154.784K
VISITORS
9.26K

ABOUT ME

BLESSED. THANKFUL. GRATEFUL Hello, I'm Jelay Estrel isang ilokanang manunulat. Lahat po ng story ko ay nakasulat sa TAGALOG. Ang paggawa ko ng nobela ang nagbibigay saya sa aking buhay. Maraming salamat sa mga nagbabasa ng aking mga kuwento, sana ay kapulutan ninyo ng aral ang mga nobela kong nababasa ninyo.

ABOUT ME

BLESSED. THANKFUL. GRATEFUL Hello, I'm Jelay Estrel isang ilokanang manunulat. Lahat po ng story ko ay nakasulat sa TAGALOG. Ang paggawa ko ng nobela ang nagbibigay saya sa aking buhay. Maraming salamat sa mga nagbabasa ng aking mga kuwento, sana ay kapulutan ninyo ng aral ang mga nobela kong nababasa ninyo.
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Jelay Estrel

Wild Nights with Uncle Trex (SSPG)

Wild Nights with Uncle Trex (SSPG)

Reads

Nagpasyang magpakasal ang magkasintahan na sina Malaikah Ventura at Angelo Villa Conde kahit na isang taon pa lamang silang magkasama. Ipinaayos nila ang kanilang kasal kay Tentrex na tiyuhin ni Angelo na isang wedding planner. Sa unang pagkikita nina Malaikah at Trex hindi nila mapigilan na humanga sa isa't isa. At isang lihim na relasyon ang mabubuo sa pagitan nilang dalawa. Paano makakawala si Malaikah sa bawal na relasyon nila ni Trex? At paano haharapin ni Trex ang galit ng kanyang pamangkin sa kanya? May pag-asa kaya para sa kanilang dalawa? O ang kanilang pag-ibig ang magiging dahilan ng kanilang pagkawasak?

Updated at

Read Preview
She Loves Me, But She Rejected Me (SPG)

She Loves Me, But She Rejected Me (SPG)

Reads

"Hindi kita p'wedeng pakasalan, Ryder Luther Arandrea." Ang mga salitang iyon ang paulit-ulit na sumasasak sa puso at isip ko. At hindi ko nakalimutan sa nakalipas na limang taon. Sa aking pagbabalik ibang Ryder na ang makikilala ni Nomi Vicosta. Bumalik ako hindi para bawiin si Nomi, kun'di para ipamukha sa pamilya nito ang ginawa nilang pambababoy sa pagkatao ko. Iikot ang kapalaran... at ang dating inaapi ay nasa tuktok na ng tagumpay. Nangako ako sa aking sarili na ang mga umapi, lumait at sumira sa aking buhay ay luluhod at magmamakaawa sa aking harapan... kasama na roon si Nomi Vicosta na dumurog sa aking puso. Magagawa ko pa bang patawarin ang babaeng naging dahilan kung bakit naging matigas ang aking puso?

Updated at

Read Preview
My Possessive Boss is My Husband (SSPG)

My Possessive Boss is My Husband (SSPG)

Reads

“Asawa na kita sa papel, sa kama at mananatili kang nakatali sa akin hanggang sa araw na hindi na kita kakailanganin, Shekaina.” Kumapit ako sa patalim, at nagpaangkin sa isang lalaki na hindi ko kilala para sa isang daang libong piso na pambayad sa operasyon ng aking ama. At karagdagang isang daang libong piso kapag pumayag ako sa gusto niya. Ang kasunduan namin ni Jaxton Arquilles maging pekeng asawa niya ako sa papel at sa kama. Upang may maipagyabang sa babaeng tunay nitong minamahal. Hanggang sa unti-unti kong nararamdaman na hindi lang katawan ang nag-iinit kun'di pati na rin ang aking puso. Akala ko matutunan niya akong mahalin ngunit nagkamali ako. Aasa pa ba ako sa pagmamahal ni Jaxton o ibabaon ko na lamang sa limot ang aking pag-ibig?

Updated at

Read Preview
Breaking The Badboy's Rule (R18 Tagalog)

Breaking The Badboy's Rule (R18 Tagalog)

Reads

Simple lang ang buhay ni Maxienian "Max" Santos. Isang simpleng dalaga na nangangarap na maging isang magaling na Pastry Chef. Ngunit nasira ang lahat ng iyon sa pagdating ni King Del Rio sa kaniyang buhay. Mula nang magkilala niya ito ay ginulo na nito ang buhay niya. At ang buong pagkatao niya ay naapektuhan dahil sa pagiging salbahe nito sa kaniya. Isang kasunduan ang tinanggap ni Max ang magpanggap na pekeng nobya ni King. Nang magipit siya at nangangailangan ng malaking pera. Inakala ni Max na hindi siya magkakagusto kay King ngunit nagkamali siya. Magkaiba ang kanilang mundo. Kapalaran kaya ang magpapabago nito o kapalaran din ang gagawa ng dahilan para sila ay magkalayo?

