331
VISITORS
9

ABOUT ME

hi

ABOUT ME

hi
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Ysabella

The Cursed

The Cursed

Reads

Madison Vane has everything a girl could ask for. She's beautiful, talented, popular, at halos lahat sa school ay kilala siya bilang the star of the school. Sanay na siyang nasa spotlight at sanay na rin siyang may mga taong humahanga sa kanya. Pero isang araw, biglang nagbago ang lahat nang may isang lumang silver pendant na makita sa ibabaw ng desk niya.Hindi niya alam kung kanino iyon at kung paano iyon napunta roon. Para kay Madison, isa lang iyong ordinaryong pendant na baka naiwan ng ibang student. Pero nang makita iyon ni Jonathan Asterfield, bigla itong nagbago ng expression at tila nakilala agad ang simbolong nakaukit dito."Where did you get that?"Simple lang sana ang tanong, pero iba ang bigat ng boses ni Jonathan. At nang sabihin nitong pagmamay-ari ng isang babaeng namatay twenty years ago ang pendant, hindi na alam ni Madison kung ano ang dapat niyang paniwalaan.Simula noon, sunod-sunod na ang mga kakaibang nangyayari sa paligid niya. May mga boses siyang naririnig kahit wala namang tao, may isang mysterious woman na paulit-ulit niyang napapanaginipan, at may mga bagay siyang nadidiskubre na tila konektado sa isang past na wala siyang maalala.Then Lucas suddenly appears.Hindi nito ipinaliwanag kung paano niya nalaman ang tungkol sa pendant. Ang tanging sinabi niya kay Madison ay isang warning na lalo lamang nagpalala sa kanyang curiosity."Stop looking for the truth."Pero paano siya titigil kung bawat clue ay mas lalo lang naglalapit sa kanya sa isang lihim na matagal nang itinago?Mas lalong gumulo ang lahat nang pati sina Kiara, Victoria, at Celestine ay magsimulang magkaroon ng koneksyon sa mga kakaibang pangyayari. Tatlong babaeng matagal nang ginagawa ang lahat para sirain ang buhay ni Madison, pero ngayon, parang may sarili rin silang tinatagong sikreto.Someone knows the truth.Someone is watching Madison.At habang patuloy niyang hinahanap ang sagot, unti-unti niyang mararamdaman na parang hindi lang siya basta nadamay sa isang lumang curse.May dahilan kung bakit napunta sa kanya ang pendant.May dahilan kung bakit siya ang nakikita sa mga panaginip.At may dahilan kung bakit tila matagal nang naghihintay ang curse na bumalik siya.Because maybe the curse isn't following Madison.Maybe it has been waiting for her all along.

Updated at

Read Preview
THE REVENGE

THE REVENGE

Reads

Mula sa putik, luha, at kawalan ng katarungan, isisilang ang isang bangungot na magpapabagsak sa mga naghari-harian sa karumal-dumal na pagpatay sa kanyang buhay Si Malia Agustin ay hindi na ang batang yagit na binabato ng balat ng saging at walang labang umiiyak sa gilid ng palengke. Labinlimang taon siyang nag-abang, nagtago sa likod ng perpektong mukha ng isang reyna sa elite academy, at nagpakabihasa sa dilim ng mga underground training facility binubuo ang sarili gamit ang bakal, pulbura, at matinding poot.Sa mundong pinamumunuan ng mga sakim at mayayaman, ang mga Montecillo na pumatay sa kanyang mga magulang ay nag-aakalang ligtas na sila sa kanilang mga marangyang mansyon. Ngunit hindi nila alam na ang inakala nilang mahinang batang kinuhaan ng magulang sa sagingan ay bumabalik ngayon bilang isang mapanganib na mandaragit. Taglay ang kapangyarihan ng Agustin Empire, isang baril sa kanyang beywang, at isang pusong kasinglamig ng yelo, sisimulan na ni Malia ang kanyang madugong paghihiganti.Walang pamilya, walang awa, at walang patawad sa larong ito, ang nag-iisang tagapagmana ng poot ay sisiguraduhing ang bawat patak ng dugong dumanak sa bukid noon ay sisingilin nya ng libu-libong buhay ngayon.

