Playful Love
Share:

Playful Love

READING AGE 18+

KheiceeBlueWrites Romance

0 read

Lots Of Love Series #4: Playful Love

Wala sa bokabularyo ni Sydney Ortiz ang pagkakaroon ng boyfriend. Mas gugustuhin na lamang niya kasi ang magtrabaho para kumita ng pera kaysa sa makipag-date. Marami kasing iniwan na utang ang kanyang ama nang mamatay ito dahil sa malubhang sakit.

At kahit na bente dos anyos na siya ngayon ay hindi pa talaga siya nagkakainteres sa mga lalaki. Kahit ang pagkakaroon ng crush ay hindi niya magawang bigyan ng pansin. But not until he met George Vego.

Ayon sa binata ay nabihag niya ang puso nito. At kahit na ilang beses niyang tinanggihan ay pursigido pa rin ito na makuha ang matamis niyang oo. Unti-unti na sana nitong nakukuha ang atensyon at interes niya. Pero isang araw ay nagimbal na lamang siya nang malaman ang isang masamang balita. Natagpuan na lamang kasing walang buhay ang binata sa unit nito. At ayon sa mga pulis ay winakasan nito ang sariling buhay dahil na rin sa mga ebidensyang nagpapakita ng sanhi ng pagkamatay nito.

Nalungkot at nasaktan siya sa pagkawala ni George. Pero hindi niya alam na ang pagkawala ni George ang siyang maghahatid ng kakaibang gulo, saya, at sakit sa buhay niya.

Ethan Vego. 26 years old. Pinsang buo ni George. At ang nakatadhanang manakit sa puso ni Sydney.

Gagawin ang lahat ni Ethan para makuha ang puso ng dalaga, at sa huli ay wawasakin ito. Katulad nang kung paano nawasak ang puso ni George, at kung paanong nawasak ang puso niya dahil sa kanyang unang pag-ibig.

Magtagumpay naman kaya siya?

Paano kung ang inosenteng pag-ibig ng dalaga ang matagpuan niya?

Unfold

Tags: revengeindependentbravebossbxgmysterycitybetrayalcheatingcrime
Latest Updated
Epilogue

“Josh, nasaan ka na?! Magsisimula na ang public press conference ng 4SBLUE! Baka ma-late ako! Kapag na-late ako doon naku, sinasabi ko talaga sa iyo!” maingay na bungad sa akin ni Sissy mula sa kabilang linya.


“Kalma ka lang, okay? I’m on my way na,” walang buhay na tugon ko naman dito.


“Bilisan mo!” nagmamad……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.