91.796K
VISITORS
5.933K

ABOUT ME

Life isn't about finding yourself. Life is about CREATING yourself. Just don't give up trying to do what you really want to do. Stay POSITIVE, work hard, make it HAPPEN. Iny L. C. Amida — FB Account. (PTR and COMPLETED) ~The Montemayor siblings~ ☆ Loving HIM 'Vince and Marie' ☆ A Piece Of Paper 'Victor and Myra' ☆ Falling In LOVE 'Luke and Princess' OTHER STORIES ☆ FIGHT for LOVE with the MAFIA 'Jhon & Gene' —PTR and COMPLETED ☆ The FIERCE Wife (Agent Sky) 'Clinton & Sarah' —PTR and COMPLETED The four Bachelor's (Friends of Vince Daved Montemayor) ☆ BACHELOR SERIES ☆ ◇James Moteverde – FREE & ONGOING ◇Jeffrey Montreal ◇Carlo Benites ◇Kenneth Bustamante ☆ Director Oxford captured my HEART 'Mark & Alex' ☆ BEST Friend, Enemy, LOVER 'Miguel & Jhona'

ABOUT ME

Life isn't about finding yourself. Life is about CREATING yourself. Just don't give up trying to do what you really want to do. Stay POSITIVE, work hard, make it HAPPEN. Iny L. C. Amida — FB Account. (PTR and COMPLETED) ~The Montemayor siblings~ ☆ Loving HIM 'Vince and Marie' ☆ A Piece Of Paper 'Victor and Myra' ☆ Falling In LOVE 'Luke and Princess' OTHER STORIES ☆ FIGHT for LOVE with the MAFIA 'Jhon & Gene' —PTR and COMPLETED ☆ The FIERCE Wife (Agent Sky) 'Clinton & Sarah' —PTR and COMPLETED The four Bachelor's (Friends of Vince Daved Montemayor) ☆ BACHELOR SERIES ☆ ◇James Moteverde – FREE & ONGOING ◇Jeffrey Montreal ◇Carlo Benites ◇Kenneth Bustamante ☆ Director Oxford captured my HEART 'Mark & Alex' ☆ BEST Friend, Enemy, LOVER 'Miguel & Jhona'
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Iny24amida

The Substitute BRIDE: Isang MUKHA, iisang PAG-IBIG

The Substitute BRIDE: Isang MUKHA, iisang PAG-IBIG

Reads

Tadhana na minsan ay hindi ko pinaniwalaan dahil para sa akin ang lahat ay nagkakataon lamang. Ngunit nang dumating ang isang pagsubok sa aking buhay, doon ko naisip na siguro nga'y totoo ang tadhana at ito ang aking tadhana. Tadhana na hindi ko alam kung paano ko matatakasan o kung magagawa ko pa bang makawala, gayong bilanggo na ako ng aking pag-ibig para sa isang lalaking itinadhana sa akin.

Updated at

Read Preview
SANDINO GALLIGUEZ MARKED by the MAFIA BOSS (Sandino & Analyn)

SANDINO GALLIGUEZ MARKED by the MAFIA BOSS (Sandino & Analyn)

Reads

[R-18 SPG] ‼️ MATURE CONTENT‼️ I am Sandino Galliguez, and I was born with a golden spoon in my mouth, but I didn't have the life I deserved because those riches and luxuries were stolen and denied to me by people who were greedy for money and power. A 30-year-old Mafia boss whom everyone fears. Arrogant, cruel, dominant, and powerful, but there is one woman I will never forget. Seven years ago, a seventeen-year-old girl captured my heart. And she was the one I was most afraid of losing.

