55.467K
VISITORS
4.065K

ABOUT ME

I write to make a difference, to give hope, and to entertain. You can follow me or like my page : Leah Rebekah's Stories LIST OF STORIES Cursed (Vivienne/Railey) - Completed/PTR SAINT MATTHEW UNIVERSITY SERIES (YA) 1. How Did You Know - Completed/PTR 2. The Symphony of our Hearts - Completed/PTR 3. A Promise of Love - Completed/PTR 4. Just One More Chance - Ongoing/PTR LOVE IN DISGUISE 1. The Billionaire and His Secret (Dana/Dave) - Completed/PTR 2. Teach Me How to Love You (Mariella/Jed) - Completed/PTR 3. Loving His Enemy (Ira/Xyrus) - Completed/PTR 4. My Chubby Love (Missy/Levi) - Coming soon 5. He is my Dream Guy (Angel/Vincent) - Coming soon MY BILLIONAIRE HUSBAND SERIES 1. The Billionaire's First Love (Khrysstyna/Edrian) - Completed/PTR 2. A Wife for the Billionaire (Kaye/Raizer) - Completed/PTR 3. The Bride of the CEO (Hershelle/Edmark) - Completed/PTR 4. This CEO is in Love With Me (Bettina/Raiden) - Completed/PTR 5. The Billionaire's Game of Love - (Elaine/Enzo) - Completed/PTR 6. The Billionaire's Beloved (Lian/MJ) - Completed/PTR 7. Breaking the CEO's Heart (Jenezel/Phoenix) - Completed/PTR 8. Marrying Mr. Wrong (Dani/Chris, Steph/Joshua, Angelique/Jerome) - Ongoing/Free to Read 9. The Billionaire's Chosen Wife (Lyla/Jak) - Completed/PTR FORBIDDEN LOVE AFFAIR SERIES 1. The Mafia Boss' Virgin Stepmother (Rodel/Stella) - Completed/PTR - Secretly in Love with his Cousin (Dexter/Kara) - I Love You, Dear Sister (Archie/Yarie Jane) 2. My Secret Lover - My Boss, My Secret Lover (Leamor/Joel) - Loving My Brother-in-Law (Kricel/PJ) - Her Mysterious Lover (Rosaline/Kentt)

ABOUT ME

I write to make a difference, to give hope, and to entertain. You can follow me or like my page : Leah Rebekah's Stories LIST OF STORIES Cursed (Vivienne/Railey) - Completed/PTR SAINT MATTHEW UNIVERSITY SERIES (YA) 1. How Did You Know - Completed/PTR 2. The Symphony of our Hearts - Completed/PTR 3. A Promise of Love - Completed/PTR 4. Just One More Chance - Ongoing/PTR LOVE IN DISGUISE 1. The Billionaire and His Secret (Dana/Dave) - Completed/PTR 2. Teach Me How to Love You (Mariella/Jed) - Completed/PTR 3. Loving His Enemy (Ira/Xyrus) - Completed/PTR 4. My Chubby Love (Missy/Levi) - Coming soon 5. He is my Dream Guy (Angel/Vincent) - Coming soon MY BILLIONAIRE HUSBAND SERIES 1. The Billionaire's First Love (Khrysstyna/Edrian) - Completed/PTR 2. A Wife for the Billionaire (Kaye/Raizer) - Completed/PTR 3. The Bride of the CEO (Hershelle/Edmark) - Completed/PTR 4. This CEO is in Love With Me (Bettina/Raiden) - Completed/PTR 5. The Billionaire's Game of Love - (Elaine/Enzo) - Completed/PTR 6. The Billionaire's Beloved (Lian/MJ) - Completed/PTR 7. Breaking the CEO's Heart (Jenezel/Phoenix) - Completed/PTR 8. Marrying Mr. Wrong (Dani/Chris, Steph/Joshua, Angelique/Jerome) - Ongoing/Free to Read 9. The Billionaire's Chosen Wife (Lyla/Jak) - Completed/PTR FORBIDDEN LOVE AFFAIR SERIES 1. The Mafia Boss' Virgin Stepmother (Rodel/Stella) - Completed/PTR - Secretly in Love with his Cousin (Dexter/Kara) - I Love You, Dear Sister (Archie/Yarie Jane) 2. My Secret Lover - My Boss, My Secret Lover (Leamor/Joel) - Loving My Brother-in-Law (Kricel/PJ) - Her Mysterious Lover (Rosaline/Kentt)
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Leah Rebekah

