Ayesha Emz
Reads
Naranasan mo na bang pumatay ng mga walang sala? Sumaksak ng inosente sa anumang patalim na hawak? Makulong sa madilim na sulok ni walang bakas ng liwanag? Maging hari sa lugar kaya kinatatakutan ng iilan?Sa likod ng pagiging mabangis siya ay may nakatagong masalimuot na nakaraan. Ang pagkawala ng taong labis niyang minahal ang siyang nagpabago sa kanyang tahimik na mundo.Raven Del Rocca ang negosyanteng kinatatakutan. Napabilang sa mala-anghel na anyo. Ngunit isang mabangis at halimaw na demonyo. Isang negosyanteng arogante at kilalang malamig ang puso. He gets what he want at pinamumunuan niya ang malaking negosyo na iniwan sa kanya ng kanyang ama. He's father died in an ambush attack in Brazil. He's mother left him without a trace. Kaliwa't kanan ang mga babae ngunit pinipili niyang bilhin at makaulayaw ang mga malilinis. No test, no taste...Maaaring masira ang buhay ng isang ordinaryong tao kapag naapektuhan siya ng kanyang isinumpang nakaraang buhay. The Bride For Debt ay isang kuwento ng Love, Passion, Heartbreaks at Revenge na bumubuo sa pinakabuod ng kuwento. Si keziah ay labing-anim na taong gulang, ang isang babaeng anak ng mag-asawang magsasaka. Maganda ngunit simply lamang, bakas ang kainosentihan. Mahinhin kumilos at may simpling pangarap ang maging isang doctor sa hinaharap. Maisakatuparan kaya ang kanyang pangarap kung ang may-ari ng hacienda o ang lupain na kanilang sinasaka ay hiniling siyang maging asawa ng apo nito bilang kabayaran sa utang ng kanyang mga magulang.Four years ago nagkaroon ng malubhang sakit ang kanyang ama. Ito ay nagkakaroon ng komplikasyon sa bituka at kinakailangan na maoperahan. Nagmamakaawa ang mag-ina na sila ay tulongan upang mailigtas ang haligi ng kanilang tahanan. Nangako silang pagbubutihin ang pagtatrabaho sa sakahan para mabayaran ang kanilang inutang.Ngunit hindi nila inaakala na ang nais na kabayaran ni Donya Felecia del Rocca ay si Keziah. Nais ng matandang donya na maging asawa ni keziah ang nag-iisang apo nito na si Raven Del Rocca bilang kabayaran sa kabuuang utang nilang mag-ina. May komplikasyon sa puso ang matanda kaya nahihirapan sila na ito'y tanggihan. Alam nilang hindi magugustuhan ng senyorito nila ang desisyon ni Donya Felecia.Ang pagiging mabait ni Keziah at pagiging responsabling kasambahay ay labis na ikinatuwa ito ng matanda. At dahil wala ng mga magulang ang kanyang apo. Nais nitong lumagay na sa maayos ang apo na si Raven Del Rocca bago niya lisanin ang mundo.
Updated at
Reads
Keys are not just practical physical objects, but are also highly symbolic gadgets that associated with:New beginning, transitions, freedom, authority, stewardship, knowledge, trust, loyalty, truth, justice, mystery, love, opportunity, life. A true soulmate has locks that fit our keys and when we feel safe, our truest selves are revealed, allowing us to be loved as we are. The greatest happiness you can have is knowing that you belong to somebody. You've gotta dance like there's nobody watching. Love like you'll never be hurt. Sing like there's nobody listening. And live like it's heaven on earth.Paano nga ba kung iniwan ka ng walang paalam ng taong minahal mo ng lubosan. Ang taong nagpabago sa magulo mong syudad na ginagalawan. Tatanggapin mo nalang ba na wala na siya o hihintayin mo nalang na ang tadhana ang magpabalik sa kanya.Paano kung sa muli ninyong pagkikita burado kana sa kanyang ala-ala. Paano kung hindi na niya matatandaan ang masaya ninyong pinagsamahan. Paano mo tatanggapin kung ang mahal mo rin sa buhay ang sanhi ng kanyang malaking pinsala. Kaya mo bang tanggapin ang katutuhanan sa kanyang biglaang pagkawala noon? Kaya mo bang patawarin ang taong sayo'y nagkasala? Kaya mo bang pagkatiwalaang muli ang taong nagbigay sayo ng buhay ngunit siya naman ang pumatay sa nagpapasigla ng iyong puso?Always remember others may hate you but those who hate you don't win unless you hate them. And then you destroy yourself. Hatred blinds us to the good and keeps us focusing on the bad, no matter what another person or other persons may be doing.Sa araw-araw ng ating buhay kaydaming pagsubok na sumasalakay. May araw na masaya at makulay. Meron din namang sadyang kay tamlay. May mga katanungan na nangangailangan ng mga kasagutan katulad ng:Paano kung ang pag-ibig na maraming humahadlang ang sumasalakay?Paano mo nga ba ito haharapin?Anong paraan ang dapat isipin?Kailan bang ginhaway kakamtin?Sino bang andiyan para ikay sagipin?Kaya ka kayang ipaglaban mula sa makapangyarihan ng lipunan?Kung wala kang mapagsabihan, wala kang kakampi.Maraming bagay ang dapat isa alang-alang sa bawat desisyon. Isang mali mong hakbang tiyak na disgrasya ang iyong patutunguhan.Kung hindi mo alam kung alin ang sapat, alin ang kulang hindi mo maaabot ang magandang kinabukasan.Ang tama at mali dapat itimbang ngunit sadyang may mga tao na gahaman at hindi marunong magpaubaya o ayaw malamangan.Kaya anumang tadhana ang sayo'y nakalaan sa diyos mo nalang isaalang-alang. Pero kahit anong tago mo sa mga sekreto ng nakaraan. Darating ang tamang araw na may makakahanap ng susi para buksan ang nakatagong lihim na pilit pinagtakpan. Sari-saring tungkulin ang kailangan na gagampanan para maituwid ang mga kamalian. Lahat ng hirap na iyong nararanasan, darating ang araw