The Mafia Boss' Virgin Stepmother (R-18)
Share:

The Mafia Boss' Virgin Stepmother (R-18)

READING AGE 18+

Leah Rebekah Romance

0 read

-#Tagalog Writing Contest-My Dangerous Lovers
#SummerUpdateProgram
Para hindi tuluyang mawala ang iniwang bahay at lupa ng kanyang mga magulang, napilitang pumayag si Stella na magpakasal kay Mr. Ramil Callanta na presidente ng United Bank kung saan nakasanla ang mga ari-arian na minana nila ng Ate Lyla niya. Halos tatlong dekada ang agawat nila ng matandang biyudo. Forty-eight na ito samantalang eighteen lang siya.
Wala naman siyang gaanong naging problema sa piling ng napangasawa niya dahil mabait naman si Ramil. Ibinibigay din nito ang lahat ng pangangailangan niya mula sa pera, alahas, damit, at lahat ng luho. Hindi rin siya nito pinipilit na makipagtalik dahil bata pa raw siya. Kaya hanggang halik sa noo, ulo, at kamay lang ang ginagawa nito sa kanya.
Akala niya ay wala na siyang magiging problema pa. Ngunit makalipas lang ang mahigit isang buwan, biglang dumating si Rodel, ang kaisa-isang anak ni Ramil.
Nakapagtatakang hindi naman galit si Rodel sa kanya. Magiliw pa nga ito sa kanya at tinatawag pa siyang mommy. Pero sa paglipas ng mga araw, wala itong ginawa kung hindi ang akitin siya sa disimuladong paraan. Kahit anong iwas ang gawin niya tukso naman laging lumalapit sa kanya ang binata na mas matanda pa sa kanya ng pitong taon.
Pilit niyang pinipigilan ang sarili ngunit sadya yatang makapangyarihan ang laman. Minsan nalasing siya nang mag-birthday si Ramil, nagising na lang siyang hubo't hubad sa ibang kama at kasama pa si Rodel.
Wala pa namang nangyayari sa kanila maliban sa halik ngunit nang yakapin sa ni Rodel ay nag-init ang buo niyang katawan dahil sa pagkakadikit ng kanilang mga hubad na katawan. Nang damhin nito ang kanyang buong katawan ay bumagsak lahat ng depensa niya sa katawan. Kusa niyang ipinagkaloob ang kanyang puri na iniingatan. Dito na nagsimula ang lihim nilang relasyon.
Habang tumatagal unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Stella kay Rodel. Pero natatakot siya kung saan hahantong ang kanilang bawal na relasyon. Paano kapag nalaman iyon ni Ramil? Ipagtatanggol kaya siya ni Rodel? O hahayaan lang na mag-isang magdusa? Saan siya pupulutin kapag nabunyag ang lihim nilang relasyon?

Unfold

Tags: billionaireforbiddenHEpowerfulheir/heiressdramabxg
Latest Updated
FLA 3: Finale

“WHERE ARE you going?” magkasalubong ang kilay na tanong ng papa ni Archie. Naabutan niya kasi kami sa sala na magkatabing nakaupo habang nakatayo sa gilid ang mga maleta naming mag-asawa. Inakbayan ako ni Archie habang ang isa niyang kamay ay pinisil ang kanang palad ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nanlalamig ang mga kamay ko kanina pa. ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.