Virgo69
Reads
BLURB Labing-tatlong taong gulang si Jasmine nang may nangyaring aksidente sa kaniyang mga magulang, at sa kasamaang palad parehong namatay ang mga ito. Malayo sila sa kanilang mga kamag-anak. Kaya ang kinilala niyang Angkol Melchor ang nag-alaga sa kaniya. Si Melchor, ay galing sa probinsya ng Iloilo. Napadpad lamang siya sa Bayan ng Santo Birhen, Brgy. Marupok, Sitio Makisig. Sapagkat lumayas siya sa kanilang lugar dahil napagbintangan siya sa kasalanan na hindi niya naman nagawa. Tinulungan ng mga magulang ni Jasmine si Melchor. Dahil mabait at masipag si Melchor kaya parang naging pamilya na ang turing sa kaniya ng mga ito. At dahil nagta-trabaho ang mga magulang ni Jasmine. Si Melchor ang nag-alaga kay Jasmine. Hanggang sa nangyari nga ang aksidente sa mga magulang nito. Bago tuluyan nawalan ng buhay ang mag-asawa, binilin nila si Jasmine kay Melchor na siya ang mag-alaga dahil mas may tiwala ito sa kaniya kaysa sa pamilya nila.Medyo nahirapan si Melchor dahil nga parang hindi niya kaya na alagaan si Jasmine. Ngunit nangako siya sa mag-asawa at malaki ang utang na loob ni Melchor sa mga ito kaya wala siyang pagpipilian. Pilit niyang kinaya na alagaan si Jasmine. Tatlong buwan na, ang nakalipas nang mailibing ang mga magulang ni Jasmine. Nakapag-adjust na rin si Melchor. Naging maayos naman ang buhay nila ni Jasmine. Tinuring ni Jasmine si Melchor na parang totoong Angkol at anak naman ang turing ni Melchor kay Jasmine. Tinoon niya ang kaniyang atensiyon kay Jasmine bilang anak. Sapagkat bata pa si Jasmine at naghahanap pa ng kalinga ng isang Nanay. Katulad ng tatabihan ni Melchor si Jasmine sa kama saka kinakantahan hanggang sa makatulog. Naging daily routine ni Melchor ang ganun kahit sa pagluluto at paglalaba. Ginawa niyang prinsisa si Jasmine. Hanggang sa tumuntong ng labing walong taong gulang si Jasmine. Ayaw ni Jasmine nang bonggang birthday kaya mas pinili nalang nila na kumain sa labas. Nang makita ni Melchor ang kurba ng katawan ni Jasmine dahil sa suot na tube dress hanggang tuhod, parang may kung anong umusbong na kakaiba sa kaniyang damdamin na parang nag-init ang kaniyang katawan at biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Nang pinagmasdan niya ang kabuoan ni Jasmine dahil napansin niya ang malaking cocomelon at matambok na pang-upo ng dalaga.Ganun din si Jasmine nang makita ang ayos ng kaniyang Angkol Melchor. Ngayon niya lang kasi nakita ang Angkol Melchor niya na maayos ang suot na damit. Dahil araw-araw nakita niya ang kaniyang Angkol Melchor na puno ng grasa ang mukha at punit-punit na damit dahil sa trabaho bilang isang mekaniko. Nagpa gupit pa ito ng buhok kaya napansin ni Jasmine ang gwapong mukha ng kaniyang Angkol Melchor. Kung gwapo nuon na hindi nag-ayos at hindi nagpa gupit ng mahabang buhok. Ngayon sobrang gwapo sa paningin ni Jasmine. Kaya kakaiba ang pagtibok ng puso ng dalaga para sa tinuring na Angkol at Ama. Aaminin niya, ang lahat na katangian na hinahanap niya sa isang lalaki ay nasa Angkol Melchor niya nakikita. At ang pangarap niyang lalaki ay walang iba kundi ang kagaya ng Angkol Melchor niya na mas matanda sa kaniya. Pilit na nilalabanan ng dalawa ang kanilang nararamdaman para sa isa't-isa. Pero paano mapipigilan kung magkasama lang sila sa iisang bahay, lalo pa sa malamig na gabi? Kaya bang labanan ni Melchor ang kaniyang nararamdaman para sa dalaga na parang anak niya na kung ituring? At kaya rin bang pigilan ni Jasmine ang kaniyang naramdaman para kay Melchor dahil parang Tatay niya ito at mali ito sa mga mata ng tao? Tunghayan kung saan kayang pigilan ng dalawang tao ang kanilang damdamin gayong habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay mas lalo nilang nagugustuhan ang isa't-isa.