na maniningil ang tadhana.Hindi lahat ng akala mo'y mabait ay iyong kaibigan. Hindi lahat ng may magandang trato sayo kakampi mo na. Hindi lahat ng nagpapakita ng kadesintihan at kainosentihan ituturing ka ng pamilya. Minsan ang iba'y di mapapagkatiwalaan. Maaamong tupa sa iyong harapan, sa iyong pagtalikod ika'y sisiraan and the worst baka buhay mo'y babawian.Sa bawat nakabalot na sekreto at misteryo may susi para ang kwento sa likod ng mga pangyayari ay matuklasan.Ang pag-ibig minsan may pinapaboran ng tadhana at mayroon naman na hindi. Ika nga nila baga paswertihan nalang ang karera ng pag-ibig lalo na sa panahon ngayon na malupit na kalaban ay ang social media. May minamahal pero hindi ka naman kayang mahalin pabalik. May mga tanggap ng magulang at meron namang hindi. Love is a gambling kailangan mong tanggapin ang pagkatalo kung hindi ka pinalad na swertihin.Ang muling pagkatagpo ng landas ni Reese sa nag-iisang multi-billionaire na tagapagmana ng mga Araneta na si Justine Araneta ay muli na naman na susubukin ng tadhana.“ Yesterday is gone. Tomorrow has not yet come. We have only today. Let us begin.” Paano nga pala makapag-umpisa kung sa parehong pagkakataon maulit na naman ang mga pangyayari nang nakaraan. Kakayanin pa ba kung muling maranasan ang malagim na trahedyang sinapit ng kanyang buhay? Sabay na ba silang lalaban para maipanalo ang kanilang pag-iibigan. O muli na naman bang tatakasan dahil wala namang magandang kahihinatnan at kinabukasan.Tara, dala ang susi sabay nating tuklasin ang mga lihim na bumabalot sa kwento nina Justine at Reese. Sabay nating tuklasin ang hiwaga at malagim na sekreto ng biglaang pagkawala ni Reese. Kung paano napagkaisahan ang matalinong cardiac surgeon na si Reese Mojor. Sabay nating tuklasin ang bawat detalye sa kanyang pagkawala eight years ago.Sabay nating usigin ang konsyensya ni Justine Araneta kung paano niya nakayanang manahimik sa pagkawala ng babaeng kanyang iniibig. Tunay na pag-ibig nga ba o sadyang tunay na laro lamang.Madali lang sabihin na let it go, but nobody knows how worst at kung gaano ito kahirap gawin. Letting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a part of your destiny.
Updated at
Reads
Si Nonoy Buenvenida ay isang Pastries MasterChef na naging expert baker sa paggawa ng pinakamasarap na monay. Tinatangkilik ito sa kanilang bayan dahil sa kakaibang sarap nito. Isang simpling lalaki na nakahiligan ang billiard. Kaya sa tuwing tapos na siya sa kanyang trabaho nakasanayan na niyang tumambay muna sa bilyaran bago umuwi sa kanilang tahanan. Ang bilyaran sa bayan ay tambayan din ng mga babaeng nakahiligan ang billiard.May isang dilag na gumising sa attention ni Nonoy. Maganda, maputi, tuwid ang buhok at katamtaman ang height. Nakahiligan din nito ang billiard kasama ang mga kaibigan na tantiya niya ay mga kaklase nito. Yes you read it right! Nakuha ang attention niya sa isang istudyante. Nararamdaman niya ang sparks sa kanyang sistema ng una niya itong nasilayan. Ang mga ngiti na naghahatid ng kakaibang pintig sa kanyang puso. May mga ritmong hindi niya mawari kung anuman ito. He's amazed while watching her playing the pool. Alam nyo na ang ibig sabihin ng pool. Pool is the name given to a series of cue sports played on a billiard table. The table has six pockets along the rails , into which balls are shot.Tough times don't last. Tough players do! Life is tough, but it sure beats the alternative. … and … If you’re going through hell, keep going. Hindi madali ang kanyang panunuyo sa kanyang sinisinta pero hindi niya ito sinusukuan. Tinuruan niya itong maglaro ng billiard. Isang pamamaraan na rin niya para mapalapit sa dalaga. Nandoon ang kilig na halos maglupasay na siya sa tuwa. Ngunit minsan biglang sumusulpot sa bahagi ng kanyang utak ang pangamba na baka siya ay tanggihan. Kasama ang dalaga sa naging inspiration para magpursige sa kanyang pangarap.Pangarap niyang maging tanyag na bilyarista at maging tanyag na manlalaro sa larangan ng billiards. Kagaya ng naging sikat nating manlalaro na nakilala na sa buong mundo.Siya ay may angking talino na kayang makipagsabayan sa mga edukadong tao. May iba't ibang uri nang pag-uugali na kaya niyang gamitin depende sa taong makakasalamuha niya. Suplado pero maginoo, malambing na parang kambing. Mahilig sa dilag na ming-ming na kung kumilos kumikiming-kiming. Kinagigiliwan ang kanyang pakikisama sa kapwa. Pero kapag tumaliwas ang iyong pahayag asahan mong may malalim na sagot kang matatanggap. Dahil sa lalim nito may nahihirapan sa pag-intindi at naging sanhi sa pagtatampuhan o di kaya'y nagiging sanhi ng bangayan.Sa kalagitnaan ng kanyang katanyagan may mga pagsubok din na dumating. Isa sa mga sinubok ng tadhana ang nangyari sa kanila ni Cynthia, ang babaeng kanyang sinisinta. Kakayanin kaya niya ang mga ito? Sino ang mga kasangga niya para maging matatag? Sino ang mga taong makakasalamuha niya para palakasin ang kanyang loob? Subaybayan natin ang mga hamon sa buhay ni Lovable Bilyarista Nonoy Buenvenida.Lovable Bilyarista N. Buenvenida ay isang kwento ng aking mapagmahal na kaibigan. It will be true to life story at dahil buang ang kanyang author na bff. Lalagyan natin ng mga palamuti ang kanyang kwento. A lovable ilonggo who lives in the city of love in Ilo-ilo, Philippines.