Marrying Mr. Wrong (My Billionaire Husband Series 8)

Marrying Mr. Wrong (My Billionaire Husband Series 8)

Reads

PART 1 Sa awa at pagmamahal ni Dani sa kanyang Ate Kara, tinulungan niya itong makatakas sa kasal nito kay Chris. Tapos nagpanggap ang dalaga na siya ang ate niya sa araw mismo ng kasal ng dalawa. Nang malaman ito ni Chris, binantaan siya nitong gagawing impiyerno ang buhay niya. Natakot man si Dani sa banta ng binata sa kanya, pinanindigan pa rin niya ang pagpapanggap. Natuloy ang kasal nila ni Chris. Ngunit katulad nang ipinangako nito, naging impiyerno ang buhay niya sa piling nito. Hindi asawa ang turing nito sa kanya, kung hindi isang alila. Tiniis niya ang lahat dahil mahal niya si Chris noon pa man. Pero nang mahuli niya ang asawa na may kasiping na ibang babae, bigla siyang natauhan. Nagpasya siyang umalis at nagpakalayo-layo. Ngunit hindi nagtagal nalaman niyang buntis siya. Natuwa siya dahil kahit paano may alaalang maiiwan sa kanya si Chris kahit hindi siya nito minahal. Lumipas ang limang taon, nagkrus ang landas nila ng dati niyang asawa. May-ari pala ito ng pabrikang pinapasukan niya. Nagpanggap siyang hindi niya ito kilala dahil sa takot na parusahan siya nito at bawiin ang anak nila sa kanya. Pero makulit ang dati niyang asawa at sinusuyo pa siya nito. Hindi niya tuloy alam ang gagawin niya. Aaminin ba niya ang totoo? O gagamitin niya ang pagkakataong ito para gumanti sa lahat ng kasalanan nito sa kanya noon? PART 2 Bata pa lang si Steph, very vocal na siya sa pagsasabing crush niya si Josh, ang nag-iisang anak ng bestfriend at business partner ng papa niya. Tinatawanan lang naman siya ng binata lalo na at ang layo ng gap nila. Sampung taon ang tanda nito sa kanya. Nang tumuntong si Steph ng eighteen, laking tuwa niya dahil nagkasundo ang mga magulang nila na ni Josh na ipakasal sila sa isa't isa. Akala niya magkakaroon na siya ng happily ever after na lovelife ngunit noong araw ng kasal nila, walang dumating na Josh. Tinakasan siya nito nang wala man lang pasabi. Kahit ang sarili nitong magulang, hindi alam kung saan ito nagpunta. Sa galit niya, isinumpa niya ito at ang pesteng pag-ibig. Makalipas ang pitong taon, muling nagkita sina Steph at Josh. Si Steph naman ngayon ang hinahabol ni Josh. Pero walang balak magpahabol ang dalaga. Mas gugustuhin na raw niyang maging single kaysa patulan pa ang binatang minsan nang nang-iwan sa kanya. Mapapanindigan kaya ni Steph ang binitiwan niyang salita? Ano ang dapat gawin ni Josh para makuha ang puso ng dalaga?

