Betrayed Ex-wife Return
READING AGE 18+
Si Sanjela Nieves Valdez isang babaeng nagmula sa katamtamang istado ng pamilya. Mahinhin at may maamong mukha na bumihag sa attention ng mga kalalakihan. Siya ay nag-iisang anak nina Felipe at Leonora Valdez. Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng katamtamang lawak ng palayan, maisan, niyogan at manggahan. Hindi nila matatawag na hacienda dahil hindi naman ito kasing laki ng balwarte ni Governor Ricardo Santos. Ang governor na kinatatakutan ng region 9 dahil sa taglay nitong bangis.Si Richmond Axel Santos ang bunsong anak ni Governor Ricardo Santos. Nakilala niya ito noong siya ay nag-aaral palang sa kolehiyo bilang nursing students. Nagkamabutihan at naging magkasintahan hanggang matapos ni Sanjela ang kanyang kurso. Sa awa ng panginoon natupad ang pangarap ng kanyang mga magulang na maging registered nurse siya.Naging mapusok ang dalawa ngunit bago pa man naisuko ni Sanjela ang kanyang kainosentihan pinapirma siya ni Axel ng isang marriage certificate. Dahil desidido na nga daw itong si Sanjela ang maging kabiyak habangbuhay. Makalipas ang ilang buwan pinaalam ni Axel sa magulang na buntis si Sanjela at siya ang ama. Labis na tinutulan ito ng kanyang ina, ang dahilan nito ay wala daw sapat na kayamanan ang pamilya ni Sanjela. Puno ng pang-iinsulto at pangmamaliit ang natamo ni Sanjela sa ina ni Axel. Isa pa sa kadahilanan ay nais nitong maikasal si Axel sa anak ng kaibigan nito.Taliwas naman ang reaction ng ama ni Axel. Mas ikinatuwa pa nito ang pagsasama ng dalawa. Ayon nga nito umaayon daw ang tadhana sa kanyang plano. Ang kanyang plano na sakupin ang lupain ng mga Valdez. Ang angkinin ang kabuuan ng mga hayop, pananim at iba pa.Dumating ang araw na kailangan ng bumalik ni Axel sa maynila. Nangako itong madalas dadalawin ang asawa at tatawagan sa cellphone. Sa araw ng pag-alis ni Axel ay simula na rin ng araw ng pangmamalupit ng ina nito. Mula sa silid nila ni Axel pinalipat si Sanjela sa silid ng mga kasambahay. Kahit ganun pa man ang trato ng kanyang beyanan. Nagsusumikap parin si Sanjela na makuha ang loob nito. Naroon ang ipinaghahanda niya ito ng makakain, pinagtitimpla ng kape. Sa kabila ng kanyang kabutihan puro pasakit at pamamahiya lang ang ginagawa nito sa kanya.Isang araw ay bigla nalang sumulpot ang kanyang beyanan na babae. Ipinamukha nito sa kanya ang kanyang taglay na katangahan. Ihinagis sa kanyang harapan ang mga larawan ni Axel at ng isang babae. Matamis na nagkangitian at ang bawat tingin sa isa't isa ay puno ng pagmamahalan. Isang bomba ang sumabog sa kabuuan ni Sanjela. Lalo pa ng sabihin ng kanyang beyanan na kasal ng dalawa ang mga kuha sa larawan.Ang alam niya kasal na sila ni Axel, pero peke lang pala ito. Ang marriage certificate na pinapirmahan sa kanya ay papel upang linlangin lang siya para makuha ang kanyang pagkab*b*e. Ang akala niyang bunga ng kanilang pagmamahalan ay bunga pala ng isang kasinungalingan. Durog ang kanyang puso, impit na umiiyak sa kanyang sinapit. Dahil sa labis na pighati nararamdaman niyang biglang humilab ang kanyang tiyan at balakang.Si Richmond Arex Santos ang panganay na anak ng mga Santos. May sariling mundong ginagalawan dahil nawala ito sa katinuan. Naging cinto-cinto dahil pambubugbog na natamo mula sa sariling ama. Ang akala ng lahat na siya ay walang silbi. Siya pa ang naglakas loob na dalhin si Sanjela sa hospital kasama si Yolly ang isa sa mga kasambahay. Tatlong malulusog na sanggol ang naisilang ni Sanjela bago siya nakatulog sa pagod. Sa kanyang paggising ay bumungad kaagad sa kanya ang masamang balita. Ang pagkamatay ng kanyang mga magulang at ang pagkawala ng kanyang mga anak.Sa muling pagbabalik ni Sanjela mabigyan kaya niya ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang? Sa muli nilang pagkikita ng taong naging sanhi ng kanyang pighati may pag-asa pa kayang maayos ang nawasak nilang relasyon?Sino ang nasa likod sa pagkawala ng kanyang mga anak? Sino ang tumulong para muli siyang bumangon mula sa kinalulugmukan?Sabay nating subaybayan ang kwento ni Sanjela at Axel sa malupit na mundong kanilang ginagalawan. Ang mundong puno ng kasinungalingan at panlilinlang.
Unfold
“Bago natin umpisahan ang pag-iisang dibdib nina Sanjela at Richmond Axel. Itatanong ko lang kung wala bang tumututol sa pag-iisang dibdib sa dalawang ito.
Kung wala naman ang kasama ng panalangin ng ating panginoon ipagpatuloy natin ang serimonyas ng kasal,”sabi ng pari na magkakasal.
May mangangahas pa bang humarang eh gober……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……