Updated at
Reads
BLURB Si Kany ay isang kolehiyala, ipinanganak sa Davao ngunit lumaki at nag-aral siya sa Canada dahil doon nagta-trabaho ang kanyang ama. Sa araw ng bakasyon pinili niyang magbakasyon sa Pilipinas at doon gustong manatili sa kanyang pinsan. Hindi siya spoiled brat pero medyo may pagka-OA minsan at pihikan sa lalaki. Kaya naman hanggang sa nag-college siya ay wala siyang naging crush, in short wala siyang naging boyfriend. Sa kanyang pananatili sa lugar ng kanyang pinsan na pulis, nakilala niya si Knight na isang trainee ng kanyang pinsan na hepe— ang lalaking unang bumihag ng kanyang puso. Si Knight, isang fresh criminilogy graduate na taga-Manila at doon siya ina-sign sa Mindanao. Sa isang linggo niya sa Mindanao nakita at nakilala niya si Kanny, ang pinsan ng kanilang hepe. Unang kita niya sa dalaga at nagustuhan niya na kaagad ito. Kaya kahit medyo strict ang kanyang hepe dahil nag-iisang pinsan nito na si Kanny at dahil nag-aaral pa ito, pinalakas niya ang kanyang loob upang ligawan ang dalaga. Nagtagumpay naman siya kaya naging masaya ang kanilang relasyon, kahit pansamantala na naging LONG DISTANCE RELATIONSHIP (LDR) muna sila. Pero dahil sa trabaho ni Knight hindi maiwasan na dumating ang isang pagsubok sa kanilang pagsasama. Nagpanggap si Knight na namatay para sa kaligtasan ng buo niyang pamilya lalo na kay Kanny. Nagkaroon ng anxiety si Kanny at medyo nawala siya sa katinuan dahil sa pagkawala ni Knight.But years later, kung saan nakabangon na si Kanny at tanggap niya nang hindi na babalik si Knight, saka naman nagpakita si Knight. Dahil natapos na ang kanyang misyon. Muli kaya silang magkabalikan at maging masaya kung sa pagbalik ni Knight ay ikakasal na si Kanny sa taong tumulong sa kanya kung paano ituloy ang kanyang buhay? Ipaglalaban ba ni Knight si Kanny, gayong masaya na si Kanny sa piling ni Doktor Isagani? Sino ang pipiliin ni Kanny? Si Knight na una niyang minahal ngunit biglang naglaho? O si Isagani na hindi siya iniwan sa mga panahon na nawalan na siya ng ganang mabuhay sa mundo? Could it be Kanny give another chance to Knight? Dahil kahit ilang taon man ang lumipas mahal niya pa rin ito. Or Kanny will still choose Isagani dahil isang mabait, marespeto, at hindi siya iniwan at lagjng nariyan lang sa kanyang tabi. Tunghayan natin ang pag-iibigan na kayang ipaglaban at isakripisyo ang pagmamahal at sariling kaligayan para sa kaligtasan ng buong bayan.