Updated at

Read Preview
Spy Turn to Love the Target

Spy Turn to Love the Target

Reads

Isang assassin, isang billionaire, at isang mission na puno ng kasinungalingan. Si Eva Garcia ay isang secret agent na walang kinatatakutang misyon, kahit gaano ito kadelikado, basta may target, tatapusin niya ang trabaho. Hanggang sa dumating si Zane Villanueva, isang billionaire at CEO ng Villanueva Holdings, na ipinag utos sa kanya na patayin. Walang personal na dahilan para magdalawang isip si Eva, hanggang sa mismong gabing dapat niyang tapusin ang mission, may isang tawag na nagpabago sa lahat. "Eva, huwag mong patayin si Zane." Natigilan siya. Hindi si Zane ang tunay na target. May nagmanipula sa mission file niya, at ang totoong pangalan sa orihinal na file ay isang taong malapit sa pamilya Villanueva. Ngayon, hindi na lang buhay ni Zane ang nakataya, pati ang buhay ni Eva ay nasa panganib. Habang sinusubukan nilang tuklasin kung sino ang tunay na nasa likod ng lahat, unti unting lumalabas ang mga lihim, pagtataksil, at mga taong handang pumatay para manatiling nakatago ang katotohanan. Pero may isang bagay na hindi kasama sa plano ni Eva. Ang mahulog sa lalaking dapat niyang patayin. At nang malaman ni Zane na ang babaeng nasa tabi niya ay hindi isang ordinaryong babae, magsisimula ang isang laro kung saan walang sinuman ang ligtas. Dahil sa mundong puno ng assassin, lihim, at pagtataksil, minsan ang pinakamapanganib na tao ay hindi ang taong may hawak ng baril. Kundi ang taong natutunan mong mahalin kahit alam mong maaari ka niyang patayin.

Updated at

Read Preview
I slept the wrong Fiancee

I slept the wrong Fiancee

Reads

Apat na taon kong inalagaan ang relasyon namin. Apat na taon akong nagtiis sa mga sigaw niya, sa mga tampuhan, at sa mga araw na ako ang gumagawa ng paraan para maayos ang lahat.Manager ako sa isang malaking shopping mall sa amin. Hindi milyonaryo ang sweldo ko, pero sapat para mabuhay nang maayos. Hindi ako sanay sa mamahaling bagay. Kapag may gusto ako, pinag-iipunan ko.Si Robert naman, madalas walang trabaho.Kapag may nahanap siyang trabaho, ilang linggo lang at aalis na siya. Minsan sinasabi niyang maliit ang sahod. Minsan naman ayaw niya raw ang boss niya.Pero kahit ganoon, mahal ko siya.Kahit ilang beses niya akong sigawan.Kahit minsan pakiramdam ko ako lang ang kumakapit sa relasyon namin.

Updated at

Read Preview
The Lost Hier of the Canvas

The Lost Hier of the Canvas

Reads

Taglay ni Katrina ang pambihirang kagandahan at kabutihan ng puso. Minahal siya ng mga madre at ng lahat ng batang kasama niya sa ampunan. Para sa kanila, si Katrina ang kanilang ate laging handang umalalay, magbigay ng lakas ng loob at mag-alaga sa mga mas bata.Sa murang edad, natuklasan niya ang kanyang kakaibang talento sa pagpipinta at pagguhit. Tuwing dapit-hapon lagi siyang nakaupo sa tabing-dagat habang ipinipinta ang kanyang mga pangarap. Sa bawat obra, iisa ang laman ng kanyang puso ang pag-asang balang araw ay makikita rin niya ang kanyang tunay na mga magulang.

