Abandoned Bhella
READING AGE 18+
Binigay ko lahat ng meron ako. Ang aking puso, isip, katawan at kaluluwa.Ngunit hindi pa rin ito naging sapat para sayo.Pinaramdam mo sa akin ang kakila-kilabot na naging sanhi ng trauma sa aking sarili. Sa maraming paraan araw-araw para sa mga kadahilanang hindi mahalaga.The worst part is that you justified every mean thing you did and all the cruel words that you spew to me.Ang sabi mo pa ay sinusubukan mo lang akong tulungan na gumaling.Pagpabuti ba sa pakiramdam ang pasasabi ng masama tungkol sa akin?Napakaraming beses tayong nag-away dahil kailangan mong magkaroon ng huling salita, palagi kang tama o kaya naisip mo na palaging wasto ang iyong pangangatuwiran.Hindi ko alam kung kailan tayo tumigil sa pagmamahalan at nagsimulang hindi lumaban para sa ating pagsasama bilang mag-asawa. Ngunit ngayon ang lahat ay hindi na mahalaga.Sigurado akong may sagot ka at sisisihin mo lang ako sa mga ginagawa mo.Alam mong hindi kita tinatanong, dahil ako ang itinulak mo palayo. Hanggang sa hindi ko na nakayanan pa lahat. Hindi na ako umiiyak dahil naging manhid na ako ngayon.Manhid sa iyong mga salita, iyong mga pangako at iyong paghingi ng tawad. Ngunit masayang lang dahil hindi mo naman magawang magbago.Wala na akong maibibigay, ginugol ko na ang lahat ng mayroon ako para iligtas ang isang relasyon na hindi ko naman sigurado kung mahalaga pa ba ako.Hindi mo na pinapahalagahan o pakialam ang relasyon na binuo natin katulad ng ginagawa mong pagpapahalaga sa iyong sarili.Napakaraming bagay na hindi ko maintindihan kung bakit, pero hindi ko na kailangan.Naubusan na ako ng mga salita, damdamin para subukang alalahanin ka pa.It's time now to put myself first, something I haven't done in a long time..tigilan na natin ito, tama na.Huwag mo na akong pagbintangan na mali.Noon pa man taos puso akong umaasa sa pinakamapagmahal at mahusay na ikaw. Hindi lang bilang parte ng aking buhay. Kundi bilang kapares na maaasahan sa hirap at ginagawa. Katulad ng kung paano tayo nagsumpaan sa harap ng ating mga kamag-anak, kaibigan at higit sa lahat sa diyos.Ayoko na dahil nahihirapan na ako para sa aking sarili. Lalo na kapag dinadagdagan mo ng mabangis na pagsalakay. Hindi ko na kayang tiisin ang pisikal at emosyonal mong pananakit.Kaya huwag mong ipagtaka kung bakit hindi kita tinatawagan at hindi na nakikipag-away sa iyo sa text. Ang aking kadahilanan ay napaka-simple lamang at ito ay ang "TAPOS NA TAYO".Wala nang pagkakataon para subukan na ayusin pa ang mga bagay.Huwag mo na akong subukan na pigilan sa aking paglalakad palayo. Dahil buo na ang aking desisyon at itinaas ko ang aking ulo para subukang hanapin muli ang liwanag.Alam kong mahirap ang aking hinaharap at maaaring maraming balakid na siyang haharang sa aking landas. At malamang na mami-miss kita, ngunit sa totoo lang, mas nami-miss ko ang aking sarili. Na miss ko na ang dating ako, ang dating mapagmahal, mabait at malakas na ako.Sino ang maaaring gumawa ng anumang bagay at palaging nakakahanap ng kaligayahan sa kanyang buhay.I don't need to blame you for anything. I take responsibility for every time I allowed you to treat me badly and all the ways that I didn't stand up for myself.Iyon din ang dahilan kung bakit inaako ko ang responsibilidad para sa aking buhay pabalik at lumalayo.Pagmamay-ari ko ang aking sarili at may mga pagpipilian ako. Ang aking kaligayahan sa wakas ay makakamtan ko na pagkatapos ng napakatagal na pagpayag sa aking sarili na madama bilang isang biktima, dahil hindi ako kaagad lumayo mula sayo.Tatapusin ko ang kabanatang ito ng aking buhay at magsisimula ng panibago.Hindi ko alam kung saan ako muling itadhana o kung paano ako makakarating sa aking tatahaking landas. Ngunit habang nagpapaalam ako sa isang nakaraan na puno ng dalamhati, sa wakas ay muli kong naramdaman ang sikat ng araw.Ngayon, oras ko na para maibalik ang aking ningning.Oras ko na naman..Ang muling bumangon, lumipad ng mataas at higit sa lahat,Para maging masaya naman ako ulit.Hindi ko mapagkakaila na marahil ikaw na nga ang pinakamatamis na tulang naisulat ko.Hindi ako sigurado kung dahil sa ikaw ang unang lalaking hinalikan ko sa ilalim ng bumubuhos na ulan.O dahil binigay ko ang lahat sa laban na 'to mula ulo hanggang paa. Mula buhok hanggang kuko. Mula balat hanggang buto. Tagos ang mga salitang yumayakap sakin bawat gabiHalos hindi na nga ako natulog sa dinami-daming kwentong ibinahagi ko kahit sa tula man lang.Naaalala mo pa ba noong sinabi mo sakin ang takot mo sa dilim,At kahit hindi ako nakakatulog ng may ilaw. Hindi ko pinapatay kahit para sakin nakakasilaw. Para sayo tiniis ko, para makatulog ka lang ng mahimbing hinayaan kong nakabukas ang ilaw.Naaalala mo pa ba?Na minsan kitang naging mabuting kaibigan. Malawak ang iyong mga ngiti sa tuwing tayo'y nagkikita. Nang magbago ang lahat dahil sa nangyari na hindi ko naman ginawa. Nabura lahat ang maganda nating samahan. Ayaw mo na akong tingnan dahil labis mong kinamumuhian. Burado na ang masayang ala-ala, kahit ito'y maikli lang.
Unfold
Third person pov
“PAGSUBOK SA KABILA NG TAGUMPAY”
Ang buhay ay hindi isang problema na dapat lutasin, ngunit isang katotohanan na dapat maranasan. Ito ay isa sa libo-libong paniniwala na ang buhay kahit gaano pa kahirap ay kailangan pa rin natin lumaban, magpatuloy at maging isang matatag na indibidwal para sa iyong kin……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……