2.366K
VISITORS
67

ABOUT ME

I am a nurse in profession.Got married to classmate in college. Have two healthy children. Now retired and a full time mother and housewife.

ABOUT ME

I am a nurse in profession.Got married to classmate in college. Have two healthy children. Now retired and a full time mother and housewife.
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Flordeliza Sucgang

The Forbidden Fruit

The Forbidden Fruit

Reads

Kapag ang puso raw ay nagmahal, hahamakin ang lahat makamit ka lamang. Ilang bagyo man daw ay kaya niyang suungin makamit lamang ang pag-ibig ng taong minamahal pero paano kung humadlang sa inyo ang tadhana kaya mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na ito? Si Erron Ricafort, 25 years old at isang CEO ng kanilang kumpanya na Ricafort Real Estate ay nagmahal at umibig sa isang babae na si Amilah Ricafort, 18 years old at isang estudyante na kumukuha ng nursing. Maganda, mabait at masipag si Amilah kaya si Erron ay nahulog ang loob sa dalaga ngunit tutol ang Tiya Melba ni Erron dahil si Amilah ay inampon ng tiya niya at sa mata ng tao ay magpinsan ang dalawa. Si Erron ay ulila na dahil maaga siya iniwan ng mga magulang at buhat noon ay ang kapatid ng ina na si Melba ang siyang nag-alaga at nagpalaki kay Erron hanggang dumating ang panahon nasa tamang gulang na siya upang manahin ang mga iniwan ng magulang nito kaya ganoon na lamang ang pagsisikap ng tiyahin niya na malayo ang pamangkin kay Amilah dahil baka iyon ang maging mitsa upang maagaw sa binata ang pagiging CEO ng lalaki sa kumpanya. Ano ang gagawin ni Melba upang mapigilan niya ang pamangkin sa relasyon nito kay Amilah na tinuring niya na anak? Paano rin kung malaman ng mga shareholder ng kumpanya ang lihim na relasyon ni Erron kay Amilah. Ating subaybayan ang pag-iibigan nila Erron at Amirah na tinuring na bawal ng pamilya nila at kung hanggang saan nila kakayanin na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Updated at

Read Preview
The Millionaire's Secret Daughter

The Millionaire's Secret Daughter

Reads

Tadhana talagang maituturing ang pagkikita ni Mary Grace at ng kan’yang ama na hindi niya nakikilala simula ng siya ay bata pa. Kalilibing lamang noon ng kan’yang ina nang maisipan ni Mary Grace Alcantara, 16 years old na maghanap nang trabaho dahil ubos na ang pera niya na natanggap buhat sa mga taong nakiramay sa kan’ya. Wala sila ni isang kamag-anak ng ina kaya wala itong malapitan para hingan nang tulong. Sa paglalakad niya ay napunta siya sa isang bar na may karatula na naghahanap ng taga hugas sa kusina kaya naisipan niya magtanong sa isang lalaki na nagbabantay sa harap nitong bar. Sino ba ang mag-aakala na ito pala ang babago sa buhay niya at dito rin niya makikila ang lalaki siyang mamahalin niya ngunit ito rin pala ang mananakit sa kan’yang batang damdamin. Nakilala niya si Bryan Montejo na isang binata, mayaman pero playboy. Sumama siya rito at sinuway ang ama na bago pa lamang niya nakilala. Ano kaya ang magiging buhay niya sa piling ni Bryan na sampong taon ang agwat nang idad nito sa kan’ya? Paano kung malaman niya na gusto lamang nito siya paglaruan? Atin tunghayan ang kuwento ni Mary Grace at ang kan'yang pakikipagsapalaran sa magulong buhay.

Updated at

Read Preview
Braveheart

Braveheart

Reads

Sino nga ba mag-aakala na ang isang gabi na pagkakamali ni Jenna ay siyang magiging dahilan upang siya ay magiging matatag at matagumpay. Si Jenna Altaves 18 years old, maganda at mabait na anak ay aksidente na napakasal kay Marco Escobar 20years old, guwapo at mayaman. Isang arogante, mayabang at sadista na CEO ng La Ono Inc. nang dahil sa kasal na 'yon ay dumanas siya nang sakit pero tiniis niyang lahat ng 'yon upang maging tagumpay ang buhay may asawa niya pero hanggang saan nga ba niya kailangan tiisin ang lahat?. Halina po at ating subaybayan ang buhay at pag-ibig nila Marco at Jenna.

Updated at

Read Preview
A promise of a lifetime

A promise of a lifetime

Reads

Isang dalaga ang nangakong gagampanan ang iniwanan na responsibilidad ng mga magulang sa kanilang magkapatid nang maagang pumanaw ang mga ito. Siya si Melenna Sandoval, 20 taong gulang at nag-aaral pa lamang. 'Di niya alam kung paano at ano ang gagawin pero isa lamang ang dapat, ito ay ang matupad ang mga pangako na binitiwan. Walang sinayang si Melenna na panahon hanggang 'di nila nakakamit ang tagumpay, ngunit maaari ba niyang pagsabayin ang kalagayan sa buhay at ang tagumpay sa pag-ibig? Nang makilala niya si Dane Garcia, isang mayaman at guwapong lalaki lahat sa buhay niya ay naging magulo buhat nang minahal niya ito, kaya atin pong subaybayan ang naka-iiyak at nakasasabik na walang kapantay na pag-iibigan ni Mellena at Dane.

Updated at

Read Preview
Ang Boyfriend Kong Chinito

Ang Boyfriend Kong Chinito

Reads

Pag-ibig yan daw ang nagpapagalaw sa mundo pero kung minsan ito din ang wawasak sa mundong iyung pinapangarap. Isa si Luisa na nangarap magkaroon ng masaya, tahimik na pamilya at puno ng pagmamahalan. Nakilala niya si David guwapo, mayaman at habulin ng mga babae. Nagkagusto si David Kay Luisa at ganoon din ang dalaga pero mapagbiro ang tadhana nalaman ni David na si Luisa ay anak ng lalakeng gusto niyang paghigantihan. Mayroon bang kahihinatnan ang ganitong pag-ibig na nagsisimula pa lang ay puno na ng galit at paghihiganti ang dala?

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.