Scarlett Haden, strong warrior in her pack, is 20 years old, and still hasn't found her mate. She trained with her friends to become one of the most powerful warriors in all the packs. That's why she was sent to the royal pack, The Blue Moon pack to train with the best warriors. Jacob Ceaster, Alpha king. He's known for his charms. He is 25 years old and still hasn't found his mate. He ruled the whole werewolf kind. He was ruthless when needed, and nobody but the royalties has been able to even glance his way. What happens when Scarlett turns out to be the alpha king's mate? Will he accept her or reject her? Read to find out. *P.S.: story under major editing!!* (Book 1: Mated to the alpha king *complete*) (Book 2: Alpha Serafino. *complete*)
Si Kaye ay hopeless romantic. Naniniwala siya sa happily ever after na ending. Kaya naman gano’n din ang gusto niyang mangyari sa lovelife niya. Dumating ang ganoong pagkakataon nang alukin siya ni Mrs. Antigua na magpakasal sa anak nitong si Raizer. Katwiran ng ginang ayaw nitong maging manugang ang gold digger na girlfriend ng anak. Ang tindi ng pagkakagusto ni Kaye sa binata kahit noong una pa lang niya itong makita kaya pumayag siya sa gusto ng ginang. Ang pagpapakasal dito ay malaking pagkakataon para mapalapit siya sa binata at mapaibig ito. Ngunit sa kasamaang palad ay mukhang wala siyang magagawa para mabaling ang atensyon ng binata sa kanya. Walang epekto sa binata ang pang-aakit niya rito. Hanggang kailan niya kayang tiisin ang malamig na pakikitungo ng asawa niya? Kung aalis siya, kaya rin ba niyang mabuhay nang malayo sa lalaking pinakamamahal niya? Kaya ba niyang magparaya sa babaeng hindi naman karapatdapat? O mananatili na lang siya sa tabi ng asawa at hintayin ang milagro na susuklian din nito ang pag-ibig niya? Isang mahirap na desisyon ang pinili niya. Sana lang ay hindi niya ito pagsisihan balang araw.
Si Dana ay accountant sa isang malaking bangko. Minsang pumasok siya sa trabaho ay nakalimutan niya ang kanyang wallet. Kaya naman hiyang-hiya siya sa guwapong driver ng FX na sinakyan niya noong bumaba siya. Kinagabihan habang naghihintay siya ng masasakyan pauwi ay biglang may pumaradang sasakyan sa harapan niya. Inimbitahan siya ng driver na sumakay na at ihahatid siya pauwi. Tigas ng pagtatanggi niya dahil natakot siyang may masamang balak ito sa kanya. Pero nalaman niyang ito pala ang driver ng FX na sinakyan niya kaninang umaga. Binalikan siya nito sa bangko dahil nag-aalalang wala siyang pamasaheng pauwi. Simula ng araw na iyon ay hatid-sundo na siya ng lalaki na nagpakilalang Dave. Hindi nagtagal ay nanligaw ito sa kanya at sinagot naman niya. Ngunit dumating ang problema nang sabihin ni Dave na ipakikilala siya nito sa mga magulang ng nobyo. Noon nalaman ni Dana ang totoong pagkatao ng nobyo niya. Magagawa pa ba niyang tanggapin si Dave kung sa una pa lang ay niloloko na pala siya nito? O lalayo na lamang siya para sa kapakanan nilang dalawa?
*sequel to ‘mated to the alpha king’* COMPLETED Sandra Clay, a 21 years old girl, who lost her parents in a rogue fight. She fled her pack, after they failed in protecting them and moved from town to town as a lone wolf. Serafino Sterling, alpha of the 'moon walkers pack' is rumored to be the most villain alpha out there. He is a psycho and everyone feared him. ---------------------------- The smell of blood was so strong. What was going on? I looked closely at the source of the smell and Froze. A very very gorgeous man, was killing five wolves. He was tall and big, his muscles flexing as he snapped the neck of one of the wolves. I could distinct their smell as rogues. My heart skipped a beat. Rogues. Those filthy creatures. The man suddenly stopped and looked at me with his piercing blue eyes. I couldn't smell him but I knew he was from a high rank. His eyes met mine and he growled one word. "Mine." I took a step back and started running. This man was killing brutally. My fear was justified. You can't blame me, I wasn't going to die today.