Updated at

Read Preview
Doc, I'm in Love

Doc, I'm in Love

Reads

Para kay Maria Carmella Isabella Love Celestine aka Love, si Doc Wise na ang pinakaguwapong doctor na nakilala niya. Ngunit ang binatang doctor ay inisnab ang taglay niyang kagandahan. At palagi nitong sinasabi sa kanya na... "Hinding-hindi kita kailanman magugustuhan dahil ang liit mo at mukha kang sakitin.” Ngunit isang araw biglang lilitaw si Wise sa kanyang harapan dahil sa isang kasunduan ng namayapa nilang mga magulang. Ang nakalagay sa dying last wish ay ibibigay lamang ang naiwang ari-arian sa kanila kung magpakasal silang dalawa. Isang kasunduan na nagpabago sa takbo ng buhay nilang dalawa. Ang akala ni Love, matutunan siyang mahalin ni Wise kapag naikasal na sila ngunit nagkamali siya dahil mas malamig pa ito sa yelo. Nagdesisyon si Love na kalimutan na lamang ang pag-ibig niya kay Doc Wise. Iniwan niya ang binata at pinirmahan ang annulment papers na ibinigay nito sa kanya. Sa tindi ng sakit na dinanas ng puso ni Love, nagbago ang lahat. Sa nakalipas na tatlong taon... ang dating doctor na kinababaliwan niya, hindi na niya gusto ngayon. At ang doctor na nagsabing hindi siya nito magugustuhan kahit kailan ay humahabol ngayon sa kanya. May second chance pa kaya? O tuluyang tutuldukan ni Love ang nakaraan nila ni Wise?

Updated at

Read Preview
Ang Astig na Nanny (R18)

Ang Astig na Nanny (R18)

Reads

Lumaking independent si XXX Agent Luna Hidalgo, mula nang mamatay ang kanyang ina noong anim na taong gulang pa lamang siya ay naging sunod-sunuran na lang siya utos ng kanyang ama. Ngunit may isang utos siyang hindi nagustuhan dito, ang arrange marriage niya sa lalaking hindi niya naman kilala. Kaya upang makaiwas sa kasal ay umalis siya sa tinitirahan niya upang matakasan ang plano ng kanyang ama. Naghanap siya ng ibang trabaho. At doon niya makikilala si Dean Moran, isang cold-hearted businessman. Dahil kailangan niya ng bahay na matitirihan ay tinanggap na ni Luna ang alok nito sa kanya. Hindi niya alam na ito pala ang lalaking nakatadhana niyang pakasalan. Paano kung malaman niyang pera lamang ng kanyang ama ang habol ni Dean dahil may matindi itong kinikimkim na galit sa kanyang ama. At plano lamang nitong pabagsakin ang buong angkan ng kanyang pamilya. Magagawa pa ba niyang mahalin ito? O matututo siyang paglaruan ang damdamin nito hanggang sa ito ang unang sumuko at matalo?

Updated at

Read Preview
The Revenge of the Innocent Ex-convict (SPG 18)

The Revenge of the Innocent Ex-convict (SPG 18)

Reads

Nakulong si Yana Romualdez ng anim na taon dahil sa kasong qualified theft na isinampa sa kanya ni Acer Sandoval. Isang maling paratang na kanyang pinagdusahan. Sa kanyang paglaya ay puno ng galit ang kanyang puso at matinding pagnanasa na makapaghiganti sa taong nagpakulong sa kanya. Ngunit sa isang insidente ay nakilala niya si Don Antonio na siyang nag-alok sa kanya ng isang trabaho.Ngunit paano kaya kung ang mabait na si Don Antonio ay siya pa lang Lolo ng taong nagpakulong sa kanya? Pipiliin pa ba niyang magbagong buhay at kalimutan ang nakaraan o nanaisin niyang makapaghiganti Kay Acer na sumira ng kanyang buhay?

Updated at

Read Preview
Game of Affection with The Billionaire (R18)

Game of Affection with The Billionaire (R18)

Reads

Seksi, maganda at nakakabighani, iyan si Syrene. Marami siyang mga nalolokong lalaki dahil na rin sa kanyang taglay na karisma. Ginagamit niya ang kanyang alindog para manloko ng mga lalaki upang magkaroon siya ng maraming pera. Hanggang sa makilala niya si Dylan, isang kaawa-awang binata na tinulungan niya sa gitna ng malakas na ulan. Isang binatang nagpanggap na mahirap. Itinago ang tunay na katauhan bilang isang secret agent at multi-billionaire businessman upang mapaikot siya at mapanagot sa kasalanang nagawa niya. Paano matatanggap ni Syrene na ang lalaking tinulungan niya ay ang apo ng huling taong naging biktima niya? Paano nga kaya makikipaglaro ang mga tadhana sa kanilang dalawa kung ang hangad ng isa't isa ay makapaghiganti? Uusbong ba ang tunay na pag-ibig o mas titindi lamang ang kanilang galit?

Updated at

Read Preview
Nakaw na Pag-ibig (R18)

Nakaw na Pag-ibig (R18)

Reads

“Mali bang mahalin ko ang asawa ng aking Tita Cora?” Ako si Shanta Martin, isang dise nuebe anyos na dalaga. At isang taon nang nakikitira sa aking Tita Cora sa probinsya. Hindi ko kagustuhan ang nangyari. Natutunan kong mahalin si Bernard, ang asawa ng aking Tita Cora. Mali ba? Mali bang makisalo ako sa kanilang dalawa? Kung bawal ang pag-ibig ko para sa kanya, pipiliin ko bang magkasala?

Updated at

Read Preview
The Shattered Wife (SPG 18)

The Shattered Wife (SPG 18)

Reads

Sa natuklasang bawal na relasyon ng kanyang kapatid na si Katarina at asawang si Lander. Nakagawa si Khara Santos ng isang malaking kasalanan. Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng isang estrangherong band vocalist na si Daimon Suarez. Upang kalimutan ang kataksilan ng kanyang asawa at kapatid sa kanya. Pinili ni Khara na sumama kay Daimon at itinago dito ang tungkol sa kanyang mapait na kapalaran. Ngunit mapaglaro ang tadhana dahil si Daimon ay kapatid ni Lander. At si Lander muling magbabalik upang guluhin ang tahimik na buhay niya. Ano ba ang mas matimbang para kay Khara? Ang lalaking una niyang minahal o ang lalaking labis na nagmamahal sa kanya?

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.