Updated at

Read Preview
LEO AGUILAR The PROSECUTOR 'Leo & Dhea'

LEO AGUILAR The PROSECUTOR 'Leo & Dhea'

Reads

Si Dhea na ang tanging hangad lang ay mahalin din siya ng lalakeng minamahal. Ang lalakeng hindi niya inakalang mamahalin niya ng higit pa sa kanyang buhay. Ngunit paano pa nga ba siya patuloy na kakapit, lalaban at magmamahal sa lalakeng iniibig kung ang mismong minamahal na mismo ang nagtutulak sa kanya patungo sa kadiliman. Kadilimang ni minsan ay hindi niya inakalang kanyang kasasadlakan. Ang selda. Dahil lang sa isang insidenteng hindi niya ginawa. Si Leo na may prinsipyong hindi basta-basta mababali ng sino man. Ngunit dahil sa isang maling hakbang ay nasira ang prinsipyong matagal na panahon niyang iningatan dahil lang sa isang babaeng may kaugnayan sa kanyang nakaraan. Nakaraan na hindi niya lubusang maalala. Paano nga ba niya muling aayusin at bubuoin ang prinsipyong nadungisan dahil lang sa babaeng tila isinisigaw ng kanyang puso, ngunit hindi maalala ng kanyang isipan. Ang babaeng pilit niyang idinidiin sa ilalim ng batas, ngunit pilit namang isinasalba ng kanyang pagmamahal. Tunghayan natin ang kuwento nina Leo at Dhea sa "The PROSECUTOR". Hanggang saan nga ba nila ipaglalaban ang kanilang pagmamahalan kung ang isa'y pilit kang isinasadlak sa kadiliman, habang ang isa naman ay patuloy na nagmamahal at umaasang muli kang maaalala at tutuparin ang pinangakong walang hanggang pagmamahalan.

Updated at

Read Preview
Forbidden ROMANCE 'Darryl & Mariciel'

Forbidden ROMANCE 'Darryl & Mariciel'

Reads

Isang babaeng nagmahal sa maling pagkakataon at sa lalakeng may malaking agwat ng edad para sa kanya. Sa lalakeng hindi nararapat mahalin at hindi nararapat naising mapasakanya. Subalit ang pagmamahal niyang iyon para sa isang lalakeng hindi niya inasahan ay tila kailanman ay hindi niya magawang pagsisihan, bagkus ay mas naghangad pa siya na patuloy pang lumaban upang manatili lamang sa kanya ang lalakeng pilit ring ipinagkakait sa kanya ng tadhana. "Oo, mali ang mahalin ka! Mali ang umasang darating din ang araw na mamahalin mo ako. At mali na pilitin kong makuha ang atensyon at pagmamahal mo mula sa iba. Pero ano'ng magagawa ko? Ano'ng magagawa ko kung ang mismong puso ko na ang kumukontrol sa isip ko at nagsasabing 'wag kang iwasan at 'wag kang layuan! Mahal kita, Darryl! Mahal kita, at hindi ko kayang umiwas o ang lumayo mula sa 'yo! Naiintindihan mo ba, ha?! Mahal kita!" MARICIEL "That's enough, Miss Cruz! This is fvcking wrong, d*mn it! Mali 'yang pagmamahal na sinasabi mo, because the love you have for me is fvcking worthless at alam nating kahit kailan ay hindi magiging tama 'yang pagmamahal na sinasabi mo. Bata ka pa, at marami pang ibang lalakeng mas nararapat lang na mahalin mo at mahalin ka. 'Yong lalakeng mas nababagay sa isang tulad mo. Kaya ngayon pa lang, tumigil ka na dahil wala akong nararamdaman para sa 'yo!" DARRYL Pagmamahalang susubukin ng tadhana. Pagmamahalang mali at hindi nararapat, ngunit patuloy na ipaglalaban dahil iyon ang isinigaw ng kanilang mga puso. Sina Darryl at Mariciel na sumugal sa maling pag-ibig para lamang mapagbigyan ang totoong isinisigaw ng kanilang mga puso. Saan nga ba sila dadalhin ng kanilang tadhana. Tadhanang humahadlang sa kanilang bawal na pagmamahalan. Pagmamahal na ang mismong mga katawan na nila ang hindi nagpapapigil.

