Chapter 16

Sparing Creep 1454 words 2023-06-27 03:33:17

MATAPOS NILANG makalikas sa bayan na iyon ay hindi na sila nag-abalang matunton pa ang pinakapakay nila sa lugar ng Davao, ang People's Park. Marahil ay na-trauma sila sa mga nangyari. Subalit, lingid pa sa kanilang kaalaman kung ano ang mga pagbabagong kahaharapin nila sa kasalukuyan.


Pagkarating nila sa malapit na hospital ay hindi agad sila in-assist ng mga nurses doon kung kaya't halos magdabog na sila roon. "Wala ba kayong balak gamutin ang kaibigan namin?" inis na tugon ni Fudge.


Samantala'y pinilit siyang pakalmahin ni Kitch, "Fudge, nakita naman natin na marami ang bilang ng pasyente, ano kaya kung hanapan na lang natin siya ng ibang hospital sa ibang province?" suhestyon ni Kitch kung kaya naman napatango ang kaibigan.


Pero bago pa man tuluyang magdesisyon ay tinanong na muna ni Fudge si Loise, "Loise, kakayanin mo pa ba kung aabutin pa tayo ng ilang oras para makahanap ng ibang hospital?"


Pinilit sumagot ni Loise sa kabila ng hirap at sakit na nararanasan. "O-oo, Fudge. Kung a-ano ang mas m-makakabuti s-sa akin." Hindi nila maiwasang maawa sa kondisyon ni Loise, mas lalo kasing tumindi ang mga pasa nito sa katawan at lupaypay na talaga kung titingnan. Halos wala na nga siyang sigla kapag pinagmasdan.


Habang nasa biyahe ay hindi maiwasang balikan ni Kitch ang ilang pangyayari. Matagumpay man nilang nabawi si Loise sa kamay ng mga Obalagi, dahil na tulong na rin ni Lauro na siyang naging saksi sa pagpatay ni Wakan kay Mang Rogelio ay hindi pa rin nila mababago ang katotohanang.. marami ng nagbago magmula nang makatuntong sila sa bayan ng Mumayta.


At pare-pareho silang natigilan nang biglang ihinto ni Fudge ang kotse. "Bigla kong naalala, hindi pa pala ako nakapagpa-car wash, baka isipin pa ng mga taong makakita ay may lahi tayo ng aswang," anito na ikinangisi nina Kitch, Devee at Daizy. Pero din agad itong nabaling ng tingin sa kaawa-awang sitwasyon ni Loise. "Loise?"


"O-o?"


"Makapaghihintay ka pa ba kahit sandali? Kailangan ko lang ipa-car wash ang kotse dahil may bahid ito ng dugo."


At si Siobe na ang sumagot nang makita ang pagtango ni Loise. "Sige, Fudge. Mukhang kakayanin pa naman ni Loise." Napatango naman si Fudge at sandali silang iniwang lima sa loob.


Samantala'y tandang-tanda pa ni Kitch ang puro pangaral na ibinaon sa kanila ni Lola Esma, gayundin ang nilang pasasalamat sa matanda. "Mga hija, kung sakali man na tuluyang pumayag ang pinuno sa inyong kagustuhan, sana ay hindi n'yo makalimutan ang mga pangaral ko sa inyo. Na kahit saan man kayo dalhin ng inyong mga paa, basta kasama n'yo ang Diyos ay magiging matagumpay kayo sa inyong hangarin."


Ang isiping iyon ang nagdala sa kaniya sa kapayaan. Hindi niya namalayan na tapos na pa lang magpa-car wash si Fudge kung hindi pa niya narinig na pinaaandar nito ang manibela.


Subalit lumipas lamang ang ilang oras, sa gitna ng kanilang biyahe ay hindi nila inaasahan ang mangyayari.

Dahil bigla na lamang dumuwal si Loise ng napakaraming dugo. Nagkalat iyon sa kotse na naging dahilan para madungisan ang damit ni Siobe na kaniyang katabi. Samantala'y natataranta namang kumuha ng pamunas si Daizy. "Loise, bakit ka nagkakaganiyan?" tanong ni Daizy.


At napalingon naman silang lahat sa sinabi ni Devee, "Kanina ko pa siya napapansing lupaypay, hindi kaya may kinalaman dito ang mga Obalagi?"


"E, teka-- akala ko ba maayos na ang kasunduan natin kay Pinunong Magallon?" pagtatakang tanong ni Kitch. Doo'y sandaling nagkatinginan sina Siobe at Loise. Wari ang kanilang nalalaman dahil sa kanilang sinapit sa kaharian ng mga Obalagi ay ayaw na nilang balikan pa. Doon nagtaka si Kitch, dahilan para komprontahin niya ang dalawa, "Loise, Siobe.. may hindi ba kayo sinasabi sa amin?" tanong niya rito habang nanatili namang tahimik at nakikinig ang tatlo sa kanila.


Pormal na humarap si Siobe kay Kitch subalit mabilis siyang napigilan ni Loise sa may braso. Napapikit si Siobe at hindi niya inaasahan ang sasabihin nito, "K-kuhain mo ang p-papel sa aking bulsa," utos ni Loise. Nanghihina ma'y nagawa pa rin nitong magsalita.


"Teka, may isinulat ka ring liham?" tanong ni Siobe subalit hindi sumagot si Loise. Nagtataka ma'y nagawang sundin ni Siobe ang inutos ni Loise, at isang gusut-gusot na papel ang lumantad sa kaniya.