Updated at

Read Preview
UNSPOKEN

UNSPOKEN

Reads

Umalis si Ana sa gusali ng Reyes Holdings na mabigat ang serye ng bawat hakbang. Ang init ng sikat ng araw sa labas ay salungat sa panlalamig na nararamdaman niya sa kanyang buong katawan. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at doon, sa loob ng katahimikan ng apat na sulok ng kotse, hinayaan niyang bumagsak ang kanyang mga balikat. Napasandal siya sa manibela at pumikit nang mariin.‎*Limang taon.*‎Limang taon niyang sinubukang itayo muli ang kanyang sarili mula sa pagkakadurog. Pumunta siya sa Cebu, doon nagtrabaho, nabaon sa puyat, at pilit na kinalimutan ang Maynila. Akala niya, kapag bumalik siya, manhid na siya. Akala niya, kapag nakita niya si Jonas na may suot na singsing sa kaliwang kamay, magagawa na niyang ngumiti nang walang sakit. Ngunit ang boses ni Jonas kanina—ang gumaralgal na boses na nagtatanong kung bakit siya umalis—ay sapat na para basagin ang pader na limang taon niyang itinayo.‎"Hindi ka pwedeng maging mahina, Ana," bulong niya sa sarili habang nakatingin sa rear-view mirror. Inayos niya ang kanyang nagulong buhok. "Nandito ka para sa career mo. Para sa kumpanya mo. Tapos na ang nakaraan."‎Pinaandar niya ang sasakyan patungo sa isang mamahaling boutique. Kung pupunta siya sa party ng mga Reyes, hindi siya pwedeng magmukhang talunan. Kailangan niyang isuot ang kanyang pinakamatatag na baluti.‎Habang si Ana ay naghahanda, ang kapaligiran naman sa loob ng mansyon ng mga Reyes sa Forbes Park ay abala. Ang malawak na garden ay pinaliligiran na ng mga mamahaling kurtina, mga lamesang nababalutan ng puting lino, at mga kristal na chandelier na nakasabit sa mga temporaryong istruktura.‎Sa master’s bedroom, nakatayo si Jonas sa harap ng malaking salamin habang isinusuot ang kanyang itim na tuxedo. Ang kanyang isip ay lumilipad. Naalala niya ang mukha ni Ana kanina sa boardroom. Mas tumapang ito, mas gumanda, ngunit may lungkot sa mga mata na hindi kayang itago ng kahit anong make-up.‎"You look sharp, Jonas," wika ni Catherine habang papasok sa kwarto, suot ang isang emerald green na gown na hapit sa kanyang katawan. Kulay na sumisimbolo sa yaman at kapangyarihan. Lumapit siya kay Jonas at inayos ang bowtie nito. "Gusto kong maging perpekto ang gabing ito. Hindi lang ito para kay Celine. Maraming investors ang darating."‎"Alam ko," tipid na sagot ni Jonas. Hindi siya tumitingin sa mga mata ng asawa sa salamin.