Updated at
Reads
BLURB Sa edad na 30, isa ng sikat na fashion model at CEO ng isang organic beauty brand si Nosgel Jadia. Sa kabila ng yaman at tagumpay, hindi siya masaya. Hanggang ngayon, wala pa ring hustisya sa pagkamatay ng mga magulang niya, kaya isinumpa niyang hindi magpapamilya hangga’t di ito nakakamit.Nagbago ang lahat nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya papuntang Boracay. Ang huli niyang naalala: sinalo niya ang batang binitawan ng katabi niyang pasahero bago siya nawalan ng malay.Nagising siyang walang alaala at nakalimutan maging ang pangalan niya at ang kasama lang niya ay isang batang inalagaan at itinuring niyang anak. Makaraan ang ilang buwan, pinakasalan niya ang may-sakit na si Gov. Amante para matustusan ang operasyon ng bata. Nang mamatay ang gobernador, iniwan nito kay Nosgel ang kalahati ng yaman niya.Doon nagsimula ang gulo. Galit na galit si Jeremy, anak ng gobernador, at kumbinsidong gold digger lang si Nosgel. Sa ilalim ng iisang bubong, may pag-asa pa kayang matutunan ni Jeremy na mahalin si Nosgel? O tuluyan niya itong parurusahan at gagawing katulong… o parausan?
Updated at
Reads
BLURB Isa si Richel sa libu-libong babae na nangangarap maging mayaman. Namulat siya sa mahirap na buhay. Walang trabaho ang kanyang tatay pero lahat ng bisyo ay nasa kanya na. Habang ang kanyang ina ay tanging paglalabandera naman ang trabaho Minsan kahit wala silang bigas mas inuuna pa ng kanyang Tatay ang kanyang bisyo, kaysa sa pangangailangan nila. Kinukuha niya ang bayad sa pinaglabahan ng kanyang Nanay para ipambili nito ng alak. Lima silang magkakapatid, at si Richel ang panganay. Hindi din sila nakapag-aral dahil minsan nga natutulog silang walang laman ang tiyan. Ewan ba niya sa kanilang mga magulang, ang hirap-hirap na nga ng kanilang buhay pero dinamihan pa nila ang anak. At hindi niya rin alam sa kanyang nanay kung bakit nagtitiis sa ugali ng kanilang tatay dahil marami na ngang bisyo, sinasaktan pa siya nito. At mas lalong hinayaan na anakan lamang siya. Kaya naman nang tumungtong sa labing-limang taon gulang Richel ay mas pinili nito na sumama sa kanyang tiyahin sa Manila para magtrabaho. Dahil gusto niyang makatulong sa kanyang Nanay. Pero pagdating niya sa Manila ang akala niya ay may magandang trabaho na naghihintay sa kanya para maiahon niya sa kahirapan ang kanyang mga kapatid. Dahil mas lalo pang naging masalimuot ang kanyang buhay nang ginawa lang siyang katulong ng kanyang tiyahin. Wala naman siyang magagawa dahil wala siyang alam sa lugar sa Manila. Isang gabi muntik na siyang gahasain ng kanyang tiyuhin kaya nagdesisyon siyang umalis sa poder ng kanyang tiyahin. Sa kanyang pag-alis, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Habang naglalakad siya, muntik na siyang masagasaan ng isang traysikel. Dito niya nakilala ang taong tumulong sa kanya para makapag trabaho sa isang malaking bahay. Nakilala niya ang kanyang amo na isang mayaman at isang CEO ng kompanya. Ang akala ni Richel katulad sa mga binabasa niya na mga nobela at pinapanuod niya sa t.v na ma-i-inlove ang boss sa katulong. Pero hindi pala. Crush niya ang kanyang amo, naging maayos naman ang kanyang trabaho. Ngunit pagdating ng dalawang taon isang pangyayari ang nagbago sa buhay ni Richel. Umuwi ng lasing ang kanyang amo at may nangyari sa kanila. Paggising ni Rocky masakit ang kanyang ulo. Ngunit mas lalo itong sumakit ng makita niya ang kanyang katulong na katabi niya sa kama at pareho silang walang suot na damit. May dugo pa siyang nakita sa kobre kama. Sobrang galit ang naramdaman niya sa babae kaya hinaklit niya ito patayo at pinalayas. Dahil ikakasal na siya sa kanyang long time girlfriend at hindi siya makakapayag na isang katulong lamang ang makakasira ng relasyon nilang dalawa. Bago umalis si Richel binigyan ni Rocky ng sampung milyon kapalit ng kanyang virginity. Sinabihan niya pa ito ng masasakit na salita na siyang nakapagpadurog sa puso ng dalaga. But, later on he realize that he is already in love to Richel. After 10 years muling nagtagpo ang kanilang landas. Ngunit hindi na bilang Richel kundi sa ibang katauhan na. Makilala kaya ni Rocky si Richel? Manunumbalik kaya ang pag-ibig ni Richel kay Rocky sa kabila ng kasalanan nito sa kanya? Tunghayan natin ang pag-ibig ng isang mayaman sa isang mahirap na sinaktan muna bago minahal.
