The Bride of the CEO (My Billionaire Husband Series)
Share:

The Bride of the CEO (My Billionaire Husband Series)

READING AGE 16+

Leah Rebekah Romance

0 read

Kilala ang sikat na ramp model na si Hershelle Daze Gonzales bilang playgirl dahil iba-iba ang lalaking kasama nito sa tuwing humaharap sa press. Ngunit ang hindi nila alam ay front lang iyon ng dalaga. Ang totoo ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang lalaking una niyang minahal na sinaktan siya.
Nang bumalik siya sa Pilipinas para magbakasyon ay masamang balita ang sumalubong sa kanya. Si Edrian Mark De Castro II, ang lalaking pinakaayaw niyang makita ay muling niyang nakaharap. Ang masaklap pa nito ay ipinagkasundo silang dalawa para magpakasal.
Gustuhin man ni Hershelle na umurong sa kasal ngunit hindi niya magawa dahil nanaig ang pagmamahal niya sa kanyang ama. Pikit-mata siyang pumayag na maikasal sa lalaking kinaiinisan niya para lang matulungan ang kanyang ama sa problema nito.
May pag-asa pa ba na maghilom ang sugat sa puso niya? Makakaya ba niyang pakisamahan ang lalaking ito nang hindi siya nasasaktan? O susuko na lang siya at hayaan ang ama na sarilinin ang problema nito?
Gulong-gulo ang isip niya. Pero isa lang ang sigurado. Kapag hindi na niya kaya, baka sumuko rin siya. Bahala na kung anong pwedeng mangyari.

Unfold

Tags: billionairesecond chancearranged marriageplayboydramabxgcampuscityfirst lovemodel
Latest Updated
Special Chapter 2

KANINA pa palakad-lakad si Edmark sa kanilang kuwarto. Mag-aalas-siyete na ng umaga pero hindi pa rin nagigisng si Hershelle. Hindi naman niya ito pinuyat kagabi. Katunayan naka-dalawang round nga lang sila. Kaya alas-onse pa lang tulog na silang mag-asawa.

Maaga naman siyang nagising kanina. Pero hindi niya magawa ang gusto niyang gawi……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.