Updated at
Reads
Binigay ko lahat ng meron ako. Ang aking puso, isip, katawan at kaluluwa.Ngunit hindi pa rin ito naging sapat para sayo.Pinaramdam mo sa akin ang kakila-kilabot na naging sanhi ng trauma sa aking sarili. Sa maraming paraan araw-araw para sa mga kadahilanang hindi mahalaga.The worst part is that you justified every mean thing you did and all the cruel words that you spew to me.Ang sabi mo pa ay sinusubukan mo lang akong tulungan na gumaling.Pagpabuti ba sa pakiramdam ang pasasabi ng masama tungkol sa akin?Napakaraming beses tayong nag-away dahil kailangan mong magkaroon ng huling salita, palagi kang tama o kaya naisip mo na palaging wasto ang iyong pangangatuwiran.Hindi ko alam kung kailan tayo tumigil sa pagmamahalan at nagsimulang hindi lumaban para sa ating pagsasama bilang mag-asawa. Ngunit ngayon ang lahat ay hindi na mahalaga.Sigurado akong may sagot ka at sisisihin mo lang ako sa mga ginagawa mo.Alam mong hindi kita tinatanong, dahil ako ang itinulak mo palayo. Hanggang sa hindi ko na nakayanan pa lahat. Hindi na ako umiiyak dahil naging manhid na ako ngayon.Manhid sa iyong mga salita, iyong mga pangako at iyong paghingi ng tawad. Ngunit masayang lang dahil hindi mo naman magawang magbago.Wala na akong maibibigay, ginugol ko na ang lahat ng mayroon ako para iligtas ang isang relasyon na hindi ko naman sigurado kung mahalaga pa ba ako.Hindi mo na pinapahalagahan o pakialam ang relasyon na binuo natin katulad ng ginagawa mong pagpapahalaga sa iyong sarili.Napakaraming bagay na hindi ko maintindihan kung bakit, pero hindi ko na kailangan.Naubusan na ako ng mga salita, damdamin para subukang alalahanin ka pa.It's time now to put myself first, something I haven't done in a long time..tigilan na natin ito, tama na.Huwag mo na akong pagbintangan na mali.Noon pa man taos puso akong umaasa sa pinakamapagmahal at mahusay na ikaw. Hindi lang bilang parte ng aking buhay. Kundi bilang kapares na maaasahan sa hirap at ginagawa. Katulad ng kung paano tayo nagsumpaan sa harap ng ating mga kamag-anak, kaibigan at higit sa lahat sa diyos.Ayoko na dahil nahihirapan na ako para sa aking sarili. Lalo na kapag dinadagdagan mo ng mabangis na pagsalakay. Hindi ko na kayang tiisin ang pisikal at emosyonal mong pananakit.Kaya huwag mong ipagtaka kung bakit hindi kita tinatawagan at hindi na nakikipag-away sa iyo sa text. Ang aking kadahilanan ay napaka-simple lamang at ito ay ang "TAPOS NA TAYO".Wala nang pagkakataon para subukan na ayusin pa ang mga bagay.Huwag mo na akong subukan na pigilan sa aking paglalakad palayo. Dahil buo na ang aking desisyon at itinaas ko ang aking ulo para subukang hanapin muli ang liwanag.Alam kong mahirap ang aking hinaharap at maaaring maraming balakid na siyang haharang sa aking landas. At malamang na mami-miss kita, ngunit sa totoo lang, mas nami-miss ko ang aking sarili. Na miss ko na ang dating ako, ang dating mapagmahal, mabait at malakas na ako.Sino ang maaaring gumawa ng anumang bagay at palaging nakakahanap ng kaligayahan sa kanyang buhay.I don't need to blame you for anything. I take responsibility for every time I allowed you to treat me badly and all the ways that I didn't stand up for myself.Iyon din ang dahilan kung bakit inaako ko ang responsibilidad para sa aking buhay pabalik at lumalayo.Pagmamay-ari ko ang aking sarili at may mga pagpipilian ako. Ang aking kaligayahan sa wakas ay makakamtan ko na pagkatapos ng napakatagal na pagpayag sa aking sarili na madama bilang isang biktima, dahil hindi ako kaagad lumayo mula sayo.Tatapusin ko ang kabanatang ito ng aking buhay at magsisimula ng panibago.Hindi ko alam kung saan ako muling itadhana o kung paano ako makakarating sa aking tatahaking landas. Ngunit habang nagpapaalam ako sa isang nakaraan na puno ng dalamhati, sa wakas ay muli kong naramdaman ang sikat ng araw.Ngayon, oras ko na para maibalik ang aking ningning.Oras ko na naman..Ang muling bumangon, lumipad ng mataas at higit sa lahat,Para maging masaya naman ako ulit.Hindi ko mapagkakaila na marahil ikaw na nga ang pinakamatamis na tulang naisulat ko.Hindi ako sigurado kung dahil sa ikaw ang unang lalaking hinalikan ko sa ilalim ng bumubuhos na ulan.O dahil binigay ko ang lahat sa laban na 'to mula ulo hanggang paa. Mula buhok hanggang kuko. Mula balat hanggang buto. Tagos ang mga salitang yumayakap sakin bawat gabiHalos hindi na nga ako natulog sa dinami-daming kwentong ibinahagi ko kahit sa tula man lang.Naaalala mo pa ba noong sinabi mo sakin ang takot mo sa dilim,At kahit hindi ako nakakatulog ng may ilaw. Hindi ko pinapatay kahit para sakin nakakasilaw. Para sayo tiniis ko, para makatulog ka lang ng mahimbing hinayaan kong nakabukas ang ilaw.Naaalala mo pa ba?Na minsan kitang naging mabuting kaibigan. Malawak ang iyong mga ngiti sa tuwing tayo'y nagkikita. Nang magbago ang lahat dahil sa nangyari na hindi ko naman ginawa. Nabura lahat ang maganda nating samahan. Ayaw mo na akong tingnan dahil labis mong kinamumuhian. Burado na ang masayang ala-ala, kahit ito'y maikli lang.
