KheiceeBlueWrites
Reads
Lots Of Love Series #5: Sweetest Love Nagmula si Yannie Ace Ruiz sa isang simple at payak na pamilya. Pangalawa siya sa limang magkakapatid. Wala sa bokabularyo niya ang pagkakaroon ng kasintahan, sapagkat abala siya sa kanyang pag-aaral ng mabuti, pag-aalaga ng mga kapatid, at pagtulong sa kanyang mga magulang. Bukod sa mga nabanggit ay abala rin siya sa pagiging fan girl ng 4SBLUE. Mahal na mahal niya ang nasabing banda at masayang-masaya siya sa tuwing napapanood ang mga ito. Kaya naman kuntento na siya at ayos lang sa kanya kung wala siyang nobyo 'di katulad ng kanyang mga kaibigan. But, not until he met Josh Rain Montez.Nakilala niya ang binata dahil sa naging online slash virtual friend niya na fan din ng 4SBLUE at iba pang mga kpop group. At mula nang ipagkatiwala niya ang puso niya rito ay nagbago na ang takbo ng kanyang buhay. Ang dating simple at payapa, ay nagkaroon na ng kakaibang gulo at saya. Malayong-malayo kasi ito sa inaasahan niya. Mayaman ang binata, nag-iisang anak, famous, habulin ng mga babae, gwapo, talented, sweet, at possessive pagdating sa kanya!Pakiramdam niya ay napakahaba ng kanyang buhok dahil patay na patay ito sa kanya. Na kahit hadlangan sila ng sibat o anomang bagyo ay nakahanda nitong ipaglaban ang pagmamahal para sa kanya.'Yong dating sa mga libro lang niya nababasa, o 'di kaya'y sa mga drama sa telebisyon lang niya napapanood, ay nangyayari ngayon sa kanya.Will their love wins overall?
Updated at
Reads
Lovely Girl Series 1: Her Reckless Love Isang sikat na modelo si Patrisha Cruz, ngunit limang taon siyang nawala sa mata ng publiko matapos niyang manganak sa ibang bansa. Pagbalik niya sa Pilipinas, pinilit siya ng kanyang mga magulang na tahimik na manirahan sa probinsya kasama ang kanyang anak at lolo. Mula roon ay makikilala niya si Archer Sebastian Tuazon. Ang tahimik, suplado, at misteryosong driver at bodyguard ng kanyang lolo. Habang ang lahat ng lalaki ay nahuhumaling sa kanyang kagandahan, si Archer ang nag-iisang lalaking tila hindi siya nakikita. Sanay si Patrisha na siya ang hinahabol. Kaya ginawa niyang misyon ang mapansin ni Archer. Magtagumpay naman kaya siya? Paano kung sa bawat pang-aakit niya ay siya naman ang unti-unting mahulog sa binata? Paano kung ang simpleng paghahangad na mapansin ay mauwi sa tunay na pag-ibig? Mapapaibig nga kaya niya ang lalaking hindi niya inaasahang muling magpapatibok sa kanyang puso?
Updated at
Reads
Billionaire Hearts Series 1: Billionaire's Wife for Revenge Nagdanas ng malalim na sakit si Athena nang malaman ang pagtataksil ng kanyang boyfriend at stepsister. Ibinigay niya ang buong pag-ibig niya sa lalaki at ang buong pag-unawa niya sa kanyang stepsister, ngunit sinaktan pa rin siya ng mga ito. Dahil doon ay lumapit siya kay Euwenn, na gusto ng kanyang stepsister na pakasalan. Si Euwenn Cervantes ay apo ng founder ng Prime Global. Matalino, guwapo, at kilala bilang matagumpay na batang negosyante. Nais ni Athena na pumasok sa isang kontrata para pakasalan si Euwenn, at buong kasiyahan naman itong tinanggap ni Euwenn. Ngunit nais ng lalaki na ang kontrata ay maging isang tunay na kasal.
Updated at
Reads
Tutol si Ashleigh sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya mahal. Nais niyang maranasan mismo ng puso niya ang umibig ng totoo, kaya naman isang araw ay nagpasya siyang takasan ang kanyang ama at iwan ang magandang buhay sa siyudad. Naisip niyang magtago at lumayo upang hanapin ang kanyang tunay na pag-ibig na maipagmamalaki niya balang araw sa kanyang ama. Tumungo siya sa isang malayong probinsya, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ay may taong nais na mawala talaga siya dahil sa kayamanang taglay nila. Mangyayari ang isang trahedya na siyang babago sa buhay niya. Magigising na lamang siya sa pangangalaga ng isang binatang agad na nagpatibok sa puso niya. Kung kaya't magpapanggap siyang nawalan ng alaala upang manatili sa piling ng binata. Ngunit paano kung may matuklasan siyang lihim sa lalaking piniling ibigin ng puso niya? Magiging mapangahas pa rin ba siya kung malaman niyang... kapatid niya ang lalaking iniibig niya?
