Dave Ariston and Arriane love story Isinumpa ni Arriane na bibigyan niya ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Seryoso siya roon kaya dalawang trabaho ang meron siya upang matupad ang kanyang pangarap sa kanyang pamilya. Kung kaya nga niya ang mas marami pang trabaho ay gagawin niya. Wala siyang pinipiling trabaho, kahit ano basta magkakapera. Para sa pamilya. Raketera ng taon ang madalas itawag sakanya. She never thought of falling in love because she didn't have the time for it. Sinubukan niyang makipag relasyon once pero nauwi din sa hiwalayan dahil hindi tanggap ng ex boyfriend niya ang buhay na meron siya. Pamilya ang kayamanan niya. Ngunit mas gugulo pa ang magulo na niyang buhay sa pagdating ni Dave Ariston Montana sa buhay niya. A happy go lucky guy. Pilit man niyang itanggi pero nagkakulay ang dating black and white na mundo niya. Nakaramdam siya ng kilig, at ng saya. Si Dave Ariston Montana, ang bunso sa tatlong magkakapatid. Isang mahusay na engineer. Ang pinaka pilyo, pinaka makulit, pinaka sakit ng ulo ng kanyang ina. Dave's life will be dominated by women who will come and go. His constant thought is to simply enjoy life. For him, living is all about having fun. He never thought of falling in love with anyone. He used to be chased by women,but there will come a day when he will be able to pursue a woman. A woman was nothing but a thorn in his side, constantly arguing and dismissing him all the time. Puwede nga bang mag kasundo ang dalawang taong daig pa ang aso't pusa kung mag angilan?
*Mature content * Si Jhauztine ay nagtatrabaho bilang isang veterinarian sa DENR. Bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa mga hayop, at dala-dala niya iyon hanggang sa pagdadalaga niya. Maihahalintulad niya ang kaniyang buhay sa isang ibon. Ibong malayang lumipad sa mga kabundukan. Ngunit isang araw ay matutuldukan ang pagiging malaya niya dahil nakatakda na pala siyang ikasal. Ikasal sa fiance ng kaniyang kapatid na umalis bago ang nakatakda nitong kasal. Paano niya haharapin at tatanggapin ang isang bagong buhay sa piling ng lalaking kahit minsan ay hindi pa niya nakikita? Paano niya tatanggapin ang kaniyang kapalaran? Papayag nga kaya siyang magpakasal sa taong nakatakda ng ikasal sa kapatid niya? Si Nathaniel El Greco ay panganay sa dalawang magkapatid. Nakatakda na siyang ikasal sa isang babae mula noong nasa college pa lamang siya. Arrange Marriage iyon ang mangyayari sa kaniya, kaya hindi niya magawang makipagrelasyon ng seryosohan sa iba. Ngunit paano kung sa araw ng kasal niya ay hindi pala ang fiance niya ang kaniyang pakakasalan? Paano kung ang kapatid pala nitong panganay na hindi pa niya nakikita kailanman? Maaari nga kayang mabuklod ang dalawang taong hindi kilala ang isa't-isa ngunit mag-asawa na sa Ngalan ng Diyos? May pag-asa nga bang magkaroon ng magandang kahihinatnan? O sa hiwalayan din ang pagtatapusan?
⚠️MATURE CONTENT/R-18⚠️ Montana Brothers : 1. Drake Adam and Zerra Nicole (Loving you is Hard) COMPLETED 2. David Anthony and Alexa ( The Coldest Heart ) Completed. 3. Dave Ariston and Arriane ( Chasing A Woman ) COMPLETED LOVE STORY OF DRAKE ADAM MONTANA AND ZERRA NICOLE SAROZA!! Zerra Nicole was never shy about showing her feelings to anyone she adore. Kaya naman nang makilala niya si Drake Adam Montana, na anak ng Boss niya, ay talagang tinudo niya ang kakulitan, at kapal ng mukha para lang magpa-cute sa binata. Tatlong taon niyang ginawa iyon. Umabot pa sa puntong niligawan niya ito. Subalit sadyang wala yatang pag-asa na magkaroon ng katuparan ang nag-iisang pangarap niya na mapa-ibig ang masungit at mailap na si Drake. Handa pa nga ba siyang maghintay ng panibagong tatlong taon para sa pag-ibig na minimithi o bibitaw na siya? Kakayanin pa nga ba ng puso niya na umasa sa wala o tama na? ", Gusto kong hilingin sa'yo ng araw na iyon na baka puwedeng ako muna ang piliin mo kasi hindi naman na ako magtatagal eh, pero nang makita ko kung gaano kayo kabagay sa isa't-isa nagbago ang isip ko..." ,, Zerra to Drake,,,
