My Secret Lover
READING AGE 18+
Nakatakdang ikasal si Leamor sa lalaking pinili ng mag-asawang umampon sa kanya. Pero bago dumating ang araw ng kasal ay tumakas siya. Napadpad siya sa Manila at napilitang maghanap ng trabaho para buhayin ang sarili. Pinalad naman siyang makapasok bilang intern sa isang manufacturing company na nag-e-export ng mga banana products. Unang araw pa lang niya sa trabaho nang aksidenteng madulas siya sa harapan ng isang lalaki. Tumaas pa ang suot niyang bestida kaya nakita ang suot niyang underwear. Naiinis siya dahil hindi man lang siya tinulungan ng lalaki na makatayo. Sa buwisit ni Leamor ay minura niya ang lalaki.
"Bastos ka, ah! Guwapo ka nga, wala namang modo! Mabulag sana iyang mata mo!" litanya niya bago niya ito tinalikuran. Pagdating niya sa opisina kung saan siya papasok ay inutusan siya agad ng boss niya na magtimpla ng kape at dalhin ito sa opisina ng CEO. Agad naman siyang sumunod. Pero laking gulat niya nang madatnan ang lalaking inaway niya na nakaupo roon.
Oh no! Gusto niyang hilingin na sana lumubog na lang siya sa kinatatayuan niya o kaya'y lamunin siya ng lupa. Pero mas nagulat siya sa sinabi nito.
"You are an intern, right? Can you be my secretary for the day?"
Tango lang ang naisagot niya pero sana naglakas loob siyang tumanggi dahil dito na pala magsisimula ang masalimuot niyang love story. Ang pinakamalala nito ay hindi niya napigilan ang sariling ma-in love rito. Mahal din naman siya ni Joel. Pero ipinagbabawal sa kompanya ang makipagrelasyon sa kapwa empleyado. Kaya naging lihim ang kanilang relasyon. Gusto sana niyang mag-resign pero ayaw pumayag ni Joel. Mas nadagdagan pa ang problema niya nang dumating ang ex-girlfriend nito at gustong makipagbalikan sa boss niya. Gusto sana niyang ipaglaban ang pagmamahal niya rito ngunit tutol sa relasyon nila ang lahat ng nakapaligid sa kanila kahit ang mga magulang nito. Lalo siyang pinanghinaan nang malaman niyang ikakasal na ang nobyo niya sa ex nito. Inamin nitong business deal lang ang kasalang magaganap at mananatili pa rin ang kanilang lihim na relasyon. Papayag ba siyang maging kabit na lang? O palalayain na niya si Joel kahit masakit sa kanya dahil iyon ang tama at mabuti?
Unfold
"ANAK may importante kaming sasabihin ng mama mo," sabi ng papa ni Kricel nang umuwi siya ng gabing iyon mula sa eskuwelahan.
"Ano po iyon,'pa?"
"Nakapagdesisyon na kami ng mama mo," saad ng papa niya saka ito lumingon sa mama niya, "ipakakasal ka namin sa anak ng isa sa mga dating business partner ko."
Parang nakarinig ……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……