Updated at
Reads
BLURB Makalipas ang pitong taon na nagkalayo, muling nagkita ang landas nila Jerlyn at Arnel. High school pa sila noon nang maging magkasintahan sila Jerlyn at Arnel. Mahal nila ang isa't-isa, pero dahil sa maling akala nagkahiwalay silang dalawa. Umalis si Jerlyn sa kanilang lugar para magtago at makalimutan si Arnel. Samantalang mas pinili naman ni Arnel na pumunta sa ibang bansa para doon mag-aral ng college at para maka-move-on na rin sa sakit ng kanyang puso dahil sa kanilang pahihiwalay ni Jerlyn. Sa kanilang muling pagkikita iba na ang Arnel na nakilala noon ni Jerlyn, dahil ang dating Arnel na mabait, malambing, mapagmahal at maalaga — ay isa ng cold hearted, masungit, seryoso, strikto na parang galit sa mundo. Na kahit kay Jerlyn ay hindi niya magawang ngumiti at ayaw niya na itong kausapin. Mahal niya ang dalaga dahil first love niya ito. Ngunit kailangan ni Arnel na ipakita sa dalaga na galit siya dito dahil sa ginawa noon sa kanya ni Jerlyn. Na hindi manlang muna nagtanong o inalam ang totoo bago gumawa ng desisyon na nakapagpawasak ng kanilang dadamin. Mahal pa rin ni Jerlyn si Arnel ngunit sa pagbabalik ng binata sa Pilipinas ibang-iba na ang ugali nito. Kaya naisipan ni Jerlyn na mag give-up na lang sa pagsuyo kay Arnel. May chance pa ba na muling silang magkabalikan dahil mahal pa naman nila ang isa't-isa? O mas paninindigan ni Arnel ang pagiging cold niya kay Jerlyn dahil nga sa ginawa noon ni Jerlyn sa kanya? Tunghayan natin kung muling mabubuo ang pag-ibig ng dalawang tao na naghiwalay lamang dahil sa maling desisyon.