Updated at

Read Preview
Loving His Enemy (Love in Disguise Book 3)

Loving His Enemy (Love in Disguise Book 3)

Reads

BLURB #SummerUpdateProgram May lihim na galit si Ira sa mga lalaki magmula nang iwan siya ng fiancé niya sa mismong araw ng kanilang kasal. Hindi naman siya manhater pero galit lang talaga siya sa mga lalaki lalo na sa mga guwapo. Kaya naman noong una makaharap niya si Xyrus, ang bagong security guard ng eskuwelahang pinapasukan niya, ganoon na lang ang inis niya sa makulit na lalaki. Nadagdagan pa ang pagkainis niya rito nang araw-araw siyang may nadadatnan na bulaklak at pagkain sa kuwarto niya. Sinisi niya ang lalaki dahil ito lang naman ang may hawak sa susi ng kanyang kuwarto. Katuwiran naman ng lalaki ay iniutos lang daw iyon ng hindi nito kilalang tao. Ngunit hindi nagtagal ay nadiskubre niyang galing pala mismo kay Xyrus ang mga bulaklak at pagkain. Pero nang kapain niya ang puso kung may galit siyang naramdaman ay saka niya na-realize na nawala na pala ito. Unti-unting tinibag ng binata ang galit niya sa mga kalahi nito. Maayos na sana ang lahat ngunit isang lihim ang magpapabago sa kapalaran nila. Magagawa pa ba nilang patuloy na mahalin ang isa-isa’t kung may taong masasaktan at magagalit dahil sa relasyon nila? O ituturing na lang nilang kaaway ang isa’t isa at isasantabi ang pag-ibig na nararamdaman?

Updated at

Read Preview
My Secret Lover

My Secret Lover

Reads

Nakatakdang ikasal si Leamor sa lalaking pinili ng mag-asawang umampon sa kanya. Pero bago dumating ang araw ng kasal ay tumakas siya. Napadpad siya sa Manila at napilitang maghanap ng trabaho para buhayin ang sarili. Pinalad naman siyang makapasok bilang intern sa isang manufacturing company na nag-e-export ng mga banana products. Unang araw pa lang niya sa trabaho nang aksidenteng madulas siya sa harapan ng isang lalaki. Tumaas pa ang suot niyang bestida kaya nakita ang suot niyang underwear. Naiinis siya dahil hindi man lang siya tinulungan ng lalaki na makatayo. Sa buwisit ni Leamor ay minura niya ang lalaki. "Bastos ka, ah! Guwapo ka nga, wala namang modo! Mabulag sana iyang mata mo!" litanya niya bago niya ito tinalikuran. Pagdating niya sa opisina kung saan siya papasok ay inutusan siya agad ng boss niya na magtimpla ng kape at dalhin ito sa opisina ng CEO. Agad naman siyang sumunod. Pero laking gulat niya nang madatnan ang lalaking inaway niya na nakaupo roon. Oh no! Gusto niyang hilingin na sana lumubog na lang siya sa kinatatayuan niya o kaya'y lamunin siya ng lupa. Pero mas nagulat siya sa sinabi nito. "You are an intern, right? Can you be my secretary for the day?" Tango lang ang naisagot niya pero sana naglakas loob siyang tumanggi dahil dito na pala magsisimula ang masalimuot niyang love story. Ang pinakamalala nito ay hindi niya napigilan ang sariling ma-in love rito. Mahal din naman siya ni Joel. Pero ipinagbabawal sa kompanya ang makipagrelasyon sa kapwa empleyado. Kaya naging lihim ang kanilang relasyon. Gusto sana niyang mag-resign pero ayaw pumayag ni Joel. Mas nadagdagan pa ang problema niya nang dumating ang ex-girlfriend nito at gustong makipagbalikan sa boss niya. Gusto sana niyang ipaglaban ang pagmamahal niya rito ngunit tutol sa relasyon nila ang lahat ng nakapaligid sa kanila kahit ang mga magulang nito. Lalo siyang pinanghinaan nang malaman niyang ikakasal na ang nobyo niya sa ex nito. Inamin nitong business deal lang ang kasalang magaganap at mananatili pa rin ang kanilang lihim na relasyon. Papayag ba siyang maging kabit na lang? O palalayain na niya si Joel kahit masakit sa kanya dahil iyon ang tama at mabuti?

