Ten years ago nang teenager pa lang si Lyndsay pinangarap niya ang mala fairy tale na love story kasama si Marcus. Pero ang greatest love niya ay siya ring greatest heart break para sa dalaga. Mula noon ipinangako na niya sa sarili na kailanman ay hindi na siya magmamahal muli. Pumasok siya sa iba't-ibang relasyon pero wala siyang sineryoso ni isa. Hanggang sa napag pasyahan na lang niya na humanap ng isang tao na makapagbibigay sa kanya ng anak. Ibinigay ni Lyndsay ang sarili sa isang estranghero kaysa bumuo ng isang kumpletong pamilya kasama ang isang lalaki. Only to find out na handa siyang panagutan ni Tristan at gagawin nito ang lahat para maging asawa siya para sa batang nasa sinapupunan niya. Handa na ba si Lyndsay na maging asawa si Tristan na isang estranghero sa buhay niya?
Simula nang makita ni Clarisse si Zach ay alam na niya sa sarili na ito ang lalaking para sa kaniya. Bukod kasi sa kakisigang taglay ng lalaki ay dito lang niya naramdaman ang kakaibang kaba at kilig na hindi niya naramdaman sa kahit kaninomang lalaki. Kaya lang kahit na anong gawing pagpapansin ni Clarisse ay tila ba bingi at bulag sa presensya niya ang lalaki. Sa twina ay palaging blangko ang ekspresyon nito kapag magkasama sila ng dalaga. Pakiramdam ni Clarisse palagi siyang sinusungitan ng binata. Ngunit bakit ganun kahit na patuloy ang pambabalewala ni Zach sa kaniya ay ito pa rin ang patuloy niyang minamahal? Hanggang sa matuklasan na lang ni Clarisse na may girlfriend na pala si Zach at nakatakda na pala silang ikasal... itutuloy pa ba niya ang pangako sa sarili na gagawin niya ang lahat makuha lang ang pag-ibig ni Zach, kahit ang kapalit pa nito ay ang pag-aalok ng kaniyang virginity o susuko na lang siya? Ipaglalaban ba niya ang kaniyang pag-ibig kung sa una pa lang ay wala na siyang karapatan kay Zach? Paano nga ba ipaglaban ang taong hindi naman s'yo sa una pa lang? Sa huli mahalin na rin kaya ni Zach si Clarisse?
Twenty years old pa lang nang pasukin ni Allyna at Ram ang buhay may asawa. Parehas silang graduating sa kolehiyo nang magpakasal dahil sa sobra-sobrang pag-ibig para sa isa't-isa. Hindi nila alintana ang panghuhusga ng mga tao sa paligid nila dahil naniniwala sila na dahil sa pagmaahalan na meron sila ay makakaya nila na lagpasan ang anomang pagsubok. Pero nagbago ang lahat sa paglipas ng mga taon. Humantong sa matinding tampuhan, hindi pagkakaunawaan at third party issues ang dating masayang pagsasama ni Ram at Allyna. Hanggang sa pareho na sila sumuko. Napawalangbisa ang kanilang kasal. Ngunit bakit nang makuha na nila ang kalayaan ay tila kapwa sila hindi masaya? Bakit tila may lungkot sa mga mata ni Ram kahit sinasabi niya na okay lang sa kaniya na magkaroon ng ibang karelasyon si Allyna? Kaya pa bang patawarin ni Allyna si Ram kung babalik ito na muli sa kaniya? Sa kabila ng mga kakulngan nito noon at hindi mabilang na kasalanan? Posible ba ang second chance sa kanilang dalawa o mas mabuti pa na magmove on na lang si Allyna at piliin si Timothy ang lalaking noon pa man ay labis nang nagmamahal sa kaniya? Paano nga ba magsisimula muli si Allyna?
Pinakasalan ni Juan Gabriel si Sofia kahit labag ito sa kanyang kalooban upang makuha ang Kabuan ng lahat Ng kanyang mamanahin at pagbigyan ang kahilingan ng may sakit niyang Lolo. Si Sofia ay apo ni Ronaldo Almazan ang matalik na kaibigan ni Don Felipe Riego de Dios. Bata pa lamang ay naipagkasundo na ng dalawang matanda ang kanilang mga apo pero kailanman ay hindi nagkaroon ng pagtingin si Gab para Kay Sofi dahil para sa kanya ay isa itong babaeng weirdo, mahina ang personalidad at hindi kaakit-akit. Samantala, mula pagkabata ay may lihim naman na pagtingin si Sofi para kay Gab. Kalakip ng kanilang kasal ang pangako ni Sofi sa sarili na paiibigin niya ang lalaki. Magtagumpay kaya si Sofi gayung harap-harapan na ipinakikita sa kaniya ni Gab na wala itong ni katiting na pagtingin sa kaniya?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.