Spy Turn to Love the Target
READING AGE 18+
Isang assassin, isang billionaire, at isang mission na puno ng kasinungalingan.
Si Eva Garcia ay isang secret agent na walang kinatatakutang misyon, kahit gaano ito kadelikado, basta may target, tatapusin niya ang trabaho.
Hanggang sa dumating si Zane Villanueva, isang billionaire at CEO ng Villanueva Holdings, na ipinag utos sa kanya na patayin.
Walang personal na dahilan para magdalawang isip si Eva, hanggang sa mismong gabing dapat niyang tapusin ang mission, may isang tawag na nagpabago sa lahat.
"Eva, huwag mong patayin si Zane."
Natigilan siya.
Hindi si Zane ang tunay na target.
May nagmanipula sa mission file niya, at ang totoong pangalan sa orihinal na file ay isang taong malapit sa pamilya Villanueva.
Ngayon, hindi na lang buhay ni Zane ang nakataya, pati ang buhay ni Eva ay nasa panganib.
Habang sinusubukan nilang tuklasin kung sino ang tunay na nasa likod ng lahat, unti unting lumalabas ang mga lihim, pagtataksil, at mga taong handang pumatay para manatiling nakatago ang katotohanan.
Pero may isang bagay na hindi kasama sa plano ni Eva.
Ang mahulog sa lalaking dapat niyang patayin.
At nang malaman ni Zane na ang babaeng nasa tabi niya ay hindi isang ordinaryong babae, magsisimula ang isang laro kung saan walang sinuman ang ligtas.
Dahil sa mundong puno ng assassin, lihim, at pagtataksil, minsan ang pinakamapanganib na tao ay hindi ang taong may hawak ng baril.
Kundi ang taong natutunan mong mahalin kahit alam mong maaari ka niyang patayin.
Unfold
Hindi agad nakasagot si Eva nang tanungin siya ni Zane kung sino talaga siya. Ilang segundo siyang nakatayo sa harap nito habang hawak pa rin ang kanyang weapon. Alam niyang kailangan niyang makaisip ng dahilan bago tuluyang mawala ang tiwala sa kanya ni Zane. Hindi niya maaaring sabihin ang totoo dahil kapag nalaman nitong isa siyang assassin a……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……