WARNING: MATURE CONTENT Nagulo ang tahimik na mundo ni Maxene Perrera nang dumating sa buhay niya si Tyrone Imperial, ang may-ari ng hotel na pinagtatrabahuhan niya. Hindi napigilan ng puso niya na mahalin ang binata kahit alam niyang maraming tututol sa relasyon nila. Nang malaman ng ama ni Tyrone ang nalalapit nilang kasal ay ginawa nito ang lahat para hindi siya makarating sa simbahan. Ito rin ang dahilan kung bakit unti-unting nasira ang buhay ng dalaga. Mahirap man ay pinilit bumangon ni Maxene at buuing muli ang sarili. Hanggang sa maging isa siyang successful business woman at sikat na event coordinator. Pagkalipas ng limang taon ay muling nag-krus ang mga landas nila ni Tyrone. At siya lang naman ang magiging wedding coordinator sa nalalapit nitong kasal. Paano niyang haharapin ang matinding galit ng lalaking kailanman ay hindi nawala sa puso niya? Paano niyang magagawa nang maayos ang trabaho kung ang kliyente niya ay walang ibang hangad kundi ang gantihan siya? Hahayaan niya na lang bang makasal si Tyrone sa ibang babae o ipaglalaban na niya ang pagmamahal para sa dating kasintahan na hindi niya nagawa noon?
WARNING: MATURE CONTENT (SPG) Halos gumuho ang mundo ni Geri Acosta nang dahil sa panlolokong ginawa sa kaniya ng dating kasintahan. Muntik pa nga siyang malunod sa dagat dahil sa sobrang kalasingan at kalungkutan. Mabuti na lang dumating ang V.I.P. guest ng resort na pinagtatrabahuhan niya para iligtas siya sa pagkakalunod, si Lucas Alegre, ang kanyang knight in shining armor. Dahil sa kagwapuhan, kakisigan at sobrang sweetness na taglay ng binata ay agad na nahulog ang puso niya para rito. Tinuruan siya ni Lucas na muling maging masaya, muling magtiwala at muling magmahal. Subalit dalawang linggo pagkatapos ng kanilang kasal ay bigla na lang itong naglaho na parang bula. Pagkalipas ng dalawang taon ay muling nagkrus ang kanilang mga landas. Ngunit parang ibang tao na ang kaharap ni Geri sa muli nilang pagkikita. Para bang hindi na siya nito kilala. O baka naman sadya lang talaga siyang kinalimutan ng asawa dahil may ibang babae na sa buhay nito ngayon. Nagpapanggap lang ba si Lucas na may sakit o sadyang kinalimutan na talaga siya nito? Paano na ang ang puso niya na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tumitibok para kay Lucas? Basta na lang ba niya isusuko ang kasal nila o dapat ba niyang ipaglalaban ang pagmamahal na patuloy na nararamdaman para sa asawa?
BLURB: Tatlong araw bago ang kasal ni Sab ay nahuli niya ang kaniyang fiancè na may katalik na ibang babae. Sa labis na sakit na naramdaman ay pinangako niya sa sarili na kailanman ay hindi na muling iibig pa. Subalit dumating sa buhay niya si Matteo Madrigal, ang lalaking muling bumuhay sa puso niya. Paano kung ang lalaking kaniyang pinakasalan at pinangakuang makasama habang buhay ay walang ibang hangad kundi ang sirain at pabagsakin siya?
Umpisa pa lang ay masidhing pagnanasa na ang naramdaman ni Trevor para kay Heaven, ang maganda ngunit masungit na nurse na minsang nagligtas sa buhay niya. Ginawa niya ang lahat para maagaw si Heaven sa boyfriend nito at masira ang relasyon ng dalawa. Nang magtagumpay si Trevor ay sinamantala niya ang kalungkutan ni Heaven para mapalapit sa dalaga at maangkin ito. Pagnanasang unti-unting nauwi sa pagmamahalan. Pagmamahalang tumatag habang lumilipas ang panahon. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan handa na niyang pakasalan si Heaven ay saka niya na-diskubre na anak pala ito ng taong pumatay sa kaniyang ina. Magawa pa kaya ni Trevor na paghigantihan ang taong labis niyang kinamumuhian? O sapat na ang labis na pagmamahal niya kay Heaven para makalimutan ang mapait niyang nakaraan?
Nang maka-uwi sa Maynila ay pinilit kalimutan ni Lacey ang lalaking naka-one night stand niya sa Puerto Galera. Subalit pagkalipas ng isang buwan ay muling nagtagpo ang kanilang mga landas, siya ang na-hire ni Rome bilang personal therapist nito matapos itong maaksidente. Unti-unting nahulog ang puso niya sa binata kahit sobrang laki ng agwat ng edad at estado nila sa buhay. At kung kailan tuluyang lumalim ang relasyon nilang dalawa ay saka nalaman ni Lacey na si Rome pala ay ang kaisa-isang kapatid ng kaniyang ama. Paano niya ipaglalaban ang lalaking hindi niya dapat mahalin? Paano niyang kakalimutan ang maiinit na yakap at halik ng kaniyang tiyuhin na laging hinahanap-hanap ng katawan at isipan niya?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.