EL GRECO SERIES 1 MATURED CONTENT ANG KUWENTO PO NI LALA AT MATT AY DITO RIN MABABASA! BOOK 1: GIAN MARCO and JELAINE BOOK 2: MATTHEW and LALA SI LALA ay isang masayahin at positibong dalaga ngunit babaguhin ng isang gabing pagkalimot sa piling ng lalaking lihim na laman ng puso niya. GIAN MARCO and JELAINE Story! Si Jelaine ay naglakas-loob na pumunta sa Batangas upang makipag-sapalaran sa buhay. Tubong Quezon, Province ang dalaga. Natanggap siya bilang isang staff sa hotel and resort sa Batangas. Masaya siya sa trabaho niya dahil araw-araw siyang nakakakita ng mga mayayamang tao. At nag gaguwapuhang guest ng hotel. Pangarap niyang makapag asawa ng isang mayamang lalaki, kaya naman kapag kagaya niyang poor, basted agad. Pero nakilala niya si Gian, isang tubero at electrician ng hotel na pinag tatrabuhan niya. Guwapo ito, madaldal, matangkad, naghuhumiyaw ang s*x appeal, pero poor gaya niya, kaya naman talagang ginawa niya ang lahat para kalimutan ang umuusbong na pag-ibig para sa binata. Pero sa huli nanaig ang pagmamahal na mayro'n siya sa binata. Handa na siyang magdildil nang asin sa piling nito ngunit saka naman sumampal sa mukha niya ang isang katotohanan na dudurog sa buong pagkatao niya. Ang lalaki pa lang minahal niya ay isang huwad. Huwad ang pagkatao nito. Ni wala yatang totoo sa lahat ng ipinakita nito. May pag-asa nga bang bumaba ang langit sa lupa? O kaya pa nga bang magtiwala ng pusong nilinlang sa una pa lang?
⚠️MATURE CONTENT⚠️ R-18 ITO PO ANG KUWENTO NI DAVID ANTHONY and ALEXA MENDEZ David Anthony and Alexa were planning to marry. They've been dating for three years. Ngunit dalawang linggo bago ang kanilang kasal ay umalis si Alexa na wala man lang paalam. Pagkalipas ng dalawang taon ay bumalik siya sa Pilipinas, para balikan ang lalaking pinakamamahal niya. Ngunit sa kaniyang pagbabalik ay wala na ang dating David na minahal niya. Ang dating makulit, malambing, at mapagmahal na binata ay naging malamig, at punong-puno ng poot, at galit ang puso. Kaya nga bang palambutin ng pagmamahal ni Alexa ang pusong bato ni David?
Mature Content! Genre : Action /Romance Ivan Lee El Greco and Trisha Smith story ISANG matikas, magaling at guwapong agent na si Ivan Lee El Greco ay ma-i-in love sa isang babaeng dancer sa club. Natutong magmahal sa isang babaeng sa tingin ng marami ay mababa ang lipad. Umibig, naging masaya, at walang pag-aalinlangang tinanggap ang babaeng nagpapasaya sa kaniya. Si Shana Mercado. Tawanan man siya ng iba, hindi na iyon mahalaga basta't masaya siya sa babaeng napili niyang mahalin. Ngunit gaano man kadakila ang pagmamahal niyo sa isa't isa, kapag ang tadhana na ang kumilos ay wala ka nang magagawa kun'di ang tanggapin na hindi kayo ang para sa isa't isa. Tila buhay na patay si Ivan Lee nang makasama sa isang trahedya ang babaeng pinakamamahal niya. Unti-unti na niyang natatanggap na tatanda na siyang mag-isa ngunit isang araw, niyanig ng tila lindol ang buong pagkatao niya nang makitang nasa harapan niya ang babaeng ipinagluksa niya. Buhay, masaya, malakas, at humihinga. Paano tatanggapin ni Ivan ang isang nakakagulat na katotohanan, na ang babae palang kaniyang minahal ay hindi isang ordinaryong babae lamang. Isa rin pala itong alagad ng batas na kayang kumitil ng buhay para sa kaligtasan ng mga inosenteng mamamayan. Maniniwala nga ba ang puso niya na ang babaeng nasa harapan niya ngayon at ang babaeng dancer ng Club na minahal niya ay iisa? Magagawa nga bang mapaibig muli ni Ivan ang babaeng kagaya ni Trisha Smith na walang inuurungang laban? Kasingbilis at kasingsidhi rin ba ng putok ng baril ang mangyayari sa kanila sa kama?