Updated at
Reads
Madalas ang kabiguan ay naging daan para maging malakas at matatag tayo para sa ating sarili o di kaya ay para sa panibagong hamon ng ating buhay. Ang akala mo'y magiging sayo na ay hindi pala kapag ito ay hindi pa itinadhana para sayo. Katulad ng kasabihan “Pinagtagpo pero hindi itinadhana.”Si Froilan Gomez Smith ay isang Filipino-American na nag-aral sa kolehiyo dito sa Pilipinas at kumuha ng Engineering course. Siya mismo ang humiling sa kanyang mga magulang na dito niya sa Pilipinas gustong mag-aral ng kolehiyo.Sa una ay mahiyain si Froilan dahil hindi siya bihasa sa linguahe ng mga filipino. Nagkaroon siya ng pitong mga makukulit at mababait na kaibigan. Ang mga ito ang naglabas sa tunay na pagkatao ng isang Froilan Gomez Smith. Bilang magkaklase nabuo nila ang grupong “The Engineer Squad”. Kapag may kasalanan ang isa damay ang pitong dewende sabi ng kanilang professor.Naging masaya ang kanyang pananatili sa Pilipinas kasama ang kanyang Lolo at Lola na gumagabay sa kanya. Mabait at mapagsmahal na apo si Froilan kaya hindi sila nahihirapang gabayan ito.Nang makatagpo niya ang babaeng una niyang minahal ang akala niya ay habang buhay na niya itong makakasama. Ngunit isang kasinungalingang relasyon pala ang kanyang natagpuan. Kaya mula sa kabiguan na naranasan naging mailap na siya sa mga kababaihan. Nawalan siya ng tiwala sa mga babaeng kanyang nakakasalamuha. Maliban sa mga asawa ng kanyang mga kaibigan na labis niyang hinahangaan dahil sa katatagan at kabutihan ng mga ito. Minsan na rin niyang naidalangin sa panginoon na sana ay makatagpo siya ng babaeng katulad nila. Minsan din ay nakaramdam siya ng selos dahil napakaswerti ng kanyang mga kaibigan.Para makalimot sa pasakit na pinagdaanan he is going more focused on his military career bilang U.S military pilot at tumatanggap na rin siya ng mga mission at sumasabak sa gyera sa ibang bansa kahit ayaw ng kanyang mga magulang.He use woman to fill his needs but no string or any connection. True generosity is an offering; given freely and out of pure love. No strings attached. No expectations.Lust will be faded, kaya ayaw niyang may connection sa mga makakaulayaw niya. Ika nga nya naglalaro lang siya para mabawasan ang init ng kanyang katawan just lust and pleasure.Paano kung dumating ang panahon na biglang sumulpot sa harapan ni afam ang babaeng muling magpapabalik sa tibok ng kanyang puso. Kaya ba kayang higpitan ng isang Froilan Gomez Smith ang kanyang depensa kapag dumating na ang takdang oras para makatagpo niya ang babaeng nakatadhana sa kanya? Kaya niya kayang paamuhin ang isang makulit at matapang na kolehiyalang tigresa ng mga Marcos?Si Yette Marcos ay hindi lang isang Ob-gyne doctor, isa rin siyang gynecology surgeon at doctor sa mga kababaihan na may personal na karamdaman. Isang magandang dalaga, at bunsong anak ng pamilya Marcos. May tatlong kapatid na lalaki pero ang isa ay half-half. Half-woman and half-man and she called him baklang kabayo.Habolin ng mga manliligaw, pero dahil may taglay siyang kapilyahan at kamalditahan walang nakakatagal. Maraming sumubok para siya ay mapaibig ngunit sila ay nagiging sawi sa kanilang mga layunin.Paano kung dumating ang taong nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso? Kaya ba niya kaya itong iwasan o gamitan ng kapilyahan at kamalditahan? Paano kung mahulog siya sa tukso ng isang afam? Kaya ba niyang takbohan ang mapagbirong tadhana?Paano kung sa kalagitnaan ng kanilang masayang pag-iibigan ay may mga pagsubok na dumating. Kaya ba niyang salungatin ang unos ng pagsubok o tatakbuhan nalang para makaiwas sa mga pasakit na maging dulot nito. Kaya niya bang iwanan ang taong sinubok ng tadhana at nangangailangan ng suporta para makaahon sa kinalulugmokan nito?Ang katatagan ng isang relasyon ay nasa tibay ng bawat isa. It seems to have lasted forever.We’ve been called to make more sacrifices than planned.Love over fear, it means you need to have faith in your love and don't allow your fear to control you. Because they said there are only two energies at the core of the human experience: love and fear. Love grants freedom, fear takes it away. Love invites full expression, fear punishes it. Love invites you, always, to break the bonds of ignorance.Kapag umusbong ang ating takot dahil sa natamong kabiguan. Gusto nating tumakas kaysa ipaglaban ang ating nararamdaman. Sabi nila kapag tayo ay umiibig, dapat bukas tayo sa lahat ng ibinibigay nito katulad nang may pagnanasa, pananabik, at pagtanggap. Ngunit sabi naman nang iba kailangan nating matutunang mahalin muna ang ating sarili, sa lahat ng ating kaluwalhatian at ating mga di-kasakdalan. Kung hindi natin kayang mahalin ang ating sarili, hindi natin lubos na mabubuksan ang ating kakayahang mahalin ang iba o ang ating potensyal na harapin ang ating takot.Sabay nating tunghayan ang pag-iibigan na puno ng kabaliwan. At ang pag-iibigan na puno nang mga pagsubok. Samahan ninyo akong tunghayan ang afam temptation versus the second aning-aning.
Updated at
Reads
Sa kaharian sa isang bahagi ng mexico, may nakatirang isang mausisa na dalagang babae na nagngangalang Bernadette. Ang nag-iisang anak at prinsesa ng mga San Jose. Lingid sa kaalaman ng lahat na bukod sa pagiging hari ng kanyang ama isa rin itong mafia leader ng bansa. Ito ang pumoprotekta sa mga katiwalian at illegal na transaction. Siya ay palaging nabighani sa mga hiwaga ng organization na pinamunuan ng kanyang ama at nagkaroon ng walang kabusugan na pagkauhaw sa kaalaman. Isang araw, habang naglalakad siya sa lokal na aklatan, napadpad siya sa isang sinaunang aklat na may sira-sirang pabalat. Ang pamagat ay binasa, "Shrouded Intentions of the Invisible Creator."Naintriga, umupo si Bernadette sa malapit na mesa at nagsimulang magbasa. Isinalaysay ng aklat ang kuwento ng isang makapangyarihang nilalang at leader na kilala bilang Invisible Creator, na may kakayahang hubugin ang buong bansa gamit ang kanilang mga iniisip at imahinasyon para sa hinaharap. Ayon sa alamat, ang Invisible Creator ay hindi nakita sa loob ng maraming siglo, ngunit ang kanilang presensya ay nararamdaman pa rin sa mga kababalaghan.Habang si Bernadette ay nagdedebelop ng mas malalim sa kuwento, hindi niya maiwasang makaramdam ng koneksyon sa Invisible Creator. Nais niyang makilala ang misteryosong pigura na ito at matuto mula sa kanilang karunungan. Hindi niya alam kung kailan magkatotoo ang kanyang hiling.Naalala na naman niya ang paalala ng kanyang Filipina na yaya nung isang gabi. Ipinagkasundo siya ng kanyang ama sa isang anak ng mafia leader ng buong bansa. Ito ang pomuprotekta sa bawat mafia leader ng iba't ibang panig ng bansa. Mula sa negosyo, assassination, at gobyerno.Ayaw niyang makasal sa anak ng isang mafia leader. Pangarap niyang makapagtapos sa kanyang pag-aaral sa kurso sa larangan ng medisina.Nagulantang siya sa kanyang pagmumuni-muni ng biglang sumigaw ang kanyang yaya at hinila siya patungo sa sekretong lagusan para makatakas.Sumilip siya sa maliit na butas bago tumakas. Nakita niya ang kanyang mga magulang na walang awang