Marrying Mr. Wrong (My Billionaire Husband Series 8)
READING AGE 18+
PART 1
Sa awa at pagmamahal ni Dani sa kanyang Ate Kara, tinulungan niya itong makatakas sa kasal nito kay Chris. Tapos nagpanggap ang dalaga na siya ang ate niya sa araw mismo ng kasal ng dalawa. Nang malaman ito ni Chris, binantaan siya nitong gagawing impiyerno ang buhay niya. Natakot man si Dani sa banta ng binata sa kanya, pinanindigan pa rin niya ang pagpapanggap. Natuloy ang kasal nila ni Chris. Ngunit katulad nang ipinangako nito, naging impiyerno ang buhay niya sa piling nito. Hindi asawa ang turing nito sa kanya, kung hindi isang alila. Tiniis niya ang lahat dahil mahal niya si Chris noon pa man. Pero nang mahuli niya ang asawa na may kasiping na ibang babae, bigla siyang natauhan. Nagpasya siyang umalis at nagpakalayo-layo. Ngunit hindi nagtagal nalaman niyang buntis siya. Natuwa siya dahil kahit paano may alaalang maiiwan sa kanya si Chris kahit hindi siya nito minahal.
Lumipas ang limang taon, nagkrus ang landas nila ng dati niyang asawa. May-ari pala ito ng pabrikang pinapasukan niya. Nagpanggap siyang hindi niya ito kilala dahil sa takot na parusahan siya nito at bawiin ang anak nila sa kanya. Pero makulit ang dati niyang asawa at sinusuyo pa siya nito. Hindi niya tuloy alam ang gagawin niya. Aaminin ba niya ang totoo? O gagamitin niya ang pagkakataong ito para gumanti sa lahat ng kasalanan nito sa kanya noon?
PART 2
Bata pa lang si Steph, very vocal na siya sa pagsasabing crush niya si Josh, ang nag-iisang anak ng bestfriend at business partner ng papa niya. Tinatawanan lang naman siya ng binata lalo na at ang layo ng gap nila. Sampung taon ang tanda nito sa kanya.
Nang tumuntong si Steph ng eighteen, laking tuwa niya dahil nagkasundo ang mga magulang nila na ni Josh na ipakasal sila sa isa't isa. Akala niya magkakaroon na siya ng happily ever after na lovelife ngunit noong araw ng kasal nila, walang dumating na Josh. Tinakasan siya nito nang wala man lang pasabi. Kahit ang sarili nitong magulang, hindi alam kung saan ito nagpunta. Sa galit niya, isinumpa niya ito at ang pesteng pag-ibig.
Makalipas ang pitong taon, muling nagkita sina Steph at Josh. Si Steph naman ngayon ang hinahabol ni Josh. Pero walang balak magpahabol ang dalaga. Mas gugustuhin na raw niyang maging single kaysa patulan pa ang binatang minsan nang nang-iwan sa kanya.
Mapapanindigan kaya ni Steph ang binitiwan niyang salita? Ano ang dapat gawin ni Josh para makuha ang puso ng dalaga?
Unfold
“DOKTORA, hindi pa po kayo uuwi?”
Napapitlag si Steph nang marinig ang tinig ng kanyang nurse. Napatitig siya rito. Nakasukbit na ang backpack nito at mukhang nakahanda nang umuwi.
“Sige, mauna ka na. Mag-aayos na rin ako ng mga gamit ko,” pilit ang ngiting wika niya.
Dapat sana ay makaramdam siya ng pagod dahil magmula ……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……