Ang puso bang nasaktan ay dapat na paghigantihan? Nabigo man si Levi Huxley sa pag-ibig, patutunayan niyang walang katapat ng kahit ano pa man ang pagmamahal na inalay niya noon sa nag-iisang babae sa buhay niya, si Amberleigh Mortelle. Makalipas ang sampung taon, hindi niya kailanman kinalimutan ang dalaga subalit ang tiniis niyang pananabik dito sa mahabang panahon, nagbunga ng wala sa plano. Pinakasalan niya si Amberleigh subalit sa kanilang pagsasama, iba na ang kaniyang pakikitungo at naging malupit siya rito. Dahil sa pagpapahirap niya kay Amberleigh, umalis ito ng hindi niya inaasahan. Sa muling pagkakataon, inalayan niya ito ng pagmamahal. Tatanggapin bang muli ni Amberleigh ang pag-ibig ni Levi upang mabuo ang nawasak nilang pagsasama? o hahayaan na lang dahil sa masakit na kasinungalingang nalaman nito. Sino ba ang patuloy na kakapit upang manatili?
Sina Chardee at Sten ay magkababata. Ang kanilang mga magulang ay kapwa naging matalik na magkaibigan kung kaya nagkakilala rin silang dalawa. Sa pagdaan ng panahon, naging mas malapit sila sa isat isa ngunit susubukin sila ng tadhana nang silang dalawa ay nagkahiwalay, muling nagkita at muli na naman pinaghiwalay. Dahil sa nabuong nararamdaman ni Sten para sa kababata ay dinaranas niya ang naging bunga ng pagmamahal niya para rito. Ang mga pait at sakit na naranasan niya ay kaniyang tiniis. Umaasa siya na balang araw ay hindi ito naging bulag sa mga bagay na hindi niya nakikita at nararamdaman dahil ginagawa niya ang lahat mabaling man lang ang atensiyon nito sa kaniya na siya ay babae rin katulad ng iba. Si Chardee kaya? Ano rin kaya ang nasa kaniyang bahagi kung bakit naman ganoon siya kay Sten na kahit alam niya na may sinumpaan siya rito. Isa si Chardee Lasner sa pinakamayaman na anak ng isang Lasner Tycoon. Sa kan'yang paglaki ay naging istrikto ito at hindi na lubos maintindihan ang pag-uugali. Bukod sa nagbago na ito, nag-iba na rin ang naging pakikitungo niya lalong-lalo na sa pinakamamahal niyang si Sten Marie Amsedel.
Siya si Loisa na nagmula sa isang pangkaraniwang pamilya lamang. Bunsod ng isang kahirapan ang siyang nagtulak sa kaniya para maging isang Doktora. Ang propesyon na gustong-gusto niyang makamit. Hindi nagtagal, ang pagsisiskap ni Loisa na maging isang Doktora ay kaniyang napagtagumpayan. Pero paano kung meron pa pala siyang ibang gustong makamtan? Kaya ba niyang makuha ang isang tao na sa telebisyon niya lang dati nakikita at pinangarap ngunit pagtatagpuin sila sa tamang panahon pero sa hindi magandang paraan. Ang pinakasikat na artista sa South Korea, si Dam Reun. Siya ang tinaguriang pinakaguwapo, pinakamayaman, at mahal niya ang kaniyang mga tagasuporta, pero kabaligtaran ang kalidad nang pagpapakita niya ng maayos. Mahuhulog kaya si Dam Reun sa isang Doktora? O susuko na lang si Xandria Loisa Gementiza sa isang sikat na aktor? Mawawalan na ba ng pag-asa si Loisa sa kaniyang pangalawang layunin at isakripisyo na lang ang kaniyang personal na damdamin dahil mahal na mahal na niya ang walang emosyon at manhid na si Dam Reun?
Ano ba ang mas mahalaga sa panahon ngayon? Ang pag-ibig mo ba para sa iyong iniibig o ang pag-ibig para sa iyong sarili. May tao pa bang kaya ka pang mahalin na isasakripisyo ang lahat at tatanggapin ka pa rin ng buo sa kabila ng iyong pagkakamaling ginawa sa pagsuway sa utos ng Diyos. Pinagtagpo ng landas ang dalawang naging magkaaway na naging matalik na magkaibigan at nauwi sa hindi inaasahang pag-iibigan nila Zyzha at Criffen. Sa pagkakaroon ng maagang anghel, ang buhay ng dalawahg nag-ibigan ay sa wakas nagsumpaan para sa dambana ng Diyos. Si Zyzha Gale Ferrer, lumaking may rangya sa sarili't may ambisyon na gustong abutin. Isang natatanging gandang mapapalambot ang iyong kalooban. Kabaliktaran ang nakikita lamang nila sa labas na kaanyuan dahil napakabuti nito. Pero wala ng mas ikabubuti pa sa pagkatao nitong si Criffen Sandoval. Isang masayahing lalaki na taliwas sa mapagbiro ay napakaseryuso niya pagdating sa isang Pag-Ibig. Pero sa lahat ng inaasahan na ang pag-ibig ay laging ipinapakita, sa kaniya naman ay ipinadarama niya iyon bilang isang napaka-responsableng lalaki na hindi kinakailangang isa-publiko para lamang mapatunayan na kayo ay lubos na nagmamahalan. Makakaya ba ni Criffen patawarin ang nag-iisang babaeng kaniyang minahal. Dahil sa makamundong pagnanasa na mas makaahon pa sa sitwasyong kanilang nararanasan ay ang tanging pagsisisi na lamang sa huli. Ang Diyos ay mapagpatawad sa ano pa mang kasalanan na ginawa ng tao. Ang tao ba mapagpatawad din sa kaniyang kapwa? Ito ang istoryang ihahatid ka sa totoong mundo ng kaganapan. Ang mundong kakapitan mo ng isang aral sa isang tunay na PAG-IBIG!
Ang labanan sa pagitan ng mabuti at masasamang lahi ay ang uri ng Glacier na hindi mo naisip na umiiral hanggang sa modernong panahon. Sa modernong panahon ang sumunod na hari ay nabuhay ng isang libong taon. Siya ay si Dirce Greed, ang Panginoon ng lahat ng Demonyo (Dog Demon). Isa siya sa pinakamayaman bukod sa kaniyang kaguwapuhan dahil sa kaniyang batang hitsura at nagmamay-ari pa ng unibersidad kung saan nagtagpo ang landas nila ni Aloera Fabiana na iniligtas niya sa hindi kilalang nilalang na sumalakay rito. Ang magandang relasyon nina Dirce at Aloera ay napalitan ng pangit na tingin dahil sa pakikialam ni Euryale, ang bagong hakbang na nagbubunyag ng magandang nakatago sa kaalaman ni Aloera ay kabaliktaran ng lahat. Hanggang saan kaya masusukat ang pagkatao ni Dirce ng isang magaling na kalaban na nagpapanggap lang? At siya ang nangunguna at maging ang babaeng mamahalin niya sana. Malalaman kaya ni Aloera ang katotohanan, ang katotohanan tungkol sa personalidad nina Dirce at Euryale? Sa pangalawang pagkakataon, muling sumiklab ang labanan sa pagitan nila ng parehong angkan.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.