The Billionaire's Game of Love (My Billionaire Husband Series 5)
READING AGE 18+
Nagkagusto na agad si Elaine kay Enzo noong una pa lang niyang makita ang binata. Ngunit sa kasamaang-palad ang pinsan niyang si Regine ang nagustuhan ni Enzo at niligawan. Naging nobya nito ang pinsan niya.
Sa sama ng loob niya, tumanggap din siya ng manliligaw. Nakahanap naman siya ng lalaking magmamahal sa kanya ngunit sadya yatang hindi maganda ang kapalaran nya sa pag-ibig. Isang linggo bago ang kasal nila ni Lyndon nahuli niyang nakikipagtalik ito sa dating nobya.
Nakipag-break siya rito at bigla na lang nagdesisyon na magbakasyon sa Pilipinas. Sinundan naman siya ng boyfriend at ginawa pang hostage ang kababata niyang si Bettina para lang balikan niya ito. Mabuti na lang dumating si Enzo at iniligtas sila nito.
Bilang pagtanaw ng utang na loob nagkipagkasundo ang mga magulang niya sa magulang ni Enzo na ipakasal silang dalawa.
Matutuwa na sana si Elaine dahil matutupad na rin ang pangarap niyang mapangasawa ang lalaking totoong minamahal niya. Ngunit nalaman niyang katawan lang niya at anak ang habol ni Enzo sa kanya.
May pag-asa pa kayang mahalin siya ni Enzo o hanggang pangarap na lang iyon? Paano ba niya mapupunan sa puso nito ang puwang na iniwan ng pinsan niyang si Regine?
Unfold
"ENZO! Enzo!"
Napapitlag si Enzo nang marinig ang malakas na tinig ni Elaine. Nasa balcony siya at katatapos lang ng pag-uusap nila ni Fiel kaya nagmamadaling ibinulsa niya ang hawak na cellphone saka mabilis na bumalik sa loob ng kuwarto. Nadatnan niya ang asawa na palakad-lakad sa tabi ng kanilang kama.
"Hey! Nakabalik ka na……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……