‎"Jonas, may itatanong ako," biglang pagbabago ng tono ni Catherine. Naging mas mabagal, mas mapanuri. "Noong nag-present si Ms. Miranda kanina... tila napaka-pamilyar mo sa gawa niya. At napansin ko, parang matagal mo na siyang kilala. Tama ba ako?"‎Napatigil ang kamay ni Jonas sa pag-aayos ng kanyang relo. Pinilit niyang panatilihing patag ang kanyang boses. "Sikat ang agency niya sa Cebu bago siya lumipat dito sa Manila, Catherine. Natural lang na pinag-aralan ko ang portfolio niya bago natin sila kunin."‎"I see..." Ngumiti si Catherine, isang ngiti na hindi umabot sa kanyang mga mata. "Akala ko kasi, nagkasalubong na kayo noon. Alam mo naman, maliit lang ang mundo ng mga arkitekto at marketing directors."‎Bago pa makasagot si Jonas, may kumatok sa pinto. Pumasok si Celine, mukhang manika sa kanyang powder blue na cocktail dress. "Ate, Kuya! Nandiyan na ang mga unang bisita. Si Papa hinahanap na kayo sa baba."‎"Susunod na kami, Celine," sagot ni Catherine. Tumingin siya muli kay Jonas, hinaplos ang kanyang dibdib, at bumulong, "Let's go, Hubby. Show them the perfect couple that we are."‎Alas-walo ng gabi nang dumating si Ana sa mansyon. Bumaba siya sa kanyang sasakyan, suot ang isang simpleng gabi na kulay midnight blue—walang labis na palamuti ngunit lumabas ang kanyang natural na ganda at sopistikasyon. Hawak niya ang kanyang clutch bag habang naglalakad papasok sa nagniningning na garden ng mga Reyes.‎"Ms. Ana Miranda! Over here!" masayang kaway ni Celine nang makita siya.‎Lumapit si Ana habang may pilit na ngiti. Agad siyang sinalubong ni Celine at hinawakan sa braso, tila ba matagal na silang magkaibigan. "I’m so glad you made it! Akala ko tatanggihan mo si Ate Catherine."‎"Hindi ko pwedeng tanggihan ang pamilya Reyes, Celine. Malaking bagay ang tiwalang ibinigay ninyo sa agency ko," sagot ni Ana.‎"Naku, formal mo naman! Saka nga pala, gusto kitang ipakilala kay Papa," hila ni Celine sa kanya patungo sa isang grupo ng mga mayayamang negosyante. Sa gitna ng grupo ay nakatayo si Don Augusto Reyes, ang ama nina Catherine at Celine, kasama sina Jonas at Catherine.‎Nang mapansin ng grupo ang kanilang paglapit, huminto ang usapan.‎"Papa, si Ana pala. Ang may-ari ng Miranda Creative Solutions, ang humahawak ng bagong project natin," pakilala ni Celine.‎Tumingin si Don Augusto kay Ana, may matalas na pagsusuri ngunit tumango bilang paggalang. "Ah, ang sikat na strategist mula sa timog. Maganda ang mga narinig ko tungkol sa proposal mo, Ms. Miranda. Siguraduhin mo lang na hindi mo kami bibiguin."‎"Makakaasa po kayo, Don Augusto. Ibubuhos ng team ko ang lahat ng makakaya na

