Loving Mr. Sungit
READING AGE 18+
Simula nang makita ni Clarisse si Zach ay alam na niya sa sarili na ito ang lalaking para sa kaniya. Bukod kasi sa kakisigang taglay ng lalaki ay dito lang niya naramdaman ang kakaibang kaba at kilig na hindi niya naramdaman sa kahit kaninomang lalaki. Kaya lang kahit na anong gawing pagpapansin ni Clarisse ay tila ba bingi at bulag sa presensya niya ang lalaki. Sa twina ay palaging blangko ang ekspresyon nito kapag magkasama sila ng dalaga. Pakiramdam ni Clarisse palagi siyang sinusungitan ng binata. Ngunit bakit ganun kahit na patuloy ang pambabalewala ni Zach sa kaniya ay ito pa rin ang patuloy niyang minamahal? Hanggang sa matuklasan na lang ni Clarisse na may girlfriend na pala si Zach at nakatakda na pala silang ikasal... itutuloy pa ba niya ang pangako sa sarili na gagawin niya ang lahat makuha lang ang pag-ibig ni Zach, kahit ang kapalit pa nito ay ang pag-aalok ng kaniyang virginity o susuko na lang siya?
Ipaglalaban ba niya ang kaniyang pag-ibig kung sa una pa lang ay wala na siyang karapatan kay Zach?
Paano nga ba ipaglaban ang taong hindi naman s'yo sa una pa lang?
Sa huli mahalin na rin kaya ni Zach si Clarisse?
Unfold
"Lyndsay...sissy...friend! Hay pakiramdam ko nakita ko na talaga yung lalaki para sa akin!" ani Clarisse habang nakatulala sa hangin at yakap- yakap pa ang unan.
Minasdan ni Lyndsay ang kaibigan at napapangiti na lang siya nang lihim dahil yung mga mata ni Clarisse ay mistulang naghuhugis puso dahil halatang-halata na kilig na kilig……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……