⚠️Mature Content!⚠️ Genre: Comedy/Drama/R18 Parents of Montana Brothers Series! Blurb Derek Aristotle Montana is a natural flirt, a happy-go-lucky guy, playboy, and he can't say no sa mga babaeng humaharot sa kaniya. Bully rin siya at ang kaniyang kinakapatid na si Annika ang favorite niyang i-bully. Ngunit nagkahiwalay sila ng landas nang ipatapon siya ng mga magulang sa ibang bansa dahil sa kalokohang kinasangkutan niya. Pagkalipas ng walong taon ay bumalik siya ng Pilipinas, at muling nagkrus ang landas nila ng favorite niyang si Annika. Ngunit nabaliktad na, ito na ang bully at siya ang biktima. Naging aso't pusa na naman sila, ngunit natigil iyon nang dumating ang isang pangyayari na magpapabago sa relasyon na mayro'n sila. Pinakasalan niya si Annika sa kagustuhan ng kanilang mga pamilya. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang dalawang taong pinagsama at pinagbuklod dahil sa isang gabing ligaya? O ang kasal na iyon ang magiging pasakit sa kanilang dalawa? Abangan ang kuwento ng pag-ibig ng isang lalaking pilyo at ng isang babaeng maldita.
Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Zeus and Amber Story! Natatandaan n'yo po ba ang best friend ni David Anthony Montana na nadapa sa airport? Ito po ang kuwento ng buhay pag-ibig niya! Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
Mahal na mahal ni Sheena ang best friend ng kaniyang kapatid na si Lance De Asis. Nasa high school pa lang siya ay lihim na niyang tinatangi ang binata at hanggang sa magdalaga na siya. Maraming pagkakataon na gusto na niyang aminin ang totoo ngunit palagi siyang naduduwag. Hanggang isang gabi, nangyari ang isang pangyayari na magpapabago sa kanilang relasyon bilang magkaibigan. At malalaman na may katugunan pala ang kaniyang pagmamahal kay Lance. Sumugal sila sa isa't isa at sumumpa na magsasama hanggang sa pagtanda nila. Ngunit paano kung ang masayang pagsasama ay subukin ng tadhana? Mapaninindigan nga ba nila ang hanggang wakas na pagmamahal sa isa't isa o pipiliin na lang na bumitaw sa relasyong punong-puno ng pagdududa?
Hindi kailanman sumagi sa isip ni Gavrien Michelle El Greco o Mich sa kaniyang pamilya, na maging asawa ng kahit na sinong lalaki na hindi siya kayang ipakilala sa iba. Lumaki siya sa masaya at mariwasang pamilya, bunso at spoiled sa kaniyang mga Kuya. Ngunit dumating si Ralph Angelo sa buhay niya. Hindi ideal man pero unang kita pa lamang niya rito ay kaagad na niyang naramdaman ang kakaibang pintig ng kaniyang puso. Kay Ralph niya naramdaman ang espesyal na pakiramdam na iyon. Paanong hindi, gayong sa paglipas ng mga araw ay napatunayan niyang napakagaling nitong magparamdam kung gaano siya kaespesyal. Hanggang sa ang espesyal na nararamdaman nila sa isa't isa ay nauwi sa malalim na pagmamahal. Pagmamahal na naging dahilan para tanggapin niya ang kasal na inaalok nito. Sa una ay masaya, ngunit hindi pala talaga sapat na mahal n'yo lang ang isa't isa kung hindi ka naman niya kayang ipakilala sa iba bilang kaniyang asawa. Hanggang saan kaya tatanggapin ni Gavriene Michelle ang pagiging secret wife niya sa kaniyang asawa? Mapapagod nga ba siya o mananatili sa piling ng lalaking pinili niyang makasama?
MONTANA BROTHERS SERIES SPIN-OFF 1 JOSH BROWN and ALESSA MONTANA 📌 TIRED OF LOVING YOU 📌MATURED CONTENT 📌 ROMANCE/R-18/DRAMA Allesa Montana - isang sikat na modelo, maganda at hinahangaan ng marami dahil sa taglay na kabaitan sa kabila ng mataas na antas ng pamumuhay. Sa kabila ng kaliwa't kanang paghangang nakukuha sa mga kalalakihan, lingid sa kaalaman ng marami ay kabilang siya sa samahan ng NBSB (No Boyfriend Since Birth) dahil gusto niyang ang unang nobyo ang siya ring maging huli. Kaya nang makilala niya si Josh at ma-in love siya rito ay nangako siya sa sariling si Josh ang una at magiging huli. Ngunit paano kung ang pag-ibig na akala niya'y panghabang-buhay ay panandalian lamang pala? Mapaninindigan nga ba ni Alessa na si Josh na ang una at huli kung sa isang pagkakamali niya ay napalitan ng galit at pagkamuhi ang dating pag-ibig nito sa kaniya? Hanggang kailan kaya niya pagbabayaran ang pagkakamaling hindi niya sinasadya? At hanggang kailan at saan ang gagawing pananakit ni Josh sa damdamin niya? Hanggang sa maging pantay na nga ba ang kaniyang mga paa?