pinaslang. Bago siya makasigaw tinakpan na ng kanyang yaya ang kanyang bibig. Impit na iyak ang kanyang ginawa habang hila-hila siya ng kanyang yaya para tumakas.Paano niya ipaghihigante ang kanyang mga magulang kung wala siyang sapat na ebedinsya? Ating tunghayan ang magiging buhay ni princess Bernadette sa labas ng kanyang kaharian. Ang pakikipagsapalaran para mabuhay at makatakas sa mga taong nais pumatay sa kanya. Ating alamin ang misteryong bumabalot sa prinsepe ng kanyang panaginip. Ang lalaking nasa kanyang imahinasyon ay magiging kakampi ba o kaaway? Ano kaya ang tunay na mga intensyon na nakabalot nito sa kanyang buhay?Naipagkanulo na ni Bernadette ang kanyang sarili sa estrangherong tao na hindi pa niya lubusan na nakilala. Sa ilang buwan nilang pagiging f*ck buddy nakaramdam si Bernadette ng kasiyahan sa kanyang puso. Isang gabi na umuwi ito sa mansion ay may dala na naman itong babae. Labis na nasaktan si Bernadette sa kanyang nakikita. Naitanong niya sa kanyang sarili; “No soy lo suficientemente bueno para él? Sé que no tengo derecho a quejarme. Simplemente no puedo contener el dolor en mi corazón,”(Hindi pa ba ako sapat para sa kanya? Alam kong wala akong karapatang magreklamo. Hindi ko lang maikukoble ang kirot sa aking puso.)Natuklasan ni Bernadette ang sekretong silid ng kanyang senyorito. Nakita niya roon ang mga larawan na may markang ekis na ang ibig sabihin ay mga namatay na. Nagulantang siya ng makita ang larawan ng kanyang mga magulang na naka-ekis rin. Samantalang ang kanyang larawan naman ay wala pa. Nakita rin niya ang isang envelope na selyado pa at waring hindi pa nabubuksan. May nakasulat itong “The Key!” naging intrisado siya dahil alam niyang ito ang hinahanap ng mga armadong grupo. Nagulantang pa siya ng makita ang larawan na laman ng envelope. Isang malaking pagkakamali na naman ang kanyang nagawa dahil naipagkanulo niya ang kanyang sarili sa taong naghahanap sa susi. Todavía tengo suerte porque antes de que abriera la evidencia la tenía en mis manos.(maswerte parin ako dahil bago pa niya nabuksan ang ebidensya nasa aking mga kamay na ito) Ikinatuwa parin niya ang mga kaganapan dahil sa ibang bahagi pumapabor parin sa kanya ang tadhana ng mapasakanya ito.Paano kakayanin ni Bernadette kung matuklasan niyang ang taong pumatay sa kanyang mga magulang ay ang taong lubusan niyang minahal. Ang taong pinag-aalayan niya ng kanyang sarili, ang taong akala niya ay magiging kakampi. Paano niya kakayanin ang harap-harapan na panluluko nito sa kanya. Paano siya makikihati sa oras sa lalaki minahal niya ng lubusan sa mga babaeng salit-salitan nitong ikinakama. Paano niya maiiahon ang sarili sa kumunoy na kinahuhulugan?May darating pa kayang pag-asa sa isang prinsesang naligaw ng daan? May magandang bukas pa kayang tatanglaw sa kanyang madilim na ngayon?Ating alamin ang mga taong makakasalamuha at magiging kakampi ni Princess Bernadette San Jose.
Updated at
Reads
Si Sanjela Nieves Valdez isang babaeng nagmula sa katamtamang istado ng pamilya. Mahinhin at may maamong mukha na bumihag sa attention ng mga kalalakihan. Siya ay nag-iisang anak nina Felipe at Leonora Valdez. Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng katamtamang lawak ng palayan, maisan, niyogan at manggahan. Hindi nila matatawag na hacienda dahil hindi naman ito kasing laki ng balwarte ni Governor Ricardo Santos. Ang governor na kinatatakutan ng region 9 dahil sa taglay nitong bangis.Si Richmond Axel Santos ang bunsong anak ni Governor Ricardo Santos. Nakilala niya ito noong siya ay nag-aaral palang sa kolehiyo bilang nursing students. Nagkamabutihan at naging magkasintahan hanggang matapos ni Sanjela ang kanyang kurso. Sa awa ng panginoon natupad ang pangarap ng kanyang mga magulang na maging registered nurse siya.Naging mapusok ang dalawa ngunit bago pa man naisuko ni Sanjela ang kanyang kainosentihan pinapirma siya ni Axel ng isang marriage certificate. Dahil desidido na nga daw itong si Sanjela ang maging kabiyak habangbuhay. Makalipas ang ilang buwan pinaalam ni Axel sa magulang na buntis si Sanjela at siya ang ama. Labis na tinutulan ito ng kanyang ina, ang dahilan nito ay wala daw sapat na kayamanan ang pamilya ni Sanjela. Puno ng pang-iinsulto at pangmamaliit ang natamo ni Sanjela sa ina ni Axel. Isa pa sa kadahilanan ay nais nitong maikasal si Axel sa anak ng kaibigan nito.Taliwas naman ang reaction ng ama ni Axel. Mas ikinatuwa pa nito ang pagsasama ng dalawa. Ayon nga nito umaayon daw ang tadhana sa kanyang plano. Ang kanyang plano na sakupin ang lupain ng mga Valdez. Ang angkinin ang kabuuan ng mga hayop, pananim at iba pa.Dumating ang araw na kailangan ng bumalik ni Axel sa maynila. Nangako itong madalas dadalawin ang asawa at tatawagan sa cellphone. Sa araw ng pag-alis ni Axel ay simula na rin ng araw ng pangmamalupit ng ina nito. Mula sa silid nila ni Axel pinalipat si Sanjela sa silid ng mga kasambahay. Kahit ganun pa man ang trato ng kanyang beyanan. Nagsusumikap parin si Sanjela na makuha ang loob nito. Naroon ang ipinaghahanda niya ito ng makakain, pinagtitimpla ng kape. Sa kabila ng kanyang kabutihan puro pasakit at pamamahiya lang ang ginagawa nito sa kanya.Isang araw ay bigla nalang sumulpot ang kanyang beyanan na babae. Ipinamukha nito sa kanya ang kanyang taglay na katangahan. Ihinagis sa kanyang harapan ang mga larawan ni Axel at ng isang babae. Matamis na nagkangitian at ang bawat tingin sa isa't isa ay puno ng pagmamahalan. Isang bomba ang sumabog sa kabuuan ni Sanjela. Lalo pa ng sabihin ng kanyang beyanan na kasal ng dalawa ang mga kuha sa larawan.Ang alam niya kasal na sila ni Axel, pero peke lang pala ito. Ang marriage certificate na pinapirmahan sa kanya ay papel upang linlangin lang siya para makuha ang kanyang pagkab*b*e. Ang akala niyang bunga ng kanilang pagmamahalan ay bunga pala ng isang kasinungalingan. Durog ang kanyang puso, impit na umiiyak sa kanyang sinapit. Dahil sa labis na pighati nararamdaman niyang biglang humilab ang kanyang tiyan at balakang.Si Richmond Arex Santos ang panganay na anak ng mga Santos. May sariling mundong ginagalawan dahil nawala ito sa katinuan. Naging cinto-cinto dahil pambubugbog na natamo mula sa sariling ama. Ang akala ng lahat na siya ay walang silbi. Siya pa ang naglakas loob na dalhin si Sanjela sa hospital kasama si Yolly ang isa sa mga kasambahay. Tatlong malulusog na sanggol ang naisilang ni Sanjela bago siya nakatulog sa pagod. Sa kanyang paggising ay bumungad kaagad sa kanya ang masamang balita. Ang pagkamatay ng kanyang mga magulang at ang pagkawala ng kanyang mga anak.Sa muling pagbabalik ni Sanjela mabigyan kaya niya ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang? Sa muli nilang pagkikita ng taong naging sanhi ng kanyang pighati may pag-asa pa kayang maayos ang nawasak nilang relasyon?Sino ang nasa likod sa pagkawala ng kanyang mga anak? Sino ang tumulong para muli siyang bumangon mula sa kinalulugmukan?Sabay nating subaybayan ang kwento ni Sanjela at Axel sa malupit na mundong kanilang ginagalawan. Ang mundong puno ng kasinungalingan at panlilinlang.