Updated at

Read Preview
Falling In LOVE 'Luke & Princess' (COMPLETED)

Falling In LOVE 'Luke & Princess' (COMPLETED)

Reads

"Sana kahit isang ala-ala lang na tungkol sa akin ay maalala mo, Luke, dahil sa totoo lang hanggang ngayon patuloy pa rin akong naghihintay sa pagkakataong 'yon, na sana, —na sana kahit hindi mo man ako maalala sa 'yong nakaraan, pero sana naman d'yan sa puso mo, makilala at maramdaman mo pa rin ang tungkol sa babaeng pinangakuan mo no'n, sampung taon na ang nakalipas," —Princess "Paano ko aalalahanin ang isang babaeng kagaya ng sinasabi mo sa nakaraang sampung taon, kung wala akong maalalang babaeng aking pinangakuan." —Luke Unang pag-ibig, unang karanasan, at unang pag luha. Paano mo masasabing lahat ng una ay masaya, kung sa unang karanasan ay doon mo rin naranasan kung paano umasa, maghintay at lumuha. Nagmahal sa murang edad, naisuko ang iniingatang dangal, nagtiwala at umasa, ngunit pagdurusa at pagluha ang naging kapalit. Hanggang saan ka aasa, at hanggang kailan ka dapat maghintay. Subalit muling naglaro ang tadhana. Na ang pusong gusto ng lumimot ay muling tumibok. Pinagtagpong muli, at sa pagtatagpong 'yon ay tuloyan na ngang maitatali ang isa't isa sa isang relasyon na ang isa lang ang nagmamahal. Paano ka kakapit sa isang pagsasama na ikaw lang ang nananatiling nakahawak sa taling patuloy na nagbibigkis sa inyo.

Updated at

Read Preview
The FIERCE Wife (Agent SKY) 'Clinton & Sarah'

The FIERCE Wife (Agent SKY) 'Clinton & Sarah'

Reads

"Hindi ako nangarap ng sobra. Pero nang makilala kita do'n ko natutunan kung paano mangarap o gustuhin ang isang bagay, pero sa pag-aasam kong 'yon ay do'n ko rin naranasan kung paano ang masaktan." umiwas ng tingin si Sarah. "Mahal kita, eh. Mahal na mahal, pero umabot na ako sa puntong... sa puntong gusto na kitang i-give up." sabay patak ng mga luha nito. "I... I want an a-annulment, Clinton," —SARAH "Huh!?" humalakhak si Clinton. "Annulment? Fine!!! I'll give it to you!!!" —CLINTON Kakapit ka pa ba sa isang relasyong alam mong nakatali ka na at sa pagmamahal na alam mong 'yon ang nararapat, ngunit sa kabila no'n ay nararamdam mong nasa puntong nasasaktan ka na at hindi mo na alam kung dapat pa ba o nararapat ka pa ba sa sitwasyong 'yon, kung alam mo at nararamdaman mong ikaw na lang ang nagbibigay ng halaga. At hanggang saan ka maghihintay sa atensyong nararapat lamang para sa 'yo mula sa 'yong asawa kung ang bawat taong nasa paligid mo'y hinahadlangan ang atensyong dapat ay para sa 'yo lamang, at pilit may humaharang. Kahit ang pagmamahal na hinahangad mo'y pilit na ring inaagaw. "Love is full of sacrifices, and the best sacrifice you've made is to give up his freedom and just be happy for him." –SARAH 'The FIERCE Wife'.

Updated at

Read Preview
My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

Reads

[R-18 SPG] ‼️ MATURE CONTENT‼️ Mistress Gold Digger Ambisyosa Babaeng mababa ang lipad Ilan lang iyan sa mga salitang halos araw-araw kong naririnig mula sa mga taong mapanghusga. Ngunit lahat ng iyon ay pikit-mata kong hinaharap at nagbibingi-bingihinan sa mga taong nakapalibot sa akin. Isang simpleng babae lang ako na nagmahal, at alam kong ang pagmamahal ay hindi ipinagbabawal dahil tumitibok ang puso mo para sa isang taong minamahal. Subalit ang pagmamahal kong iyon ang siya ring unti-unting dumudurog sa aking puso at buong pagkatao. "Mahal kita, James, at handa akong makihati, handa akong maging kabit 'wag mo lang akong iwan, dahil– dahil hindi ko kaya, hindi ko kakayanin. Mahal na mahal kita," -JENNIEL "Wala tayong relasyon, Ms. Pajares, at kung ano man ang mga nangyayari sa atin ay parehas nating ginusto. And– and I don't love you. I am a married man." –JAMES Mga salitang tuluyang lumusaw sa kakapirasong pag-asang natitira para sa aking sarili.

