where our hearts meet
Share:

where our hearts meet

READING AGE 18+

Lady ellie. Romance

0 read

Iniexpect ng lahat na sisikat si ARA sa pagtugtog ng piano dahil bata pa lamang siya ay kapansin-pansin na ang angking galing at ganda ng bawat himig na kanyang nililikha. Lumiwanag ang kinabukasan niya sa larangan ng musika at hinihintay na lamang ng marami ang pag-abot niya sa tuktok ng tagumpay. Ngunit ng pumanaw ang kanyang pinakamamahal na asawa, kasabay rin nitong nailibing ang sigasig ng dalaga na ipagpatuloy ang kanyang pangarap at dedikasyon sa pagtugtog ng piano, tila nawala sa kanya ang anumang inspirasyon o dahilan para ipagpatuloy pa ito. Ni wala sa hinagap niyang maaari pang bumalik ang dating init sa puso niya at muling matutong magmahal, ngunit nagbago ang lahat ng makilala niya si Eugene Sarmiento. Bagaman barumbado at medyo masungit ang una niyang impression dito, nagbago ang pananaw niya nang lumalim ang kanilang pagkakaibigan at lalo niya itong nakilala bilang isang mabuting tao na may malasakit at pag-unawa. Hindi niya namalayan na unti-unti nang pinuno ni Eugene ng saya at inspirasyon ang kanyang puso, at tila nais niyang muling hawakan ang mga piyesa ng piano. She wanted to play piano again at ramdam niyang handa na siyang buksan ulit ang kanyang puso para kay Eugene, na tila nagbibigay liwanag at pag-asa sa bagong yugto ng kanyang buhay. Ngunit sa kabila ng lahat, may isang mabigat na dahilan na hanggang ngayon ay di malinaw kay Ara—naglahong parang bula si Eugene at bigla na lamang hindi nagpakita noong gabing pinangako ni Ara na tutugtog siyang muli ng piano para kay Eugene, iniwan siyang nagtataka at may mabigat na tanong sa puso kung ano nga ba ang nangyari.

Unfold

Tags: familydramaseriousboldoffice/work place
Latest Updated
EPISODE 4

''ARA Ikaw na ba yan?''masayang salubong na bati ni Mrs,Emmie Lana,ang Ina ng namayapa nyang asawa na si josh nang sorpresang binisita nya ang ginang sa bahay nito.''kamusta kana hija?ok ka na ba?''

''mabuti na po ako kahit papano''magalang na wika niya dito.

''mabuti naman at naisipan mo akong dalawin nakakainip na rin kasi ang mag ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.