Updated at

Read Preview
Sleep me Once Bodyguard

Sleep me Once Bodyguard

Reads

Mabigat ang ginto pero mas mabigat ang pangalan na dinadala sa bawat paghinga Sa bawat hakbang ni Jillian sa mamahaling marmol na sahig ng Romano Estate ay nararamdaman niya ang milyun milyong matang nakatutok sa kanya hindi para humanga sa kanyang kariktan kundi para maghintay ng isang maliit na pagkakamali na pwedeng magpabagsak sa buong imperyo Siya si Jillian Romano ang nag iisang tagapagmana ng Imperyo ng Romano ang nag iisang apo nina Don Sylvio at Dona Agatha at ang nag iisang anak nina Don Ronaldo at Dona Clarissa Matalino talented maganda strikta sa mga desisyon ngunit may pusong nagmamahal sa mga tunay na naglilingkod Sa edad na twenty five ay hawak na niya ang kalahati ng mga desisyon sa korporasyon Kaya naman ang kapalit nito ay isang buhay na walang kalayaan kundi ang pagiging perpektoMa am Jillian nakaabang na po ang mga tauhan para sa board meeting sa BGC ani ng kanyang sekretarya habang mabilis na sumasabay sa kanyang mahahabang hakbang palabas ng mansyonGood Tell them I don t tolerate delayed reports malamig na tugon ni Jillian ang boses ay may awtoridad na nagpapatigil kahit sa mga matatandang opisyal ng kumpanyaKahit mataas ang estado niya sa lipunan ay may isang bagay na patuloy na pumipigil sa kanyang maging ganap na masaya ang nobyo niyang si Henry Reyes Mayaman si Henry oo ngunit pagdating sa ugali ito ay ubod ng yabang mapagmataas at kilalang kilala sa pagiging babaero na madalas tumatambay sa mga eksklusibong bar sa Makati Ilang beses na siyang binalaan ng kanyang mga kaibigan at mga kasamahan ngunit pinili niyang magbulag bulagan dahil sa paniniwalang may kabutihan pa sa ilalim ng makasariling mukha ng lalaki Subalit ang hindi alam ni Jillian ang pinakamatinding ahas ay nagtatago mismo sa loob ng sarili nilang tahananSi Corrine Angelis ang anak ng head mayordoma ng mansyon ng mga Romano Mula pa noong bata pa sila ay lumaki si Corrine sa lilim ng karangyaan ng pamilya Romano ngunit sa halip na pasasalamat ang namuo sa madilim na dibdib nito ay labis na inggit at matinding galit Isang purong gold digger na gagawin ang lahat para maagaw ang kinaroroonan at kayamanan ni Jillian At ang pinakaunang hakbang ng kanyang nakalalasong plano ay ang agawin ang nobyo nitong si HenryHabang abala si Jillian sa pagpapatakbo ng mga negosyo sa opisina ay nagpasya siyang bumalik nang maaga sa mansyon upang sorpresahin si Henry Ngunit ang sorpresang naghihintay sa kanya ang tuluyang gigiba sa natitirang tiwala at emosyon sa kanyang dibdib Pagpasok niya sa pribadong guest wing ng mansyon ay narinig niya ang mga impit at malaswang halakhak na nagmumula sa kwarto Nang dahan dahan niyang itulak ang pinto ay tumambad sa kanya ang isang maruming eksena sina Henry at Corrine na hubot hubad sa ibabaw ng kama kapwa pawisan at nagtatawanan habang walang hiya silang nakatingin sa direksyon niyaBumilis ang tibok ng dibdib ni Jillian hindi dahil sa sakit ng pagtataksil kundi dahil sa matinding pandidiri sa mga taong nasa harapan niyaJillian Oh wow Lumayas ka muna sa eksena kita mong busy kami ng amo mo este ng dyowa ko nakangising sambit ni Henry walang bakas ng hiya habang tinatakpan ang katawan gamit ang kumot Si Corrine naman ay nakangiti ng tagumpay nakayakap nang mahigpit sa lalaki habang pinasadahan ng mapang uyam at nang iinsultong tingin si JillianSa halip na humingi ng tawad o mamutla sa takot ay nagmamalaki pa si Henry sa kanyang ginawa Alam mo Jillian kasalanan mo rin naman to eh Sobra kang prubina Strikta ka masyado kang busy sa imperyo ninyo at higit sa lahat hindi mo kailanman maibigay sa akin ang sarili mo Kaya pasalamat ka at may nagmamalasakit at tumutugon sa mga pangangailangan ko bilang lalakiSi Corrine ay sumingit habang nakataas ang kilay at nagmamayabang Tama si Henry Jillian Hanggang tingin ka na lang sa ganda mo pero sa kama walang wala ka kay Henry pagdating sa mga ganitong bagayIsang segundo Dalawang segundo Tahimik si Jillian Walang luha na pumatak Walang mahinang hikbi na kumawala sa kanyang bibig Sa halip ay isang napakalamig at nakapangingilabot na ngiti ang sumilaw sa kanyang labi na nagpaginig sa hangin sa loob ng kwartoAre you done showing me how trashy the two of you are mahinahon ngunit matalim na tanong ni Jillian ang mga mata ay tila naglalabas ng apoy na yelo Henry you just signed your own financial death sentenceAgad na nawala ang ngiti sa labi ni Henry Mabilis na kinuha ni Jillian ang kanyang telepono mula sa mamahaling Prada bag Cancel all supplemental cards under my account Freeze every single asset bank account condominium unit and luxury car registered under Henry Reyes and the Reyes Holdings subsidiary funded by me Effective immediatelyNanlaki ang mga mata ni Henry sa narinig

Updated at

Read Preview
OWNED BY THE BILLIONAIRE (Tagalog SPG)

OWNED BY THE BILLIONAIRE (Tagalog SPG)