Updated at
Reads
“Gian Carlo Guerrero you have to focus your studies about business because you are the only heir to our empire. Why did you take the engineering course? That will not help to our business. Anong mapapala mo sa kursong iyan huh? Matagal ko ng hiniling sa'yo na bitiwan mo na ang kursong iyan at mag-shift ka sa business pero hindi ka nakikinig.”....my mom start again her daily lecture it's almost four years already. “Alma, hayaan mo na ang anak mo sa gusto niyang kurso. Besides magtatapos na siya sa kursong gusto niya. Pwedi na niyang pag-aralan at mag-shift Ng business course sa ibang bansa. For God sake Alma graduating na iyang anak mo sa kursong kinuha niya kaya tigilan mo na ang kaka sermon sa kanya.” “Kaya lumalaki ang ulo ng batang iyan dahil kinakampihan mo.” “Hindi ko siya kinakampihan Alma gusto ko lang suportahan ang anak natin sa pangarap niya.” “Kung hindi niya pag-aaralan ng mabuti ang negosyo na ibinigay ng mga magulang ko baka malulugi lang ito. Kapag ipinasa mo na ang pamamahala dyan sa magaling mong anak. Ano bang napapala mo dyan sa mga kaibigan mo? Hindi naman sila gaano kayaman at halatang sa mga magulang lang umaasa.” Umandar na naman ang pagiging matapobre ng isang Alma Parasaba Guerrero. Mom, huwag mong isali sa usapan ang mga kaibigan ko dahil wala silang masamang ginagawa sa'yo. Nirerespito ka parin nila kahit puro irap lang ang sagot mo kapag binabati ka nila. Nag-aaral pa lang po kaming lahat kaya sa magulang kami nakadipende. At tungkol sa kursong kinuha ko. It's my dream at ito ang gusto kong pag-aralan. Hindi ko naman po sinasabing hindi ko pag-aaaralan ang negosyo natin. Ang sa akin lang po ay gusto ko munang tuparin ang pangarap ko. Masamang impluwensya talaga iyang mga kaibigan ng anak mo Condrado. Kita mo naman kung paano sumasagot sagot sa akin. You are grounded for few days Gian Carlo. And after your graduation of that stupid course of yours. Kailangan mo ng lumipad papuntang Cambridge para doon pag-aralan ang business course mo. “Magiging kasama mo rin ang unica hija ng aking amiga na si Gail Amira. You have the same course to study Gian Carlo and you will also watch over her. Siya din ang nag-iisang tagapagmana ng Garcia Diamond and Jewelry at Garcia Real State Visayas. Bagay na bagay kayong dalawa hijo. Napaka ganda at mabait na bata ang anak ng aking matalik na kaibigan alam kong magkakasundo kayo. Sigurado akong hindi kayo mahihirpang pakisamahan ang isa't-isa dahil mula pagkabata hanggang kolehiyo magkasama kayong palagi. It's not hard to settle down soon because you already know each other.” C'mon mom, hindi ako mag-aaral sa ibang bansa kung may bagahe kayong ipapabitbit sa akin. Anong ikinaganda ng babaeng iyon? Puro kaartehan lang naman ang alam. Noong bata pa kami magkasundo kami hanggang high school pero noong nagsimula na ang kaartehan ni Gail Amira ayaw ko na sa ugali niya. Magkasundo naman talaga kami dahil mula nursery to high school siya ang palagi kong kasama papuntang school at pauwi. Best friend kung tawagin ang closeness namin. Pero nang magkolehiyo na kami nagbago na ang lahat ng ipagkalat niya may relasyon kaming dalawa. Lalo na ng umamin siyang mahal niya ako. Nagsimula na siyang naging maldita at inaaway ang mga babaeng nilalapitan ko. Nag-e-inarte na masyado at nagiging clingy. “Hello tita and tito good morning po! Hi Gian how are you? Libre ka ba today? Pwedi mo ba akong samahan sa mall?” “Oh hi hija kumusta kana? Naging topic ka namin ngayon lang. Pinag-uusapan namin ang pag-aaral ninyo sa ibang bansa.” “Oh really? I think Gian has agreed, right?” “Yes of course hija, he can't say no to me.” Speaking of b*tch kapag pinag-uusapan parang kabute na ora-oradang sumusulpot. Umagang-umaga sinisira ang araw ko....I murmured. “Gian anak samahan mo na si Gail. Mabuti na yung makapag-bonding kayong dalawa para hindi na kayo maiilang sa isa't isa kapag magkasama kayo sa ibang bansa.”....my mom said. Mom, dito nalang ako mag-aaral sa Pilipinas may prestihiyuso namang eskwelahan na pwedi kong pasukan para hindi na ako mapalayo sa inyo. And please mom, huwag mo naman akong pangunahan sa mga desisyon ko. Huwag mo akong gawing bodyguard diyan sa anak ng kaibigan mo. Pakkkkk! “Gian Carlo hindi kita pinalaking bastos. Ina mo ako at ako ang nagpakahirap para marating mo kung saan ka man ngayon. Huwag mong kontrahin ang gusto ko kung ayaw mong mawalan ka ng mana.” Wealth treats na naman, dyan magaling ang ina ko ang mangbanta. Umakyat na ako sa aking silid at nagbihis. Kailangan kong sundin ang utos ng aking ina dahil kapag hindi ay talagang hindi niya ako lulubayan. Pinagbabantaan pa akong tatanggalan ng mana. Nasa kolehiyo palang ako sa kurso kong Engineer kaya wala pa akong sariling pera para makapagsimula. Pagkatapos kong magbihis ay diretso na akong lumabas ng bahay. Hindi na ako nagpapaalam sa mga magulang ko. “Tito, tita aalis na kami ni Gian. I'll see you later po!” “Sige mag-iingat kayo and enjoy there hija.”