Updated at

Read Preview
The Mafia Boss' Virgin Stepmother (R-18)

The Mafia Boss' Virgin Stepmother (R-18)

Reads

-#Tagalog Writing Contest-My Dangerous Lovers #SummerUpdateProgram Para hindi tuluyang mawala ang iniwang bahay at lupa ng kanyang mga magulang, napilitang pumayag si Stella na magpakasal kay Mr. Ramil Callanta na presidente ng United Bank kung saan nakasanla ang mga ari-arian na minana nila ng Ate Lyla niya. Halos tatlong dekada ang agawat nila ng matandang biyudo. Forty-eight na ito samantalang eighteen lang siya. Wala naman siyang gaanong naging problema sa piling ng napangasawa niya dahil mabait naman si Ramil. Ibinibigay din nito ang lahat ng pangangailangan niya mula sa pera, alahas, damit, at lahat ng luho. Hindi rin siya nito pinipilit na makipagtalik dahil bata pa raw siya. Kaya hanggang halik sa noo, ulo, at kamay lang ang ginagawa nito sa kanya. Akala niya ay wala na siyang magiging problema pa. Ngunit makalipas lang ang mahigit isang buwan, biglang dumating si Rodel, ang kaisa-isang anak ni Ramil. Nakapagtatakang hindi naman galit si Rodel sa kanya. Magiliw pa nga ito sa kanya at tinatawag pa siyang mommy. Pero sa paglipas ng mga araw, wala itong ginawa kung hindi ang akitin siya sa disimuladong paraan. Kahit anong iwas ang gawin niya tukso naman laging lumalapit sa kanya ang binata na mas matanda pa sa kanya ng pitong taon. Pilit niyang pinipigilan ang sarili ngunit sadya yatang makapangyarihan ang laman. Minsan nalasing siya nang mag-birthday si Ramil, nagising na lang siyang hubo't hubad sa ibang kama at kasama pa si Rodel. Wala pa namang nangyayari sa kanila maliban sa halik ngunit nang yakapin sa ni Rodel ay nag-init ang buo niyang katawan dahil sa pagkakadikit ng kanilang mga hubad na katawan. Nang damhin nito ang kanyang buong katawan ay bumagsak lahat ng depensa niya sa katawan. Kusa niyang ipinagkaloob ang kanyang puri na iniingatan. Dito na nagsimula ang lihim nilang relasyon. Habang tumatagal unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Stella kay Rodel. Pero natatakot siya kung saan hahantong ang kanilang bawal na relasyon. Paano kapag nalaman iyon ni Ramil? Ipagtatanggol kaya siya ni Rodel? O hahayaan lang na mag-isang magdusa? Saan siya pupulutin kapag nabunyag ang lihim nilang relasyon?

Updated at

Read Preview
The Billionaire's Chosen Wife (My Billionaire Husband Series 9)

The Billionaire's Chosen Wife (My Billionaire Husband Series 9)

Reads

Bata pa lang si Lyla Marie Tembreza nang ipagkasundo siya ng mga magulang niya kay Jak Edcel Lumbera na anak ng kaibigan ng kanyang ama. Makalipas ang limang taon, namatay ang mga magulang niya. Iniwan sa kanila ang napakaraming utang. Hiningi ng pinagkakautangan ng kanyang mga magulang ang kanyang nakababatang kapatid bilang pambayad. Noon din lang niya nalaman na ipinagkasundo pala siya ng kanyang magulang. Para iligtas ang kapatid, napilitan siyang hanapin ang mga magulang ni Jak upang humingi ng tulong. Pumayag ang mga ito na bayaran ang utang ng mga magulang niya para makauwi ang kapatid niya. Bilang kapalit, pakakasalan at pakikisamahan niya si Jak sa loob ng isang taon. Hindi niya inakalang magiging bangungot pala ang buhay niya sa piling ni Jak. Galit na galit ito sa kanya at malamig ang pakikitungo. Tanging sa ibabaw lang ng kama sila magkasundo. Ngunit bago matapos ang isang taon, hiniwalayan siya ni Jak. Wala siyang nagawa kung hindi umalis na durog ang puso at bitbit ang lihim ng kanyang pagbubuntis. May pag-asa pa kayang magkabalikan sila ni Jak? Mabubuo pa kaya ang pamilyang inaasam niya? O itatapon na lang niya sa hangin ang lahat ng pangarap at pagmamahal niya sa lalaking singtigas ng bato at singlamig ng yelo ang puso?

