Married With A Stranger
READING AGE 18+
Walang nagawa si Ada nang pumayag ang kaniyang ama na ipakasal sa lalaking hindi kilala. Ang alam lang niya 'tungkol sa kaniyang magiging asawa ay isang bilyonaryo, matagumpay sa pagpapatakbo ng negosyo at nag-iisang anak ng isang kilalang business tycoon. Natapos ang paghahanda para sa kasal, na hindi man lang nagpakita ang mapapangasawa at nagpakilala ng pormal sa kaniya. Sa araw at sa mismong kasal ay nakilala niya ito subalit laking gulat ni Ada, na si Nik pala ang taong iyon.
Ang taong nagligta kay Ada nang may magtatangkang gumahasa sa kaniya sa party ng kaibigan at sa lalaking nakasama ng isang gabi sa pagbabakasyon sa La Union. Pero ang Nik na ngayong naging asawa ay ibang-iba sa nakilala at ang tingin nito sa kaniya ay isang babaeng kayamanan lang ang habol kaya nagpakasal dito. Matapos ang unang gabi ng pagiging mag-asawa nila ay iniwan na siya nito kinabukasan at isang taon ang nakalipas ay uuwi na ito subalit para makipaghiwalay sa kaniya.
Hindi sila maaring maghiwalay ni Nik dahil magagalit ang Papa niya sa kaniya at kailangan nila si Nik upang iligtas ang palubog na nilang negosyo. Kahit ayaw niyang maging tama ang paningin ni Nik sa kaniya ay kailangan niyang iligtas ang negosyo para sa amang minamahal.
Unfold
Ada’s Point of View
Umaga palang ay binulabog na ako ng tawag ni Jane at hindi ko sana sasagutin ang tawag na iyon subalit walang tigil ang pagtunong ng cell phone ko halos kalahating oras nang tumatawag si Jane ay saka pa niya sinagot dahil sa kakulitan ng kaibigan. Puyat pa naman siya dahil halos magdamag siyang inangkin ni Nik……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……