Doc, I'm in Love
READING AGE 18+
Para kay Maria Carmella Isabella Love Celestine aka Love, si Doc Wise na ang pinakaguwapong doctor na nakilala niya.
Ngunit ang binatang doctor ay inisnab ang taglay niyang kagandahan. At palagi nitong sinasabi sa kanya na... "Hinding-hindi kita kailanman magugustuhan dahil ang liit mo at mukha kang sakitin.”
Ngunit isang araw biglang lilitaw si Wise sa kanyang harapan dahil sa isang kasunduan ng namayapa nilang mga magulang.
Ang nakalagay sa dying last wish ay ibibigay lamang ang naiwang ari-arian sa kanila kung magpakasal silang dalawa. Isang kasunduan na nagpabago sa takbo ng buhay nilang dalawa.
Ang akala ni Love, matutunan siyang mahalin ni Wise kapag naikasal na sila ngunit nagkamali siya dahil mas malamig pa ito sa yelo.
Nagdesisyon si Love na kalimutan na lamang ang pag-ibig niya kay Doc Wise. Iniwan niya ang binata at pinirmahan ang annulment papers na ibinigay nito sa kanya.
Sa tindi ng sakit na dinanas ng puso ni Love, nagbago ang lahat.
Sa nakalipas na tatlong taon... ang dating doctor na kinababaliwan niya, hindi na niya gusto ngayon. At ang doctor na nagsabing hindi siya nito magugustuhan kahit kailan ay humahabol ngayon sa kanya.
May second chance pa kaya? O tuluyang tutuldukan ni Love ang nakaraan nila ni Wise?
Unfold
"Hey, Miss Evangelista, kinakausap kita!” malakas na aniya sa dalagang hindi man lang kumurap habang nakatingin sa kanya. Hindi na siya natutuwa rito dahil hindi siya nito sineseryoso.
“Yes, Love… este Doc Vasquez.” Pinigil pa nito na matawa. Siniko na ito ng kaibigan na si Panity dahil sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya.
……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……