Warnig: RATED SPG Some of the chapters have mature contents that aren\'t suitable for young readers. Read at your own risk. Dahil ayaw maghirap ng Mama ni Noella ay kumapit ito sa patalim at siya ang ginamit nito upang hindi mawala ang kayamanang mas pinapahalagahan kaysa sa sariling anak. Ibenenta si Noella ng ina sa isang ilegal at malaking organisasyon na tinatawag na Slave Market, na ibinebenta ang mga babaeng kagaya niya sa mga hindi lang basta mayayaman kundi bilyonaryo na tumatangkilik sa organisasyon na iyon. Hindi alam ni Noella ang kahaharapin lalo pa at wala siyang alam sa kalakaran ng organisasyon na iyon subalit alam niyang may hindi mangyayari sa kaniya lalo pa ang bumili sa kaniya ay isang lalake na sa paningin niya malupit at hindi makakawala rito ng buhay. Si Diego Alejandro Betancourt na kasapi rin sa Mafia, na humahawak sa slave market na kumuha kay Noella at pinili lang siya ng binata upang maging taga-init ng kama nito at gawin ang nais nito sa kaniya hangga\'t hindi siya nito pinagsasawaan. Ngunit nalaman ni Noella na hindi rin siya basta pakakawalan ni Diego sa oras na pagsawaan siya nito dahil para kay Diego lahat ng mga pinagsasawaan nitong pag-aari ay hindi na muling mapapakinabangan pa ng iba. Ano kaya ang mangyayari kay Noella sa oras na magsawa sa kaniya si Diego? Paano kapag nalaman niyang may mas malalim pang dahilan si Diego kung bakit ayaw siya nitong pakawalan basta at ang dahilan niyon ay kapalit ng buhay niya? Slave Market Series 1
Walang nagawa si Ada nang pumayag ang kaniyang ama na ipakasal sa lalaking hindi kilala. Ang alam lang niya 'tungkol sa kaniyang magiging asawa ay isang bilyonaryo, matagumpay sa pagpapatakbo ng negosyo at nag-iisang anak ng isang kilalang business tycoon. Natapos ang paghahanda para sa kasal, na hindi man lang nagpakita ang mapapangasawa at nagpakilala ng pormal sa kaniya. Sa araw at sa mismong kasal ay nakilala niya ito subalit laking gulat ni Ada, na si Nik pala ang taong iyon. Ang taong nagligta kay Ada nang may magtatangkang gumahasa sa kaniya sa party ng kaibigan at sa lalaking nakasama ng isang gabi sa pagbabakasyon sa La Union. Pero ang Nik na ngayong naging asawa ay ibang-iba sa nakilala at ang tingin nito sa kaniya ay isang babaeng kayamanan lang ang habol kaya nagpakasal dito. Matapos ang unang gabi ng pagiging mag-asawa nila ay iniwan na siya nito kinabukasan at isang taon ang nakalipas ay uuwi na ito subalit para makipaghiwalay sa kaniya. Hindi sila maaring maghiwalay ni Nik dahil magagalit ang Papa niya sa kaniya at kailangan nila si Nik upang iligtas ang palubog na nilang negosyo. Kahit ayaw niyang maging tama ang paningin ni Nik sa kaniya ay kailangan niyang iligtas ang negosyo para sa amang minamahal.
(Red Wolf Organization Series 1) Upang hindi tuluyang masira ang pamilya ni Israfel at lalong mawala sa sarili ang ina, ay sinunod niya ang kagustuhan nito. Take Victoria away and destroy the woman with her father. Since Victoria came into their lives, his parent's relationship has become increasingly miserable. Kahit silang magkakapatid, ay hindi na nabibigyan ng atensiyon ng sariling ama, sila ang anak pero sila ang parang nakikihati sa atensiyon ng ama dahil kaagaw nila si Victoria. Sa galit na nadarama, ay isang hakbang ang napiling gawin ni Israfel, ang dukutin si Victoria, angkinin hindi lang ang katawan kundi ng pagkatao nito upang hindi na makabalik pa sa ama at magawa ang gusto nila. It was a cruel intention that he eventually knew would destroy Victoria but would survive his mother who wanted to kill herself for her father's love. Magawa kayang magtagumpay ni Israfel na masira si Victoria sa kaniyang ama o mas maging dahilan pa ang ginawa niya para mas masira ang pamilya nila sa mga lalabas na katotohanang pilit na itinatago ng mga magulang?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.