Just One More Chance (Saint Matthew University Series)
READING AGE 16+
Meet Ferdinand Richard Fernandez, sikat na basketball player, guwapo at matangkad. Gusto niyang magka-girlfriend pero nahihiya naman siyang manligaw. Kaya noong magkaroon ng pustahan ang mga kaibigan niya, agad siyang pumayag sa pag-asang makahanap din siya ng magiging girlfriend.
Here comes, Maria Isabella De Cordova, ang sikat na taekwondoin ng SMU, mestisa at maganda. Nilalayuan ng mga lalaki dahil mas siga pa ito kaysa sa tunay na lalaki.
Nang makita siya ni Richard sa Valentine's Party ng College of Engineering, hindi na siya nito tinantanan. Hindi naman naniniwala si Isabella na seryoso si Richard sa kanya kaya hinamon niya ito sa isang taekwondo match. Nang manalo si Richard, wala nang nagawa si Isabella kundi pumayag na maging girlfriend nito.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Isabella ang tungkol sa pustahan nina Richard at ng mga kaibigan nito. Nakipag-break siya agad kay Richard at kahit anong suyo nito sa kanya ay ayaw niyang makipagbalikan dito.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, kung kailan nakahanda na si Isabella na tanggaping muli si Richard ay saka naman ito biglang nawala na parang bula. May pag-asa pa kayang magkita sila o tuluyan nang magkakahiwalay? Paano kung ang dahilan pala nang pag-alis ni Richard ay may kinalaman sa lihim nitong itinatago? Magagawa pa kaya niya itong tanggapin kung sakali?
Unfold
“MOMMY, Daddy, alis na po ako,” nagmamadaling paalam ni Isabella sa mga magulang pagkatapos niyang mag-almusal.
“Hindi ka na ba magto-toothbrush?” nakataas ang kilay na tanong ng mommy niya.
Mabilis na umiling si Isabella. “Sa office na lang po. Baka ma-late na kasi ako,” sagot niya bago siya tumalikod at lumabas ng kanilang baha……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……