Reads

Si Lyra Mendez ay isang simpleng working student sa eksklusibong St. Claire Colegio Institute. Para matustusan ang kanyang mamahaling tuition at ang mga pangangailangan sa buhay, tinanggap niya ang trabaho bilang personal secretary ng sikat, makapangyarihan, at malamig na bilyonaryo na si Lucian BlackwoodNgunit sa likod ng mga nakasarang pinto ng opisina pagkatapos ng regular na oras ng trabaho, may lihim na kontratang nagbibigkis sa kanila—isang kasunduan kung saan ang buong pagkatao at katawan ni Lyra ay pagmamay-ari ni Lucian. Sa bawat gabi ng matinding pagnanasa at walang katapusang SPG na mga utos ng kanyang boss, unti-unting nahuhulog ang loob ni Lyra sa lalaking bawal niyang mahalin.Ang sitwasyon ay mas lalong nagiging mapanganib sa pagdating ni Camille Enriquez—ang sopistikada, mayaman, at legal na fiancée ni Lucian. Habang patuloy na nagpaplano ng kasal si Camille at nagmamataas sa harap ni Lyra, hindi niya alam na ang mismong sekretarya na itinuturing niyang utusan ang siyang nagpapasaya at nagpapaiyak sa sarap kay Lucian tuwing sumasapit ang dilim.Hanggang kailan mapapanatili nina Lyra at Lucian ang kanilang bawal at mapusok na ugnayan bago ito tuluyang sumabog at sumira sa kanilang mga buhay

Updated at

Read Preview
SHADOW OF YESTERDAY

SHADOW OF YESTERDAY

Reads

Bumili ka ng bagong buhay mo, Doktora.‎Iyan ang mga salitang iniwan ng bilyonaryong si Miko Cervantes matapos nitong tapakan ang dignidad ng doktor na si Melody Sanay si Miko na lahat ng tao ay takot sa kanya. Pero ang kakaibang tapang sa mga mata ni Melody ang gigising sa isang bahagi ng kanyang pagkatao na matagal na niyang pinatay.‎Habang pilit na inilalapit si Miko kay Korena Alejandro para sa yaman ng pamilya, ang puso naman niya ay unt-unting itinatali ng tadhana kay Melody. Sa isang mundong puno ng sikreto, ambisyon, at selos makakaya ba nilang takasan ang mga anino ng nakaraan, o magiging mitsa ito ng kanilang tuluyang pagkawasak.

Updated at

Read Preview
FROZEN HEART DESTINE LOVE

FROZEN HEART DESTINE LOVE

Reads

THE CROWN LEGACY: ANG BAGONG HENERASYON Description Matapos ang pagbagsak ng mapanganib na organisasyong Black Crown, sa wakas ay natagpuan ng pamilya Montenegro ang kapayapaan at pagkakaisa. Ngunit ang kanilang paglalakbay ay hindi pa tapos. Sa paglabas ng mga sinaunang lihim tungkol sa Crown Legacy, natuklasan nina Cassandra, Celestine, Seraphina, Lunaria, Nicholas, Elena, at Armand Montenegro na ang kanilang pamilya ay may mas malalim at mas makapangyarihang kasaysayan kaysa sa kanilang inaakala. Habang sinusubukan nilang buuin ang kanilang bagong buhay, unti-unting lumilitaw ang mga bagong kaaway, nawawalang tagapagmana, at mga lihim na susi na konektado sa isang misteryosong pamana na kayang baguhin ang kapalaran ng buong mundo. Sa gitna ng mga panganib, mabubuo rin ang mga bagong pag-ibig, pagkakaibigan, at alyansa. Ngunit bawat hakbang nila palapit sa katotohanan ay may kapalit na panganib at sakripisyo. Makakaya kaya ng bagong henerasyon ng mga Montenegro na protektahan ang kanilang pamilya at ang Crown Legacy? O may mas madilim pang puwersang naghihintay sa kanilang pagbagsak? The Crown Legacy: Ang Bagong Henerasyon Isang kuwento ng pamilya, kapangyarihan, pag-ibig, mga lihim, at pakikipaglaban para sa pamana ng kanilang angkan. 👑✨❤️🔥⚔️🏰🖤

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.