Updated at
Reads
Kaga-graduate palang niya ng high school noong isang lingo. At ngayon narinig niyang nag-uusap ang mga magulang. Nais siya nitong ipambayad sa utang. Nalulong kasi ang kanilang ama sa sabong at nagkaroon ng malaking utang sa isang kapitan sa kanilang lugar. Nang hindi pumayag ang kanyang Lola Pasing nagalit ang kanyang ama. Kaya isiniwalat nito na hindi siya dapat kaawaan dahil isa lang siyang ampon. Kaya pala labis ang pahirap na pinapadanas ang ginagawa ng mga ito sa kanya. Lahat ng gawaing bahay siya ang gumagawa. Kapag nasa palengke ang kanyang Lola para magtinda ng mga kakanin ay halos hindi siya pinapakain ng kanyang mama Amelia. Ang katuwiran kasi nito marami daw siyang karne at taba sa katawan kaya hindi na kailangan na pakainin pa ng tatlong beses sa isang araw. Tiniis niya ang lahat ng mga pasakit dahil naaawa siya sa kanyang Lola. Siya lang kasi ang madalas na tumutulong sa mga paninda nito minsan. Ang dalawang kinikilala niyang kapatid ay walang ibang ginawa kundi ang utus-utusan siya. Siya pa ang gumagawa ng kanilang mga assignment sa eskwelahan. Maliban nalang sa bunsong lalaki na pangatlo sa mga ito na palagi niyang kasama. May pagkabinabae kasi itong kumilos. Palaging binubugbog ng kanilang ama dahil hindi nito tanggap ang pagiging bakla. Siya lang ang palaging nagtatanggol dito. Madalas silang dalawa ang nagkakaroon ng mga pasa dahil sa pambubugbog ng ama. "Ate Ananya hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa'yo. Hindi ko alam kung saan ka man mapadpad sa iyong paglayo. Magpakatatag ka ate, malulungkot ako dahil wala ng magtatanggol sa akin. Wala na akong ate na sasalo sa mga hampas ng sinturon ni papa. Ate, mami-miss kita palagi kong ipagdadasal na sana magkikita pa tayong muli," umiiyak na sabi ni Allen. Allen, mami-miss din kita at mag-iingat ka rin palagi. Iwasan mo nalang kapag lasing si papa Nando na uuwi dito sa bahay natin para hindi ka mabugbog. Ipagdadasal ko rin na sana magkikita tayong muli. Ikaw lang at si Lola ang naging kakampi ko sa bahay na ito. Sa inyong dalawa ko lang naranasan na may tunay na pamilya ako. Mahal na mahal ko kayo ni lola. Alagaan mo siya Allen dahil matanda na siya. Pangako babalikan ko kayong muli sa tamang panahon. Naiiyak na rin ako dahil totoong mami-miss ko sila. Kinagabihan gamit ang tatlong libong ipon ni Allen sa pagsali-sali nito sa Miss Gay contest ng ibang baranggay. Ito ang ibinigay sa kanya para may magagamit siya sa pagtakas niya. "Ate bilisan mo na at baka maabotan ka ni Papa. Tiyak na hindi ka makakaalis kung mahuhuli ka niya" sigaw ni Allen. Saktong paglabas niya ng bintana ay nakita niya ang ama na pasuray-suray na naman itong naglalakad sa daan. Puro mura ang bukambibig dahil natalo na naman sa sugal. Nakakuble siya sa mga halaman ng aming kapitbahay. Muli pa nitong binanggit na bukas daw makakabayad na siya sa kanyang utang dahil siya nga ang ipambabayad nito. "Salamat sa pagkupkop mo sa akin Pa, minsan nahihirapan man ako at napakasakit ng mga pasang natamo ko mula sa mga pambubugbog mo. Salamat parin dahil binihisan, pinaaral at kinupkop mo parin ako kahit hindi mo kadugo. Hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha. Masakit mang isipin na gusto niya akong ipambayad ng kanyang utang. Hindi ko parin maipagkakailang minsan ko siyang naging ama kahit hindi man kami magkadugo. Nang nalampasan na niya ako ay agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at agad na tumakbo. Kailangan kong makasakay ng traysikel para magpahatid sa pier ng barko. Seguradong sarado na ang ticketing office dahil gabi na. Kailangan kong magpalipas ng gabi sa pier, makikiusap nalang ako sa gwardya na payagan akong manatili sa isang tabi. Nang makarating nga siya sa pier ay mga gwardya nalang ang naroon. Nakiusap siya sa isang matandang gwardya na magpapalipas siya ng gabi kahit sa tabi lang ng kinauupuan nito. Magdamag silang nagkukwentuhan ng matanda. Hindi na siya mahiyaing ilahad ang kanyang mga nakaraan. Ang gusto lang niya ay mailabas niya ang kanyang mga hinanakit na matagal na niyang kinikimkim. Naawa pa ito sa kanya at kinaumagahan binilhan siya ng almusal bago ito umuwi dahil tapos na ang magdamagan na duty. Taos puso siyang nagpapasalamat sa matanda. Nais pa nga sana siyang abutan nito ng kunting halaga pero hindi na niya tinanggap. Sapat na sa kanya na pinakain siya ng umagahan at binigyan ng iilang biscuits at tinapay para may makain sa loob ng barko. Pagdating niya sa maynila wala siyang saktong direksyon kung saan siya papunta. Naglalakad siya sa gilid ng kalsada habang tumitingin tingin sa naglalakihang establisemento ng kamaynilaan. Wala siyang makita na bakanteng pweding mapasukan bilang kasambahay. Ang sagot ng mga gwardya sa agency daw kumukuha ng kasambahay ang mga amo nila. Natakot yatang tanggapin siya. Baka iniisip ng mga ito na myembro siya ng mga mudos o manluluko. Pagabi na paunti ng lumubog ang araw at hindi niya alam kung saan pa siya kayang dalhin ng kanyang mga paa. Pinaghalong gutom at pagod ang kanyang naramdaman ngayon.
