Forbidden ROMANCE 'Darryl & Mariciel'
Share:

Forbidden ROMANCE 'Darryl & Mariciel'

READING AGE 18+

Iny24amida Romance

0 read

Isang babaeng nagmahal sa maling pagkakataon at sa lalakeng may malaking agwat ng edad para sa kanya. Sa lalakeng hindi nararapat mahalin at hindi nararapat naising mapasakanya.
Subalit ang pagmamahal niyang iyon para sa isang lalakeng hindi niya inasahan ay tila kailanman ay hindi niya magawang pagsisihan, bagkus ay mas naghangad pa siya na patuloy pang lumaban upang manatili lamang sa kanya ang lalakeng pilit ring ipinagkakait sa kanya ng tadhana.
"Oo, mali ang mahalin ka! Mali ang umasang darating din ang araw na mamahalin mo ako. At mali na pilitin kong makuha ang atensyon at pagmamahal mo mula sa iba. Pero ano'ng magagawa ko? Ano'ng magagawa ko kung ang mismong puso ko na ang kumukontrol sa isip ko at nagsasabing 'wag kang iwasan at 'wag kang layuan! Mahal kita, Darryl! Mahal kita, at hindi ko kayang umiwas o ang lumayo mula sa 'yo! Naiintindihan mo ba, ha?! Mahal kita!" MARICIEL
"That's enough, Miss Cruz! This is fvcking wrong, d*mn it! Mali 'yang pagmamahal na sinasabi mo, because the love you have for me is fvcking worthless at alam nating kahit kailan ay hindi magiging tama 'yang pagmamahal na sinasabi mo. Bata ka pa, at marami pang ibang lalakeng mas nararapat lang na mahalin mo at mahalin ka. 'Yong lalakeng mas nababagay sa isang tulad mo. Kaya ngayon pa lang, tumigil ka na dahil wala akong nararamdaman para sa 'yo!" DARRYL
Pagmamahalang susubukin ng tadhana. Pagmamahalang mali at hindi nararapat, ngunit patuloy na ipaglalaban dahil iyon ang isinigaw ng kanilang mga puso.
Sina Darryl at Mariciel na sumugal sa maling pag-ibig para lamang mapagbigyan ang totoong isinisigaw ng kanilang mga puso.
Saan nga ba sila dadalhin ng kanilang tadhana. Tadhanang humahadlang sa kanilang bawal na pagmamahalan. Pagmamahal na ang mismong mga katawan na nila ang hindi nagpapapigil.

Unfold

Tags: HEage gapfriends to loverssingle motherdrama
Latest Updated
SPECIAL CHAPTER(END)

CAPE BRETON ISLAND, CANADA




UMALPAS ang malapad na ngiti sa aking labi ng makita ko si Mariciel na nakatayo sa terrace habang nakapikit ang mga mata at tila sinasamyo ang malamig na hangin. Sa puntong iyon ay kita sa itsura nito ang labis na kaligayahan tulad ng aking nararamdaman.

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.