Just ONE Night
Share:

Just ONE Night

READING AGE 18+

Virgo69 Romance

0 read

BLURB
Isa si Richel sa libu-libong babae na nangangarap maging mayaman. Namulat siya sa mahirap na buhay. Walang trabaho ang kanyang tatay pero lahat ng bisyo ay nasa kanya na. Habang ang kanyang ina ay tanging paglalabandera naman ang trabaho Minsan kahit wala silang bigas mas inuuna pa ng kanyang Tatay ang kanyang bisyo, kaysa sa pangangailangan nila. Kinukuha niya ang bayad sa pinaglabahan ng kanyang Nanay para ipambili nito ng alak. Lima silang magkakapatid, at si Richel ang panganay. Hindi din sila nakapag-aral dahil minsan nga natutulog silang walang laman ang tiyan. Ewan ba niya sa kanilang mga magulang, ang hirap-hirap na nga ng kanilang buhay pero dinamihan pa nila ang anak. At hindi niya rin alam sa kanyang nanay kung bakit nagtitiis sa ugali ng kanilang tatay dahil marami na ngang bisyo, sinasaktan pa siya nito. At mas lalong hinayaan na anakan lamang siya. Kaya naman nang tumungtong sa labing-limang taon gulang Richel ay mas pinili nito na sumama sa kanyang tiyahin sa Manila para magtrabaho. Dahil gusto niyang makatulong sa kanyang Nanay. Pero pagdating niya sa Manila ang akala niya ay may magandang trabaho na naghihintay sa kanya para maiahon niya sa kahirapan ang kanyang mga kapatid. Dahil mas lalo pang naging masalimuot ang kanyang buhay nang ginawa lang siyang katulong ng kanyang tiyahin. Wala naman siyang magagawa dahil wala siyang alam sa lugar sa Manila. Isang gabi muntik na siyang gahasain ng kanyang tiyuhin kaya nagdesisyon siyang umalis sa poder ng kanyang tiyahin. Sa kanyang pag-alis, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Habang naglalakad siya, muntik na siyang masagasaan ng isang traysikel. Dito niya nakilala ang taong tumulong sa kanya para makapag trabaho sa isang malaking bahay. Nakilala niya ang kanyang amo na isang mayaman at isang CEO ng kompanya. Ang akala ni Richel katulad sa mga binabasa niya na mga nobela at pinapanuod niya sa t.v na ma-i-inlove ang boss sa katulong. Pero hindi pala. Crush niya ang kanyang amo, naging maayos naman ang kanyang trabaho. Ngunit pagdating ng dalawang taon isang pangyayari ang nagbago sa buhay ni Richel. Umuwi ng lasing ang kanyang amo at may nangyari sa kanila. Paggising ni Rocky masakit ang kanyang ulo. Ngunit mas lalo itong sumakit ng makita niya ang kanyang katulong na katabi niya sa kama at pareho silang walang suot na damit. May dugo pa siyang nakita sa kobre kama. Sobrang galit ang naramdaman niya sa babae kaya hinaklit niya ito patayo at pinalayas. Dahil ikakasal na siya sa kanyang long time girlfriend at hindi siya makakapayag na isang katulong lamang ang makakasira ng relasyon nilang dalawa. Bago umalis si Richel binigyan ni Rocky ng sampung milyon kapalit ng kanyang virginity. Sinabihan niya pa ito ng masasakit na salita na siyang nakapagpadurog sa puso ng dalaga. But, later on he realize that he is already in love to Richel. After 10 years muling nagtagpo ang kanilang landas. Ngunit hindi na bilang Richel kundi sa ibang katauhan na. Makilala kaya ni Rocky si Richel? Manunumbalik kaya ang pag-ibig ni Richel kay Rocky sa kabila ng kasalanan nito sa kanya? Tunghayan natin ang pag-ibig ng isang mayaman sa isang mahirap na sinaktan muna bago minahal.

Unfold

Tags: familyHEescape while being pregnantage gapsecond chanceheir/heiressdramaseriousoffice/work placeassistant
Latest Updated
MARCO X DYLIN LAST CHAPTER

DYLIN

----AFTER FIVE YEARS ----

Ang bilis lang ng panahon. Ngayon limang taon na kaming kasal ni Marco. May apat na rin kaming anak dahil quadruplets ang anak namin. Naging masaya ang pagsasama namin. Humingi rin ng tawad si Papa sa akin at kay Mama. Kailangan niya lang daw gawin iyun para sa kaligtasan namin ni Mama da……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.