The Forbidden Fruit
Kapag ang puso raw ay nagmahal, hahamakin ang lahat makamit ka lamang. Ilang bagyo man daw ay kaya niyang suungin makamit lamang ang pag-ibig ng taong minamahal pero paano kung humadlang sa inyo ang tadhana kaya mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na ito? Si Erron Ricafort, 25 years old at isang CEO ng kanilang kumpanya na Ricafort Real Estate ay nagmahal at umibig sa isang babae na si Amilah Ricafort, 18 years old at isang estudyante na kumukuha ng nursing. Maganda, mabait at masipag si Amilah kaya si Erron ay nahulog ang loob sa dalaga ngunit tutol ang Tiya Melba ni Erron dahil si Amilah ay inampon ng tiya niya at sa mata ng tao ay magpinsan ang dalawa. Si Erron ay ulila na dahil maaga siya iniwan ng mga magulang at buhat noon ay ang kapatid ng ina na si Melba ang siyang nag-alaga at nagpalaki kay Erron hanggang dumating ang panahon nasa tamang gulang na siya upang manahin ang mga iniwan ng magulang nito kaya ganoon na lamang ang pagsisikap ng tiyahin niya na malayo ang pamangkin kay Amilah dahil baka iyon ang maging mitsa upang maagaw sa binata ang pagiging CEO ng lalaki sa kumpanya. Ano ang gagawin ni Melba upang mapigilan niya ang pamangkin sa relasyon nito kay Amilah na tinuring niya na anak? Paano rin kung malaman ng mga shareholder ng kumpanya ang lihim na relasyon ni Erron kay Amilah. Ating subaybayan ang pag-iibigan nila Erron at Amirah na tinuring na bawal ng pamilya nila at kung hanggang saan nila kakayanin na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.
Unfold
Parang nadikitan sila Erron at Amilah nang naglalagablab na apoy at tumupok sa kanilang kamalayan.
Pinagsaluhan ng dalawa buong magdamag ang init na pilit umalpas sa kanilang mga katawan. Matapos humupa ang init na naramdaman ay payapa nang nakatulog ang dalawa na magkayakap.
Kinaumagahan ay nagulat ang bagong gising n……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……