Updated at

Read Preview
The Billionaire's Game of Love (My Billionaire Husband Series 5)

The Billionaire's Game of Love (My Billionaire Husband Series 5)

Reads

Nagkagusto na agad si Elaine kay Enzo noong una pa lang niyang makita ang binata. Ngunit sa kasamaang-palad ang pinsan niyang si Regine ang nagustuhan ni Enzo at niligawan. Naging nobya nito ang pinsan niya. Sa sama ng loob niya, tumanggap din siya ng manliligaw. Nakahanap naman siya ng lalaking magmamahal sa kanya ngunit sadya yatang hindi maganda ang kapalaran nya sa pag-ibig. Isang linggo bago ang kasal nila ni Lyndon nahuli niyang nakikipagtalik ito sa dating nobya. Nakipag-break siya rito at bigla na lang nagdesisyon na magbakasyon sa Pilipinas. Sinundan naman siya ng boyfriend at ginawa pang hostage ang kababata niyang si Bettina para lang balikan niya ito. Mabuti na lang dumating si Enzo at iniligtas sila nito. Bilang pagtanaw ng utang na loob nagkipagkasundo ang mga magulang niya sa magulang ni Enzo na ipakasal silang dalawa. Matutuwa na sana si Elaine dahil matutupad na rin ang pangarap niyang mapangasawa ang lalaking totoong minamahal niya. Ngunit nalaman niyang katawan lang niya at anak ang habol ni Enzo sa kanya. May pag-asa pa kayang mahalin siya ni Enzo o hanggang pangarap na lang iyon? Paano ba niya mapupunan sa puso nito ang puwang na iniwan ng pinsan niyang si Regine?

Updated at

Read Preview
The Billionaire's Beloved (My Billionaire Husband Series)

The Billionaire's Beloved (My Billionaire Husband Series)

Reads

Nang mamatay ang mga magulang ni Lian ay nanganganib na bumagsak din ang kanilang business. May nagtangkang mag-take over dito. Ngunit gusto ni Lian na siya ang mag-manage pa rin ng negosyo. Nang malaman niyang si Melvin, ang binasted niyang manliligaw, ang may planong mag-take over ay napaisip siya kung hahayaan na lang ang negosyo nila na i-manage nito o ipaglalaban niya ang karapatan? Lalo siyang naguluhan nang sabihin ni Melvin na papayag lang ito sa gusto niyang mangyari kung payag siyang maging girlfriend o asawa nito ng isang taon. Pikit mata niyang tinanggap ang kondisyon kahit labag sa kanyang kalooban. Bahala na kung anong mangyari basta ang importante, sa kanya pa rin mapunta ang pinakamataas na posisyon sa kanilang family business.

Updated at

Read Preview
Breaking The CEO's Heart

Breaking The CEO's Heart

Reads

GIRL POWER: Ang Paghihiganti ng Babaeng Sawi Entry Hindi akalain ni Jenezel na ang sobrang pagmamahal niya kay PJ ay magdudulot sa kanya ng kasawian. Kaya nang magising siya sa isang ospital ay naisip niyang gumanti rito. Nagpanggap siyang walang halos maalala sa kanyang nakaraan. Nang iuwi siya ni PJ sa bahay nila ay sinimulan na niya ang planong paghihiganti. Ginawa niya ang lahat para pasakitan si PJ at maiganti ang sarili. Hanggang saan aabutin ang paghihiganti ni Jenezel? May puwang pa ba sa puso niya ang pagpapatawad kung punong-puno ng poot ang kanyang pagkatao? May pag-asa ba na maayos pa ang pagsasama nila ni PJ? O hahayaan na lang ni Jenezel na mawasak ito tulad din nang pagkawasak ng pagkatao niya?