Started With A Forced Marriage (Bario Girls Series 2) From our first Collab by my co-authors: Andriegabriel, Miss Flame, Selestika Dreame, Threyang, Mybabieslove and Miss Drey_dreame BLURB: Hindi na binalikan ni Ella ang trabaho sa Japan bilang isang caregiver dahil mas pinili niyang samahan at alagaan si Don Carlos Del Franco, ang matandang nakatira sa malaking bahay malapit sa bahay nila. Masaya siya sa piniling desisyon dahil mabait ang matanda na naging lolo-lolohan niya. Pinunan niya ang pangungulila nito sa sariling mga apo na hindi man lang nagagawi sa lugar nila. Maayos at masaya na ang buhay ni Ella sa probinsya kasama ang pamilya at si Don Carlos nang isang araw ay dumating sa baryo nila ang napakaguwpo at nag-iisang apong lalaki ng matanda. Si Vincent Del Franco. Unang pagkikita pa lamang nila ay nahusgahan na siya nito. Iyong nagtatrabaho siya ng marangal at maayos pero napagkamalan siyang babae ng lolo nito. Sa halip na itama, pinatulan niya ang karumihan ng utak nito dahilan para lalo siyang pag-initan ni Vincent. Binantayan nito ang bawat galaw niya hanggang isang araw nagulantang silang dalawa dahil sa hiling ng matanda na gusto sila nitong makitang ikasal sa isa't isa bago siya mawala. At dahil mahal nilang dalawa ang matanda, ibinigay nila ang hiling nito. Nagpakasal silang dalawa kahit batid ni Ella na walang anumang nararamdaman si Vincent sa kaniya kundi disgusto dahil sa pag-aakalang nagkaroon sila ng relasyon ng lolo nito. Sa gabi ng kanilang kasal, ibigay ni Ella ang kalinisan sa asawa. Napatunayan niyang malinis siyang babae nang gabing iyon. Kaya umasa si Ella na magiging maayos ang pagsasama nila. Ngunit nagkamali siya dahil pagkatapos ng mainit na sandali na pinagsaluhan nila ay nilinaw ni Vincent na mag-asawa lang sila sa papel at maghihiwalay rin pagkalipas ng anim na buwan. Kaya sa halip na malungkot, sinulit na lamang ni Ella ang anim na buwan sa piling ni Vincent. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang atraksyon sa asawa at tuluyang nahulog dito. Hindi niya napaglaban ang lakas ng karisma ni Vincent. Lihim siyang umasa na matututunan din siyang mahalin ng asawa ngunit nagkamali siya. Dahil wala pa man ang ika-anim na buwan ng pagiging mag-asawa nila ay gusto na nitong tapusin ang lahat. "Let's end this." Tatlong salitang nagpa-realize kay Ella na kailangan na niyang gumising sa ilusyon na may happy ending siya sa piling ng lalaking pinili ng lololohan niya para sa kaniya. _______________ 📌PASILIP📌 "Ella!" Nagbabanta niyang sabi. "Lola Ella. Matuto kang rumispeto." "Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo. Hindi isang kagaya mo ang papalit sa puwesto ni Lola sa puso ni Lolo. Sobrang layo mo sa abuela ko." "Malayo talaga dahil nasa heaven na siya at nasa earth pa ako." Pamimilosopo ko sabay alis sa kama. Binuksan ko ang pinto at akmang lalabas nang hablutin niya ang braso ko. Medyo masakit kaya napaigik ako. Agad niyang pinakawalan ang braso ko, marahil napansing nasaktan ako. "Sorry." Walang ka-sincere sincere niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kaniya kaya kita ko kung paano siya mapatiim-bagang. Bumakas ang bibig niya na animo'y may sasabihin pero hindi itinuloy. Bahala ka nga! Iniwan ko na siya at nagtungo ako sa kusina. Napapitlag ako nang may bultong tumabi sa akin. "Leave Lolo alone." Baritonong boses na utos niya dahilan para mapatingin ako. "Matanda na siya para sa kagaya mo. If you want money and s*x, I'll give you that. Just leave my Lolo alone." Kulang na lang ay literal na malaglag ang panga ko. Money and s*x, ibibigay niya? Gago, virgin pa ako!
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.