Updated at
Reads
THIS BOOK IS SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE Amazing Love Series #1: Spark of Hope “No matter what you've done in your past, God can redeem you.” --- Mula sa pagkabata ay puro karahasan na lamang ang sinapit ni Kyrielle sa kamay ng kanyang mga magulang. Ngunit ang inakala niyang walang katapusang paghihirap ay mapapalitan ng kakaibang saya nang siya ay matutong magmahal at magtiwala. Pero tila nga ba lahat ng bagay ay may katapusan. Dahil panandaliang saya lamang ang kanyang naranasan sa piling ng lalaking kanyang piniling mahalin at pagkatiwalaan. Muli siyang makakaranas ng hirap at sakit at tuluyan na siyang mawawalan ng pag-asa sa buhay. Tila ba taksil sa kanya ang Diyos dahil siya ang paborito Nitong pahirapan. Wala na siyang nakikita pang pag-asa para maging masaya at makalaya sa karahasan ng mundo. Not until he met someone, na siyang magmamahal at magtuturo sa kanya na magtiwala sa Diyos na matagal na niyang tinalikuran. Sa pangalawang pagkakataon, magtitiwala kaya siyang muli? O habang buhay na siyang magpapaalipin sa karahasan?
Updated at
Reads
"Not every time we fall in love means Happily Ever After, because most of the time... it is just Once Upon A Time..." One-Shot Compilation written all by KheiceeBlueWrites
Updated at
Reads
Dear EX, Marami sana akong gustong maranasan, na ikaw ang kasama.
Updated at
Reads
Si Myrtle Grace Nievez ang tinaguriang campus nerd ng Prime High Academy. Tahimik at seryoso sa pag-aaral, na may lihim na pagtingin kay Calix John Villanueva, ang sikat na campus crush ng kanilang paaralan. Nang matuklasan ito ng matalik niyang kaibigang si Vernice Santiago, ang campus princess, nagpasya itong tulungan siyang makuha ang atensyon ni Calix. Ngunit sa halip na pag-ibig, isang misyon ang naghihintay kay Myrtle—ang tulungang makapasa sa pag-aaral si Ridge Janus Mackzon, ang campus heartbreaker na kilala sa pagiging babaero at bully, lalo na sa kanya. Paano niya magagampanan ang misyon kung hindi lamang ang tahimik niyang buhay ang ginugulo nito, kundi maging ang payapang pagtibok ng kanyang puso? At paano kung bukod sa pag-aaral ay maturuan niya rin itong magmahal nang totoo? May pag-asa nga kaya talaga ang isang tulad niya… na mahalin ng isang tulad nito?
Updated at
Reads
Lots Of Love Series #4: Playful Love Wala sa bokabularyo ni Sydney Ortiz ang pagkakaroon ng boyfriend. Mas gugustuhin na lamang niya kasi ang magtrabaho para kumita ng pera kaysa sa makipag-date. Marami kasing iniwan na utang ang kanyang ama nang mamatay ito dahil sa malubhang sakit. At kahit na bente dos anyos na siya ngayon ay hindi pa talaga siya nagkakainteres sa mga lalaki. Kahit ang pagkakaroon ng crush ay hindi niya magawang bigyan ng pansin. But not until he met George Vego. Ayon sa binata ay nabihag niya ang puso nito. At kahit na ilang beses niyang tinanggihan ay pursigido pa rin ito na makuha ang matamis niyang oo. Unti-unti na sana nitong nakukuha ang atensyon at interes niya. Pero isang araw ay nagimbal na lamang siya nang malaman ang isang masamang balita. Natagpuan na lamang kasing walang buhay ang binata sa unit nito. At ayon sa mga pulis ay winakasan nito ang sariling buhay dahil na rin sa mga ebidensyang nagpapakita ng sanhi ng pagkamatay nito. Nalungkot at nasaktan siya sa pagkawala ni George. Pero hindi niya alam na ang pagkawala ni George ang siyang maghahatid ng kakaibang gulo, saya, at sakit sa buhay niya. Ethan Vego. 26 years old. Pinsang buo ni George. At ang nakatadhanang manakit sa puso ni Sydney. Gagawin ang lahat ni Ethan para makuha ang puso ng dalaga, at sa huli ay wawasakin ito. Katulad nang kung paano nawasak ang puso ni George, at kung paanong nawasak ang puso niya dahil sa kanyang unang pag-ibig. Magtagumpay naman kaya siya? Paano kung ang inosenteng pag-ibig ng dalaga ang matagpuan niya?
Updated at
Reads
Lots Of Love Series #1: Unexpected Love Nasaktan si Lian nang iwanan siya ng kanyang first boyfriend. Nang mga panahon na iyon, tanging musika lamang ang nakatulong sa kanya para ma-express ang kanyang nararamdaman. Dahil din dito ay naituon niya ang kanyang atensyon sa isang sikat na rock band from South Korea. Marahil ay dahil na rin sa mga magagandang musika ng nasabing banda, ay naging magaan ang loob niya sa grupong ito. Sa labis na paghanga niya sa mga ito ay nagawa niyang puntahan ang mga ito sa Korea upang manood ng CONCERT. Mula sa pagiging isang simpleng tagahanga, paano siya mapapalapit sa mga iniidolo? Paano niya mababago ang mga buhay nito? At paano niya matuturuan ang lider ng grupo na magmahal at magtiwalang muli? Kung siya rin naman ay takot nang magmahal.
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.