Updated at

Read Preview
Just One More Chance (Saint Matthew University Series)

Just One More Chance (Saint Matthew University Series)

Reads

Meet Ferdinand Richard Fernandez, sikat na basketball player, guwapo at matangkad. Gusto niyang magka-girlfriend pero nahihiya naman siyang manligaw. Kaya noong magkaroon ng pustahan ang mga kaibigan niya, agad siyang pumayag sa pag-asang makahanap din siya ng magiging girlfriend. Here comes, Maria Isabella De Cordova, ang sikat na taekwondoin ng SMU, mestisa at maganda. Nilalayuan ng mga lalaki dahil mas siga pa ito kaysa sa tunay na lalaki. Nang makita siya ni Richard sa Valentine's Party ng College of Engineering, hindi na siya nito tinantanan. Hindi naman naniniwala si Isabella na seryoso si Richard sa kanya kaya hinamon niya ito sa isang taekwondo match. Nang manalo si Richard, wala nang nagawa si Isabella kundi pumayag na maging girlfriend nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Isabella ang tungkol sa pustahan nina Richard at ng mga kaibigan nito. Nakipag-break siya agad kay Richard at kahit anong suyo nito sa kanya ay ayaw niyang makipagbalikan dito. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, kung kailan nakahanda na si Isabella na tanggaping muli si Richard ay saka naman ito biglang nawala na parang bula. May pag-asa pa kayang magkita sila o tuluyan nang magkakahiwalay? Paano kung ang dahilan pala nang pag-alis ni Richard ay may kinalaman sa lihim nitong itinatago? Magagawa pa kaya niya itong tanggapin kung sakali?

Updated at

Read Preview
The Billionaire's First Love (My Billionaire Husband Series)

The Billionaire's First Love (My Billionaire Husband Series)

Reads

Czerinne Khrysstyna Gonzales Del Valle is a certified manhater. Para sa kanya ang lahat ng lalaki ay walang gagawing mabuti. Ang tunay niyang ama ay iniwan silang magkakapatid noong maliit pa sila. Ang stepfather naman nila tinatrato sila na para bang walang kuwentang tao. Ang napangasawa ng panganay niyang ate ay nambubogbog ng babae. Kaya kahit maraming nanliligaw kay Khrysstyna ay wala siyang sinagot kahit isa. Isang araw biglang nakipagtanan ang pangalawa niyang ate upang takasan ang kasal nito sa anak ng amo ng stepfather nila. Napilitan si Khrysstyna na akuin ang responsibilidad ng kapatid para hindi ang bunso nila ang sapilitang ipakasal ng kanilang stepfather. Nang makaharap niya ang lalaking ipapakasal sa kanya ay inalok niya rito ang sarili niyang katawan upang umurong sa kasal. Ayaw pumayag ni Edrian Mark, ang tagapagmana ng hotel magnate na si Don Edgardo De Castro. Katwiran nito makukuha rin naman daw nito ang puri niya kapag ikinasal sila. Ngunit nang magkasama niya si Edmark ay iba ang ipinakita nito. Ginagabi ito sa pag-uwi. Hindi rin siya nito kinakausap o kinikibo. Kahit yata maghubad siya sa harapan nito ay hindi siya papansinin ng loko. Makalipas ang isang buwan ay nagpunta ng Amerika si Edmark. Pagbalik nito ay bigla na lang itong bumait. Hatid-sundo siya nito sa kanyang trabaho. Tinatawagan din siya para lang kumustahin kung kumain na ba siya. Ipinagluluto pa siya nito. Pinagbabawalan din siyang magsuot ng maiikli at seksing damit. Unti-unti nitong tinitibag ang maling paniniwala niya sa mga lalaki. Ngayon ay nanganganib hindi lang ang kanyang puri kundi pati ang puso niya. Panahon na ba para itapon niya sa hangin ang pagiging manhater niya?

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.