Updated at
Reads
BLURB Minsan sa buhay natin ay mayroon talagang hindi mo mararamdaman ang pagmamahal ng isang magulang. Iyan ang naranasan ni Sienna Quinn Valliere sa kanyang Nanay mula pagkabata, hanggang sa nagdalaga siya. Hindi sila magkasama na lumaki ng kanyang mga kapatid kaya malayo din ang loob nila sa isa't-isa. Lumaki siya nang walang pagmamahal na nararamdaman galing sa kanyang Nanay ganun din sa iba niyang mga kapatid. Nag-aral siya ng highschool hanggang college bilang working student. Nag-focus lamang siya sa trabaho at pag-aaral. Hindi na niya naisip na magkaroon ng boyfriend sapagkat iniisip niya na hindi nga siya minahal ng kanyang pamilya, ibang tao pa kaya? Ngunit nang mag-umpisa na siyang magtrabaho bilang nurse, nakilala niya ang isang doktor na nagmamay-ari din ng hospital kung saan siya nagta-trabaho. Biglang nag-iba ang kanyang pananaw sa pagmamahal. Tommy Lim Alfaraz o mas kilala bilang Tom, lumaki sa hirap ngunit may mapagmahal at masayahin na pamilya. Hanggang sa dumating ang araw na nalaman nila na isa pala silang anak mayaman. Kaya naman natupad niya ang kanyang pangarap bilang isang Doktor. Mabait at magalang siya sa lahat ngunit hindi niya nagawang magkaroon pa ng girlfriend dahil pinangako niya sa kanyang sarili na katulad ng kanyang Nanay at mga kapatid na babae ang gusto niyang maging girlfriend o asawa. Hindi siya ang tipong lalaki na gusto lang magkaroon ng fling-fling dahil para sa kanya, ang mga babae ay nire-respeto, at hindi pinaglalaruan. Hindi rin siya mahilig mag-party. Kapag may lumapit sa kanya na babae na gusto lang siyang akitin ay ekis na agad sa kanya. Minsan nga ay napagkamalan pa siyang bakla dahil allergy raw siya sa babae. Ngunit nang makilala niya ang isang nurse sa kanyang ospital ay nagbago ang lahat. Ginawa niya ang lahat upang mapansin lamang siya nito. Dahil sobrang ilap ng nurse na ito sa mga tao lalo na sa mga lalaki. Makukuha niya ba ang babaeng gusto niya? Dahil ito ay ma-ilap sa mga lalaki at nabansagan din na allergy sa mga lalaki gaya niya na allergy naman sa mga babae. Tunghayan natin kung paano mapapa-ibig ng isang doktor na allergy sa babae, ang isang nurse na allergy rin sa lalaki.
Updated at
Reads
BLURB Si Joy Bautista, twenty two years old. Isang dalaga na lumaki sa probinsya. Mahirap ang kanilang buhay kaya naman napilitan siyang ibenta ang kanyang pagkababae sa isang lalaki na hindi niya kilala. Kailangan niyang gawin iyon para may pambayad siya sa operasyon ng kanyang Papa Eric. Brent Sandoval, CEO at nag-iisang tagapagmana ng Sandoval Company. Nagkaroon ng bachelor party kasama ng kanyang mga kaibigan dahil ikakasal na siya sa kanyang long time girlfriend. Bilang regalo ng mga kaibigan niya sa kanya, nagbayad ang mga ito ng babae para sa huling gabi ng pagka-binata ni Brent. Ngunit ang isang gabing iyon ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya tinuloy ang kasal dahil ginugulo siya ng babaeng naangkin niya ng gabing iyon sa bar. Lalo na at virgin pa ito. Makalipas ang limang taon ay muling pagtatagpuin ng tadhana sina Brent at Joy. Dahil nag-apply si Joy ng trabaho sa kompanya ni Brent at magiging sekretarya siya nito. Makikilala ba nila ang isa't-isa, dahil pareho silang lasing noong may nangyari sa kanilang dalawa?
Updated at
Reads
BLURB Yell Fernandez, babaeng walang filter ang bibig kung magsalita pero NBSB. No kiss at no touch sa edad na 35 years old at naka-focus lamang siya sa kanyang sari-sari store. Parang nawalan siya ng gana sa mga lalaki at sa usaping pagkakaroon ng ssawa, dahil sa maaga nag-asawa ang kanyang mga kapatid. Umaga pa lang nag-aaway at nagsisigawan na ang mga ito kaya naisip ni Yell na kung ganun ang buhay niya na may asawa mabuti na lang na tumanda siyang dalaga, kasama ang kanyang sari-sari store. Ngunit ng makilala niya si Nathaniel Geroche biglang nag-iba ang ihip ng hangin.Nathaniel Geroche, 25 anyos. Sa murang edad ay isa na siyang CEO ng sarili niyang kompanya. Sa kanyang pagpunta sa kanyang tito na governor sa probinsya para mag-unwind and relax dahil sa sunod-sunod na schedule sa kanyang kompanya, nakilala niya ang isang magandang dalaga. Marami na rin siyang nakasama na babae pero fling-fling lang. Wala siyang naging seryoso na babae. Dahil hindi niya nakikita ang kanyang sarili na ikakasal at magkakaroon ng isang pamilya. Pero n'ong nakita at nakilala niya si Yell, ibang-iba ang kanyang pakiramdam. Kahit matanda ito sa kanya'y nagustuhan niya pa rin ang dalaga sa taglay na kagandahan at alindog nito. Kung hindi pa nalaman and kanyang edad ay masasabi na parang 18 years old lamang ito. May pag-asa ba na magkatuluyan sila Nathaniel at Yell? Dahil allergy si Yell sa mga lalaki lalo na kay Nathaniel. Ano kaya ang gagawin ni Nathaniel para lang magustuhan siya ng dalaga? Tungyahan natin kung paano makuha ni Nathaniel ang puso ng isang hottie probinsyana.
