The Billionaire's First Love (My Billionaire Husband Series)
Share:

The Billionaire's First Love (My Billionaire Husband Series)

READING AGE 16+

Leah Rebekah Romance

0 read

Czerinne Khrysstyna Gonzales Del Valle is a certified manhater. Para sa kanya ang lahat ng lalaki ay walang gagawing mabuti.
Ang tunay niyang ama ay iniwan silang magkakapatid noong maliit pa sila. Ang stepfather naman nila tinatrato sila na para bang walang kuwentang tao.
Ang napangasawa ng panganay niyang ate ay nambubogbog ng babae. Kaya kahit maraming nanliligaw kay Khrysstyna ay wala siyang sinagot kahit isa.
Isang araw biglang nakipagtanan ang pangalawa niyang ate upang takasan ang kasal nito sa anak ng amo ng stepfather nila. Napilitan si Khrysstyna na akuin ang responsibilidad ng kapatid para hindi ang bunso nila ang sapilitang ipakasal ng kanilang stepfather.
Nang makaharap niya ang lalaking ipapakasal sa kanya ay inalok niya rito ang sarili niyang katawan upang umurong sa kasal. Ayaw pumayag ni Edrian Mark, ang tagapagmana ng hotel magnate na si Don Edgardo De Castro. Katwiran nito makukuha rin naman daw nito ang puri niya kapag ikinasal sila.
Ngunit nang magkasama niya si Edmark ay iba ang ipinakita nito. Ginagabi ito sa pag-uwi. Hindi rin siya nito kinakausap o kinikibo. Kahit yata maghubad siya sa harapan nito ay hindi siya papansinin ng loko.
Makalipas ang isang buwan ay nagpunta ng Amerika si Edmark. Pagbalik nito ay bigla na lang itong bumait. Hatid-sundo siya nito sa kanyang trabaho. Tinatawagan din siya para lang kumustahin kung kumain na ba siya. Ipinagluluto pa siya nito. Pinagbabawalan din siyang magsuot ng maiikli at seksing damit. Unti-unti nitong tinitibag ang maling paniniwala niya sa mga lalaki.
Ngayon ay nanganganib hindi lang ang kanyang puri kundi pati ang puso niya. Panahon na ba para itapon niya sa hangin ang pagiging manhater niya?


Unfold

Tags: billionairepossessivearranged marriagebxgfirst love
Latest Updated
Epilogue

“O, AYAN, okay na. Puwede mo nang tingnan ang sarili mo sa salamin,” sabi ni Lian kay Khrysstyna pagkatapos siya nitong tulungang maisuot ang kanyang wedding gown na ito mismo ang tumahi. Asawa ito ni Melvin, isa sa mga kaibigan ni Edrian.

Sobrang ikli ang preparation nila. Kaya naman pinagalaw talaga ng mga magulang ni Edrian ang pera……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.