Allergic to LOVE
Share:

Allergic to LOVE

READING AGE 18+

Virgo69 Romance

0 read

BLURB
Minsan sa buhay natin ay mayroon talagang hindi mo mararamdaman ang pagmamahal ng isang magulang. Iyan ang naranasan ni Sienna Quinn Valliere sa kanyang Nanay mula pagkabata, hanggang sa nagdalaga siya. Hindi sila magkasama na lumaki ng kanyang mga kapatid kaya malayo din ang loob nila sa isa't-isa. Lumaki siya nang walang pagmamahal na nararamdaman galing sa kanyang Nanay ganun din sa iba niyang mga kapatid. Nag-aral siya ng highschool hanggang college bilang working student. Nag-focus lamang siya sa trabaho at pag-aaral. Hindi na niya naisip na magkaroon ng boyfriend sapagkat iniisip niya na hindi nga siya minahal ng kanyang pamilya, ibang tao pa kaya? Ngunit nang mag-umpisa na siyang magtrabaho bilang nurse, nakilala niya ang isang doktor na nagmamay-ari din ng hospital kung saan siya nagta-trabaho. Biglang nag-iba ang kanyang pananaw sa pagmamahal. Tommy Lim Alfaraz o mas kilala bilang Tom, lumaki sa hirap ngunit may mapagmahal at masayahin na pamilya. Hanggang sa dumating ang araw na nalaman nila na isa pala silang anak mayaman. Kaya naman natupad niya ang kanyang pangarap bilang isang Doktor. Mabait at magalang siya sa lahat ngunit hindi niya nagawang magkaroon pa ng girlfriend dahil pinangako niya sa kanyang sarili na katulad ng kanyang Nanay at mga kapatid na babae ang gusto niyang maging girlfriend o asawa. Hindi siya ang tipong lalaki na gusto lang magkaroon ng fling-fling dahil para sa kanya, ang mga babae ay nire-respeto, at hindi pinaglalaruan. Hindi rin siya mahilig mag-party. Kapag may lumapit sa kanya na babae na gusto lang siyang akitin ay ekis na agad sa kanya. Minsan nga ay napagkamalan pa siyang bakla dahil allergy raw siya sa babae. Ngunit nang makilala niya ang isang nurse sa kanyang ospital ay nagbago ang lahat. Ginawa niya ang lahat upang mapansin lamang siya nito. Dahil sobrang ilap ng nurse na ito sa mga tao lalo na sa mga lalaki. Makukuha niya ba ang babaeng gusto niya? Dahil ito ay ma-ilap sa mga lalaki at nabansagan din na allergy sa mga lalaki gaya niya na allergy naman sa mga babae. Tunghayan natin kung paano mapapa-ibig ng isang doktor na allergy sa babae, ang isang nurse na allergy rin sa lalaki.

Unfold

Tags: HEstepfatherheir/heiressblue collardramasweetlightheartedoffice/work placelove at the first sightassistant
Latest Updated
LAST SPECIAL CHAPTER

SIENNA

----AFTER FIVE YEARS -----

Nagising ako na parang may humahalik sa aking pisnge. Kaya dahan-dahan ko'ng minulat ang aking mata. Nakita ko si Tom sa aking tabi habang malawak ang kanyang ngiti sa mga labi. Nanlaki ang mata ko ng mapansin na maraming red balloon sa ibabaw ng kisame at may letters pa na HAPPY ANNIV……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.