pantay-pantay ang trato sa amin, na kahit hindi ordinaryo ang buhay na aming nakasanayan ay kailanma'y hindi ko gugustuhin na tumira sa ibang lugar. Dito ko naranasan ang magkaroon ng buong pamilya. Dahil sa bayang ito ay itinuturing kaming hindi karaniwan.. katakutan man kami ay dahil lang iyon sa sinusunod naming tradisyon.. kung saan ay hindi kayang mabago ng kahit na sino-- pero-- akala ko lamang 'yon.. dahil.. hindi ko akalain na.. may matatapang na babaeng tutuklasin ang tradisyon namin.. at hindi ko akalaing-- maganda ang intensyon ninyo sa bayang ito, kaya bilang pasasalamat.. ay hayaan ninyo akong sabihin sa aking pinuno ang ginawa ninyong kabayanihan para lang makabuo ng isang dokumentaryo.." Hindi nila inaasahan na sasabihin iyon ni Wakan na ang tanging hangad lang ay ang mataas na posisyon katulad ni Zytus. Ngayon ay malinaw na sa kanila na pareho lamang silang hindi nagkaintindihan ng interpretasyon. At inakala nilang magkakalaban ang bawat isa.
Subalit natigil ang sandaling iyon nang magsalita si Daizy. "Kitch, may problema tayo," anito na nagpalingon sa kaniya ng lahat. "Lowbat na ang camera," dagdag pa nito. "Pero na-videohan ko lahat ng sinabi niya.." wika pa nito na nagpalapad ng ngiti ni Kitch. Gayong hindi rin naman maitago ang sayang nararamdaman ni Lola Esma na natuklasan na nila ang misteryo sa bayan ng Mumayta. Ang misteryo kung saan ay pantay-pantay ang turing sa mga alipin, ang pagdungis sa pagkabirhen ng babae. Ang tradisyon na hindi karaniwan para sa nakakarami. Subalit sa kabila noon ay may hindi pa sila nalalaman tungkol sa pinaka-tradisyon ng mga Obalagi at iyon ay nasa kamay ni Siobe..
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.