Updated at
Reads
BLURB James Enriquez, mayaman at CEO ng Enriquez Motorcycle and Auto parts dito sa Pilipinas. Meron siyang longtime girlfriend at malapit na sila nitong ikasal. Ngunit nang makilala niya si Ana Mae na katulong ni Dok Valdez, ay nag-iba ang kanyang plano. Inalok niya ang dalaga na magpakasal sa kanya kapalit ng limang milyong piso. Sapagkat kailangan ni Ana Mae ng malaking halaga para sa operation ng kanyang kapatid. Ito na lang ang naisip na paraan ni James upang makasama niya ang dalaga. Dahil sa hindi na nakapag-isip ng maayos si Ana Mae, hindi siya tumanggi sa offer sa kanya ni James. Ngunit may kasunduan sila, na kapag dumating ang fiancee ni James ay maghihiwalay sila kaagad. Sa kanilang pagsasama sa condo ni James mas lalong minahal ni Ana Mae ang binata. Hanggang sa dumating ang fiancee ni James. Kahit masakit para kay Ana Mae, siya na ang kusang humingi ng annulment kay James. Pagkatapos pumirma ni Ana Mae sa annulment ay nagdesisyon siyang pumunta sa ibang bansa upang mag-aral ng culinary arts at para na rin makalimutan ang binata. Nang makapagtapos si Ana Mae sa kanyang pag-aaral ay nagpatayo siya ng sarili niyang restaurant gamit ang pera na naipon niya noon na binigay pa sa kanya ni James. After 3 years, naging successful ang kanyang restaurant. Nagkataon naman na may out of the country meeting si James at doon siya pumasok sa restaurant na pagmamay-ari ni Ana Mae upang kumain ng lunch, kaya naman muling nagkita ang landas nilang dalawa. Sa kanilang pagkikita, may pag-asa ba na magkabalikan silang dalawa? Dahil hindi naman talaga natuloy ang kasal ni James sa kanyang fiancee. At lalo ng hindi pa pala annuled ang kasal nilang dalawa at mahal pa rin nila ang isa't-isa.
Updated at
Reads
BLURB Si Haide ay galing sa mahirap na pamilya at panganay sa limang magkakapatid. Namatay ang kanilang mga magulang dahil sa aksidente habang nag-aani sila ng palay sa bukid. Natabunan sila ng lupa nang may mangyaring lindol sa kanilang lugar . Kaya naman naisipan ni Haide na sumama sa kanyang kaibigan na lumuwas ng Manila para magtrabaho bilang isang katulong. Upang makapag aral ang kanyang mga kapatid at mabigyan ng maayos na buhay. Ngunit sa kanyang pagdating sa Manila, isang strikto, suplado ang kanyang magiging amo na apo ni Donya Mila. Ano kaya ang magiging kapalaran ni Haide sa kamay ng kanyang amo na may lihim na pagtingin pala sa kanya. Tunghayan natin ang kwento ng pag-iibigan ng dalawang puso. Isang boss at katulong na na-in love sa isa't-isa.
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.