The Almighty Fatty Ananya
Share:

The Almighty Fatty Ananya

READING AGE 18+

Ayesha Emz Romance

0 read

Kaga-graduate palang niya ng high school noong isang lingo. At ngayon narinig niyang nag-uusap ang mga magulang. Nais siya nitong ipambayad sa utang. Nalulong kasi ang kanilang ama sa sabong at nagkaroon ng malaking utang sa isang kapitan sa kanilang lugar.
Nang hindi pumayag ang kanyang Lola Pasing nagalit ang kanyang ama. Kaya isiniwalat nito na hindi siya dapat kaawaan dahil isa lang siyang ampon.
Kaya pala labis ang pahirap na pinapadanas ang ginagawa ng mga ito sa kanya. Lahat ng gawaing bahay siya ang gumagawa. Kapag nasa palengke ang kanyang Lola para magtinda ng mga kakanin ay halos hindi siya pinapakain ng kanyang mama Amelia. Ang katuwiran kasi nito marami daw siyang karne at taba sa katawan kaya hindi na kailangan na pakainin pa ng tatlong beses sa isang araw. Tiniis niya ang lahat ng mga pasakit dahil naaawa siya sa kanyang Lola. Siya lang kasi ang madalas na tumutulong sa mga paninda nito minsan.
Ang dalawang kinikilala niyang kapatid ay walang ibang ginawa kundi ang utus-utusan siya. Siya pa ang gumagawa ng kanilang mga assignment sa eskwelahan. Maliban nalang sa bunsong lalaki na pangatlo sa mga ito na palagi niyang kasama. May pagkabinabae kasi itong kumilos. Palaging binubugbog ng kanilang ama dahil hindi nito tanggap ang pagiging bakla. Siya lang ang palaging nagtatanggol dito. Madalas silang dalawa ang nagkakaroon ng mga pasa dahil sa pambubugbog ng ama.
"Ate Ananya hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa'yo. Hindi ko alam kung saan ka man mapadpad sa iyong paglayo. Magpakatatag ka ate, malulungkot ako dahil wala ng magtatanggol sa akin. Wala na akong ate na sasalo sa mga hampas ng sinturon ni papa. Ate, mami-miss kita palagi kong ipagdadasal na sana magkikita pa tayong muli," umiiyak na sabi ni Allen.
Allen, mami-miss din kita at mag-iingat ka rin palagi. Iwasan mo nalang kapag lasing si papa Nando na uuwi dito sa bahay natin para hindi ka mabugbog. Ipagdadasal ko rin na sana magkikita tayong muli. Ikaw lang at si Lola ang naging kakampi ko sa bahay na ito. Sa inyong dalawa ko lang naranasan na may tunay na pamilya ako. Mahal na mahal ko kayo ni lola. Alagaan mo siya Allen dahil matanda na siya. Pangako babalikan ko kayong muli sa tamang panahon. Naiiyak na rin ako dahil totoong mami-miss ko sila.
Kinagabihan gamit ang tatlong libong ipon ni Allen sa pagsali-sali nito sa Miss Gay contest ng ibang baranggay. Ito ang ibinigay sa kanya para may magagamit siya sa pagtakas niya.
"Ate bilisan mo na at baka maabotan ka ni Papa. Tiyak na hindi ka makakaalis kung mahuhuli ka niya" sigaw ni Allen.
Saktong paglabas niya ng bintana ay nakita niya ang ama na pasuray-suray na naman itong naglalakad sa daan. Puro mura ang bukambibig dahil natalo na naman sa sugal. Nakakuble siya sa mga halaman ng aming kapitbahay. Muli pa nitong binanggit na bukas daw makakabayad na siya sa kanyang utang dahil siya nga ang ipambabayad nito.
"Salamat sa pagkupkop mo sa akin Pa, minsan nahihirapan man ako at napakasakit ng mga pasang natamo ko mula sa mga pambubugbog mo. Salamat parin dahil binihisan, pinaaral at kinupkop mo parin ako kahit hindi mo kadugo.
Hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha. Masakit mang isipin na gusto niya akong ipambayad ng kanyang utang. Hindi ko parin maipagkakailang minsan ko siyang naging ama kahit hindi man kami magkadugo.
Nang nalampasan na niya ako ay agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at agad na tumakbo. Kailangan kong makasakay ng traysikel para magpahatid sa pier ng barko.
Seguradong sarado na ang ticketing office dahil gabi na. Kailangan kong magpalipas ng gabi sa pier, makikiusap nalang ako sa gwardya na payagan akong manatili sa isang tabi.
Nang makarating nga siya sa pier ay mga gwardya nalang ang naroon. Nakiusap siya sa isang matandang gwardya na magpapalipas siya ng gabi kahit sa tabi lang ng kinauupuan nito. Magdamag silang nagkukwentuhan ng matanda. Hindi na siya mahiyaing ilahad ang kanyang mga nakaraan. Ang gusto lang niya ay abas niya ang kanyang mga hinanakit na matagal na niyang kinikimkim. Naawa pa ito sa kanya at kinaumagahan binilhan siya ng almusal bago ito umuwi dahil tapos na ang magdamagan na duty. Taos puso siyang nagpapasalamat sa matanda. Nais pa nga sana siyang abutan nito ng kunting halaga pero hindi na niya tinanggap. Sapat na sa kanya na pinakain siya ng umagahan at binigyan ng iilang biscuits at tinapay para may makain sa loob ng barko.
Pagdating niya sa maynila wala siyang saktong direksyon kung saan siya papunta. Naglalakad siya sa gilid ng kalsada habang tumitingin tingin sa naglalakihang establisemento ng kamaynilaan. Wala siyang makita na bakanteng pweding mapasukan bilang kasambahay. Ang sagot ng mga gwardya sa agency daw kumukuha ng kasambahay ang mga amo nila. Natakot yatang tanggapin siya. Baka iniisip ng mga ito na myembro siya ng mga mudos o manluluko.
Pagabi na paunti ng lumubog ang araw at hindi niya alam kung saan pa siya kayang dalhin ng kanyang mga paa. Pinaghalong gutom at pagod ang kanyang naramdaman ngayon.

Unfold

Tags: billionairefamilyHEage gapdramabxbgxgcheating
Latest Updated
The End

Matagumpay na nakapag propose si kuya Maxon kay ate Joy. Ang sa gabi na iyon tuloy na rin ang kasalan. Since pareho na silang wala ng pamilya. Ang mga magulang ko kay kuya Maxon at mga magulang ni Dylan sa side ni ate Joy na ang naging pamilya nila.

Kapag pala bukal sa loob na makapag patawaran sa bawat isa at tuluyan ng iwanan sa l……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.