Updated at

Read Preview
BOOK 2 – THE FINAL VENGEANCE 'Mr. & Mrs. OXFORD

BOOK 2 – THE FINAL VENGEANCE 'Mr. & Mrs. OXFORD

Reads

Isang mahinang babae na binago ng masalimuot na nakaraan. Naging malakas at matapang, lahat ay sinusuong at walang inaatrasang laban. Handang pumatay at mamatay alang-alang sa prinsipyong sinumpaan. Ngunit ang pagbabagong iyon ay muli ring sinubok dahil sa isang pangyayari mula na nakaraan. Ang pagpatay sa kanyang ina na nagtulak sa kanya upang maghiganti. Ang isang malakas at matapang na babae na handang pumatay at mamatay ay naging isang mahina at nawalan ng kumpiyansa at tiwala sa sarili. Isang paghihiganti sa mga taong nagkasala sa kaniya at sa kaniyang pamilya ang siya rin naglagay sa isang masalimuot na sitwasyon ng kanyang buhay at pamilya. Ang tiwala at pagmamahal na muling ibinigay sa kanyang asawang si Clinton ay muling nadungisan dahil sa mga tao na ang hangad ay tuluyan nang mapabagsak ang isang Sophia Sahara Ibañez Ocampo-Oxford bilang si Agent Sky. Ano nga ba ang gagawin nang dalawang tao na muling sinubok ng tadhana. Ang pagmamahalang nasira at muling nabuo, subalit nang dahil sa naging hakbang ni Sophia ay muling nasira ang kanilang pagsasama. Ang pagmamahal at tiwala ay muling nasira at nawalan ng kakayahan upang muling ipaglaban ang mga sinumpaan pangako sa isa't-isa. Tunghayan natin ang huling yugto ng pagmamahalan nina Clinton at Sarah. Hanggang saan nga ba sila muling kakapit at lalaban alang-alang sa pagmamahal sa isa't-isa. BOOK-2 THE FINAL VENGEANCE 'Mr & Mrs. OXFORD'

Updated at

Read Preview
BACHELOR Series 2 I Have a LOVER 'JEFF & ERICA'

BACHELOR Series 2 I Have a LOVER 'JEFF & ERICA'

Reads

Paano ba ang umasa na hindi mo kailangangang lumuha? Paano ba ang maghintay na hindi mo kailangang mapagod? At paano ba ang muling magtiwala ng hindi mo kailangang masaktan? Ako ang asawa, pero ako ang nakikihati. Ako ang nagmamahal, pero iba ang nagpaparamdam. At ako ang pinangakuan ngunit sa iba tinutupad. "Masakit? Oo, sobrang sakit, na sa sobrang sakit ay para bang ultimong paghinga ko'y pinipigilan nito, pero sa kabila no'n hindi ko kailangang mapagod at kailangan kong paulit-ulit umasa at maghintay, dahil mahal ko ang asawa ko. Mahal ko si Jeff, at maghihintay ako hanggang sa tuluyan na s'yang bumalik sa akin."

Updated at

Read Preview
BACHELOR Series 4 Dignity LOVE and LUST 'KENNETH & NIECEL'

BACHELOR Series 4 Dignity LOVE and LUST 'KENNETH & NIECEL'

Reads

Ang pagmamahal ba ay kasing-kahulugan ng salitang dignidad at libog o tawag ng laman? Kung totoo mang magkakasing-kahulugan nga ang mga salitang iyan, maaaring isa nga akong babaeng walang prinsipyo sa aking sarili. Isang nirerespetong babae, na kayang ibaba ang prinsipyo alang-alang sa pagmamahal para sa isang lalaking handang ibaba ang dignidad mula sa tawag ng laman.

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.