"Basahin mo ng malakas," utos nito. Kaya napatango siya bagama't puno pa rin ng takot ang kaniyang nadarama. Hindi niya akalaing nakapagsulat din si Loise ng karanasan nila at sinikap na maitago 'yon, gayong ang kaniyang isinulat ay nawala na lang na parang bula.


Samantala ay walang traffic sa probinsya kung kaya't mabilis ang kanilang biyahe. Kaya naman nakarating na sila ng Visayas. Bagama't nananatili pa rin silang tahimik habang nakikinig sa binabasa ni Siobe.


"Ako si Loise Sandoval.. at nais kong ibahagi ang aking naranasang karahasan.. sa kamay ng mga Obalagi.. hindi ko inaasahang magiging maganda ang trato nila sa aming magkaklase na si Siobe, sa kabila.. nang pagtanggal nila ng pagkabirhen namin at pagbaboy sa p********e namin.. hindi ko rin akalain na mas naging brutal pa ang mga.. sumunod na araw.." Sandaling napatigil si Siobe sa pagbabasa. Dahil sumisilid na ang luha sa kaniyang mga mata. Parang hindi niya kayang basahin ang bawat salita dahil kahit siya ay saksi sa kakaibang tradisyon ng mga Obalagi. At kahit tila umuurong ang dila niya para basahin iyon ay pinilit niya pa rin, alang-alang sa katotohanang hindi pa nalalaman ng kaniyang mga kaklase. "Dahil nakakakilabot lang isipin na ang ritwal na kanilang ginagawa ay bunga ng kanilang tradisyon, tradisyon kung saan.. habang pinupuri ka nila ay dinadasalan ka at hindi mo mamamalayang.. unti-unti nang kinukuha ang iyong kaluluwa. Hindi mo akalaing kahit buhay ka pa.. ay patay na ang kaluluwa mo sa lupa. At kung mamamatay man ako ngayon ay gusto kong malaman 'to ng mga kabataan.. na hindi sa lahat ng oras ay kakampi ang tumutulong sa'yo, minsan balat-kayo lamang iyon para kuhain ang loob mo. At ang naranasan namin sa kamay ng mga Obalagi ay isang aral na hindi dapat gawing ehemplo sa mga kabataan, bagkus ay gawing inspirasyon lang sa lahat ng anumang laban.."


Matapos basahin iyon ni Siobe ay nakaramdam sila ng pagkadismaya, pangamba at pagdadalawang-isip sa kasunduang kanilang nasumpaan sa mga Obalagi. Subalit hindi nila inaasahan ang sumunod na matutuklasan. Mula sa kinauupuan ni Siobe ay doon lang bumagsak sa kaniyang balikat ang ulo ni Loise dahilan para mapalingon siya rito. At nagdulot sa kaniya ng matinding kaba nang maramdaman na nanlalamig ang katawan nito.


"Sandali-- Loise?" Niyugyog-yugyog pa niya ito dahilan para mataranta na rin silang lahat.


"A-anong nangyayari?" natatarantang tanong ni Fudge.


Hindi lubos akalain ni Siobe na bigla na lang mawawalan ng

buhay ang kaklase.


Samantala ay napapadyak sa manibela si Fudge nang mapansin na tila wala ng pag-asang mabuhay pa ang kaniyang kaibigan. "Nakakainis, bakit wala akong makitang hospital!" sigaw niya samantalang hindi na magkamayaw ang luha sa kaniyang mga mata sa sinapit ng kaibigan.


Umiiyak na rin sina Devee, Daizy at Siobe nang mga sandaling iyon. At nang pagmasdan ni Fudge si Kitch ay nakatulala lamang ito, gulung-gulo pa rin kasi si Kitch sa mga nangyari at hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sundin, ang pabor ni Pinunong Magallon o ang katotohanang ngayon lang nila nalaman?


Ilang minuto pa ang lumipas bago pa man sila makahanap ng malapit na hospital. Tarantang-taranta sila sa pagsugod kay Loise para lang maisalba ang buhay. Nangingitim na ang gilid ng mga mata nito nang dalhin ito sa emergency room. Sinubukan pa itong lapatan ng doktor ng kaniyang medical engine subalit nabigo lamang ito dahil wala na talagang buhay si Loise.


"Hindi p'wede! Hindi!" Naglulupasay na sa kaiiyak si Fudge sa harap ng kaibigan, gayundin ang kirot sa puso ng magkakaklase.


Hindi nila akalain na ang sinapit nilang karahasan sa bayan ng Mumayta ay magkakaroon ng pagtatapos sa isang buhay.


Sinikap nilang dalhin ang bangkay ni Loise sa kasagsagan ng biyahe para lang maipakita sa mga magulang nito ang sarili nitong katawan. Ayaw kasi nilang pumayag na roon ito tanggalan ng lamang loob at saka ihahatid na lang ang katawan sa Sorsogon. Nakaluungkot man ang bumungad sa kanila noong araw na iyon ay dapat na lang nilang tanggapin ang sinapit ng kaklase.


Mag-aalas siyete na ng gabi subalit nasa gitna pa rin sila ng biyahe. Nanlalamig at naninigas pa rin ang katawan ni Loise, na ngayon ay akay-akay pa rin ni Siobe.


At sa paglipas pa ng dalawa't kalahating oras ay tuluyan silang nakabalik sa bayan ng Sorsogon. Katulad ng dati ay payapa ang paligid kapag kalaliman ng gabi. Sadyang na-miss nila ang ilan-ilang building na makikita roon. Ang preskong hangin at ganda ng buwan na ngayon lang nila ulit nadama at napagmasdan. Subalit, sa kanilang paglalakad patungo sa kani-kanilang tahanan ay isang balita ang bumungad sa kanila.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.