Updated at
Reads
Bili na po kayo ma'am/sir fresh na fresh at maganda po ang ating mga isda kasing ganda ng inyong masiyahin na tindira.“Hoy Lesery hindi ka naman fresh dahil may anak kana. Ganda lang ang meron ka pero hindi parin maitatago na isa kang digrasyada.”Manang Rosing, hindi ko naman po sinabing fresh at maganda po ako. Masiyahin lang naman po ang sinabi ko tungkol sa sarili ko. Kahit po may anak ako, hindi naman po ako namamalimos sa inyo ng pampabili ng gatas. Sariling pagod at pawis ko po ang aking pinambubuhay sa aking munting anghel.“Ate huwag mo ng patulan matanda na yan eh.”Yon na nga Leandro eh, matanda na si manang Rosing at dapat naging magandang ihimplo sa mga kabataan. Pero tingnan mo naman kung makapanghusga ng kapwa akala mo napaka perpekto na niyang tao.Manang nagtatrabaho po ako ng marangal para sa pamilya ko at anak ko. Hindi po ako namamalimos kanino man para po may makain at may maipakain ako sa pamilya ko. Kanya-kanya po tayo ng diskarte sa pagtitinda para makabinta at kumita. Pero hindi naman po siguro tama na pati privacy ng isang tao ay kasama nyo rin na ilalako sa mga mamimili.“Tama may punto si Lesery, kaya ikaw Rosing bawas-bawasan mo na ang pagiging marites mo.“Miss magkano lahat ng panindang isda mo. Papakyawin ko na lahat yan.”Ho??? Hindi po ba kayo nagbibiro sir? “Sige na isupot mo na lahat para mabayaran ko na kaagad.” Naku salamat po sir! hulog po kayo ng puno makakauwi kami ng maaga ngayon.“Bakit hulog ng puno? Di ba dapat hulog ng langit ang kasabihan.”Naku sir, masyado pong mataas ang hulog ng langit kapag nabagsak kayo siguradong sa totoong langit na ang tungo ninyo. Kaysa hulog ng puno pwedi pang mag 50/50 ang buhay ninyo.“Hahaha nakakatuwa ka hija, nakakawala ka ng stress.”“Ang landi talaga pati matanda hindi pinapalampas. Kaya nainis ako sa babaeng yan eh wala tayong sapat na benta dahil sa kalandian niya sa kanya lahat napunta ang mga kustomer.”Huwag nyo na pong pansinin sir, talagang bitter lang ang mga life nila. Pasyensya na po kayo dahil nadamay kayo sa pagiging marites nila.“Okay lang hija, huwag mo akong intindihin. Ikaw ang magpakatatag dahil palagi mo silang makikita at makakasama araw-araw. Oh magkano na lahat Ng isda?”Ah eh...3,600 pesos po eh!“Oh heto ang bayad ko huwag mo ng bilangin keep the change hija.”Maraming maraming salamat po sir, naway pagpalain kayo ng diyos.Leandro, paki tulungan mo si sir na ihatid ito sa sasakyan niya. Magliligpit lang si ate at ng makauwi na tayo huh.“Sige ate ihahatid ko si sir, babalik kaagad ako.”“May silbi talaga ang kalandian mo anoh. Pati hitsura mo gimagamit mong puhunan para magkapera.”Aleng Rosing, alam nyo ba kung saan ako dapat ngayon? Hindi dapat dito eh kasama ninyong mga matatanda. Dapat nasa paaralan ako, dapat nag-aaral ako kasama ang mga kasing-edad ko. May pangarap din akong nais marating, kaya naging malabo manang eh. Na stroke ang tatay ko, may dalawang kapatid akong pinapaaral, at may anak akong nangangailangan ng gatas.Minsan gusto ko ng sumuko kasi tao lang ako may pakiramdam, may puso na nasasaktan rin sa mga masasamang salita ninyo. Kung susuko ako dahil sa mga paninira ninyo at dahil sa mga masasakit ninyong salita. Sinong bubuhay sa pamilya ko? nahihirapan ng gumalaw ang tatay ko, sinong magiging katuwang ng nanay ko? Sinong magbibigay ng pambaon ng mga kapatid ko? Ni peso ba araw-araw magbibigay kayo kung hindi ako didiskarte sa buhay?Please manang tama na dahil kung pati kayo dadagdag sa mga suliranin ko baka mas mahihirapan akong bumangon. Huwag nyo naman akong husgahan dahil sa naririnig at nakikita nyo. Hindi nyo alam ang pagkatao ko....hindi ko na mapigilang huwag humagulgol dahil sobra na sila.Leandro dalhin mo na yan para makauwi na tayo. Bibili tayo ng bigas at monggo para may mailuto tayong sabaw na may malunggay.“Ate wala na pong gatas si Zaile.”Sige ibibili na rin natin siya ng gatas pati gamot ni tatay.Pagkatapos naming mamili ay umuwi kaagad kami ni Leandro. Nakakawala talaga ng pagod si Zaile. Ngiti pa lang niya pangpawi na ng pagod.Nanay, tatay nandito na kami.“Oh anak maaga yata kayo ngayon.”Mano po nay, Mano po tay, oo nga po napaaga kami ngayon kasi may isa pong kustomer na pumakyaw sa paninda namin. Ayan bumili kami ng bigas, monggo, gatas ni Zaile at gamot ni tatay.“Maraming salamat anak, napaka buti mo nawa'y bigyan ka ng sapat na lakas ng panginoon.”Si nanay talaga nag-iinarte mukhang may balak yatang mag-artista.“Sira, walang audition sa mga matatanda.”Maliligo muna ako nay, bago ko kargahin si baby Zaile ang lagkit ko na kasi. Mahirap na baka magkasakit pa si Baby. “Sige anak ihahanda ko lang ang pagkain ninyo. Leandro maligo ka na rin anak”..sigaw ni nanay sa aking kapatid.Dali-dali na akong naligo para makalaro ko si Baby Zaile.Masarap talagang umuwi ng bahay na may madatnan kang cute na batang bubungad sa'yo. Isang matamis na ngiti niya lang nakakawala na ng pagod mula sa magulo at toxic na mundo.
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.