Falling to the Virgin Single Mom
READING AGE 18+
Bili na po kayo ma'am/sir fresh na fresh at maganda po ang ating mga isda kasing ganda ng inyong masiyahin na tindira.“Hoy Lesery hindi ka naman fresh dahil may anak kana. Ganda lang ang meron ka pero hindi parin maitatago na isa kang digrasyada.”Manang Rosing, hindi ko naman po sinabing fresh at maganda po ako. Masiyahin lang naman po ang sinabi ko tungkol sa sarili ko. Kahit po may anak ako, hindi naman po ako namamalimos sa inyo ng pampabili ng gatas. Sariling pagod at pawis ko po ang aking pinambubuhay sa aking munting anghel.“Ate huwag mo ng patulan matanda na yan eh.”Yon na nga Leandro eh, matanda na si manang Rosing at dapat naging magandang ihimplo sa mga kabataan. Pero tingnan mo naman kung makapanghusga ng kapwa akala mo napaka perpekto na niyang tao.Manang nagtatrabaho po ako ng marangal para sa pamilya ko at anak ko. Hindi po ako namamalimos kanino man para po may makain at may maipakain ako sa pamilya ko. Kanya-kanya po tayo ng diskarte sa pagtitinda para makabinta at kumita. Pero hindi naman po siguro tama na pati privacy ng isang tao ay kasama nyo rin na ilalako sa mga mamimili.“Tama may punto si Lesery, kaya ikaw Rosing bawas-bawasan mo na ang pagiging marites mo.“Miss magkano lahat ng panindang isda mo. Papakyawin ko na lahat yan.”Ho??? Hindi po ba kayo nagbibiro sir? “Sige na isupot mo na lahat para mabayaran ko na kaagad.” Naku salamat po sir! hulog po kayo ng puno makakauwi kami ng maaga ngayon.“Bakit hulog ng puno? Di ba dapat hulog ng langit ang kasabihan.”Naku sir, masyado pong mataas ang hulog ng langit kapag nabagsak kayo siguradong sa totoong langit na ang tungo ninyo. Kaysa hulog ng puno pwedi pang mag 50/50 ang buhay ninyo.“Hahaha nakakatuwa ka hija, nakakawala ka ng stress.”“Ang landi talaga pati matanda hindi pinapalampas. Kaya nainis ako sa babaeng yan eh wala tayong sapat na benta dahil sa kalandian niya sa kanya lahat napunta ang mga kustomer.”Huwag nyo na pong pansinin sir, talagang bitter lang ang mga life nila. Pasyensya na po kayo dahil nadamay kayo sa pagiging marites nila.“Okay lang hija, huwag mo akong intindihin. Ikaw ang magpakatatag dahil palagi mo silang makikita at makakasama araw-araw. Oh magkano na lahat Ng isda?”Ah eh...3,600 pesos po eh!“Oh heto ang bayad ko huwag mo ng bilangin keep the change hija.”Maraming maraming salamat po sir, naway pagpalain kayo ng diyos.Leandro, paki tulungan mo si sir na ihatid ito sa sasakyan niya. Magliligpit lang si ate at ng makauwi na tayo huh.“Sige ate ihahatid ko si sir, babalik kaagad ako.”“May silbi talaga ang kalandian mo anoh. Pati hitsura mo gimagamit mong puhunan para magkapera.”Aleng Rosing, alam nyo ba kung saan ako dapat ngayon? Hindi dapat dito eh kasama ninyong mga matatanda. Dapat nasa paaralan ako, dapat nag-aaral ako kasama ang mga kasing-edad ko. May pangarap din akong nais marating, kaya naging malabo manang eh. Na stroke ang tatay ko, may dalawang kapatid akong pinapaaral, at may anak akong nangangailangan ng gatas.Minsan gusto ko ng sumuko kasi tao lang ako may pakiramdam, may puso na nasasaktan rin sa mga masasamang salita ninyo. Kung susuko ako dahil sa mga paninira ninyo at dahil sa mga masasakit ninyong salita. Sinong bubuhay sa pamilya ko? nahihirapan ng gumalaw ang tatay ko, sinong magiging katuwang ng nanay ko? Sinong magbibigay ng pambaon ng mga kapatid ko? Ni peso ba araw-araw magbibigay kayo kung hindi ako didiskarte sa buhay?Please manang tama na dahil kung pati kayo dadagdag sa mga suliranin ko baka mas mahihirapan akong bumangon. Huwag nyo naman akong husgahan dahil sa naririnig at nakikita nyo. Hindi nyo alam ang pagkatao ko....hindi ko na mapigilang huwag humagulgol dahil sobra na sila.Leandro dalhin mo na yan para makauwi na tayo. Bibili tayo ng bigas at monggo para may uto tayong sabaw na may malunggay.“Ate wala na pong gatas si Zaile.”Sige ibibili na rin natin siya ng gatas pati gamot ni tatay.Pagkatapos naming mamili ay umuwi kaagad kami ni Leandro. Nakakawala talaga ng pagod si Zaile. Ngiti pa lang niya pangpawi na ng pagod.Nanay, tatay nandito na kami.“Oh anak maaga yata kayo ngayon.”Mano po nay, Mano po tay, oo nga po napaaga kami ngayon kasi may isa pong kustomer na pumakyaw sa paninda namin. Ayan bumili kami ng bigas, monggo, gatas ni Zaile at gamot ni tatay.“Maraming salamat anak, napaka buti mo nawa'y bigyan ka ng sapat na lakas ng panginoon.”Si nanay talaga nag-iinarte mukhang may balak yatang mag-artista.“Sira, walang audition sa mga matatanda.”Maliligo muna ako nay, bago ko kargahin si baby Zaile ang lagkit ko na kasi. Mahirap na baka magkasakit pa si Baby. “Sige anak ihahanda ko lang ang pagkain ninyo. Leandro maligo ka na rin anak”..sigaw ni nanay sa aking kapatid.Dali-dali na akong naligo para makalaro ko si Baby Zaile.Masarap talagang umuwi ng bahay na may madatnan kang cute na batang bubungad sa'yo. Isang matamis na ngiti niya lang nakakawala na ng pagod mula sa magulo at toxic na mundo.
Unfold
Hon, hurry up lalabas na ang anak mo eh. Huwag kang magpanic captain Grayson Alvin Ramirez, promise babasagan talaga kita ng itlog kapag sinubukan mong magpanic. Kaluka aanakan mo ako tapos hihimatayin kalang. Sabay tayong umungol kaya dapat sabayan mo rin akong umire hayop ka.
"Okay hon relax exhale pero huwag ka daw mag inhale dah……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……