Bata pa lang si Lyla Marie Tembreza nang ipagkasundo siya ng mga magulang niya kay Jak Edcel Lumbera na anak ng kaibigan ng kanyang ama. Makalipas ang limang taon, namatay ang mga magulang niya. Iniwan sa kanila ang napakaraming utang. Hiningi ng pinagkakautangan ng kanyang mga magulang ang kanyang nakababatang kapatid bilang pambayad. Noon din lang niya nalaman na ipinagkasundo pala siya ng kanyang magulang. Para iligtas ang kapatid, napilitan siyang hanapin ang mga magulang ni Jak upang humingi ng tulong. Pumayag ang mga ito na bayaran ang utang ng mga magulang niya para makauwi ang kapatid niya. Bilang kapalit, pakakasalan at pakikisamahan niya si Jak sa loob ng isang taon. Hindi niya inakalang magiging bangungot pala ang buhay niya sa piling ni Jak. Galit na galit ito sa kanya at malamig ang pakikitungo. Tanging sa ibabaw lang ng kama sila magkasundo. Ngunit bago matapos ang isang taon, hiniwalayan siya ni Jak. Wala siyang nagawa kung hindi umalis na durog ang puso at bitbit ang lihim ng kanyang pagbubuntis. May pag-asa pa kayang magkabalikan sila ni Jak? Mabubuo pa kaya ang pamilyang inaasam niya? O itatapon na lang niya sa hangin ang lahat ng pangarap at pagmamahal niya sa lalaking singtigas ng bato at singlamig ng yelo ang puso?
Adventurer, independent, madiskarte, minsan sinungaling din maabot lamang ang pangarap niya. Iyan si Garlic Habonito, isang probinsiyana na nakipagsapalaran na makapunta ng Maynila kahit labag sa kagustuhan ng kaniyang itay at ate Aying. Nahinto sa pag-aaral nang mamatay ang kaniyang inay. Ilusyonada ika nga. Inaasahan niyang maging maganda ang kapalaran niya sa Maynila sa pagsama niya sa kaniyang tiyahin. Magiging maganda nga ba ang kaniyang mundo sa inaakala niyang nasa Maynila ang maganda niyang kapalaran? Paano kaya kung paglaruan siya mismo ng kaniyang kapalaran? Ano ang magiging buhay niya bilang isang maid sa pamilyang Javier? Tunghayan si Garlic Habonito, ang komedyanteng pasaway at puno ng katatawanan. Subaybayan ang kaniyang bagong mundo sa pag-apak niya sa Maynila.
Czerinne Khrysstyna Gonzales Del Valle is a certified manhater. Para sa kanya ang lahat ng lalaki ay walang gagawing mabuti. Ang tunay niyang ama ay iniwan silang magkakapatid noong maliit pa sila. Ang stepfather naman nila tinatrato sila na para bang walang kuwentang tao. Ang napangasawa ng panganay niyang ate ay nambubogbog ng babae. Kaya kahit maraming nanliligaw kay Khrysstyna ay wala siyang sinagot kahit isa. Isang araw biglang nakipagtanan ang pangalawa niyang ate upang takasan ang kasal nito sa anak ng amo ng stepfather nila. Napilitan si Khrysstyna na akuin ang responsibilidad ng kapatid para hindi ang bunso nila ang sapilitang ipakasal ng kanilang stepfather. Nang makaharap niya ang lalaking ipapakasal sa kanya ay inalok niya rito ang sarili niyang katawan upang umurong sa kasal. Ayaw pumayag ni Edrian Mark, ang tagapagmana ng hotel magnate na si Don Edgardo De Castro. Katwiran nito makukuha rin naman daw nito ang puri niya kapag ikinasal sila. Ngunit nang magkasama niya si Edmark ay iba ang ipinakita nito. Ginagabi ito sa pag-uwi. Hindi rin siya nito kinakausap o kinikibo. Kahit yata maghubad siya sa harapan nito ay hindi siya papansinin ng loko. Makalipas ang isang buwan ay nagpunta ng Amerika si Edmark. Pagbalik nito ay bigla na lang itong bumait. Hatid-sundo siya nito sa kanyang trabaho. Tinatawagan din siya para lang kumustahin kung kumain na ba siya. Ipinagluluto pa siya nito. Pinagbabawalan din siyang magsuot ng maiikli at seksing damit. Unti-unti nitong tinitibag ang maling paniniwala niya sa mga lalaki. Ngayon ay nanganganib hindi lang ang kanyang puri kundi pati ang puso niya. Panahon na ba para itapon niya sa hangin ang pagiging manhater niya?
Bettina Aizen Lantano is a certified NBSB. Hindi dahil wala nagkakagusto sa kanya, kung hindi iyon ang gustong mangyari ng mag-asawang umampon sa kanya. Pino siyang kumilos at tahimik na tao. Hindi siya mahilig makipaglapit sa iba. Gano'n kasi siya pinalaki ng mga magulang na walang katiting na pagmamahal sa kanya' Calvin Raiden Antigua is a certified womanizer. Para sa kanya'y hindi dapat seryosohin ang mga babae. He treats them like his toys. Ano kayang puwedeng mangyari kung magkasama sila? May love story ba na mabubuo sa pagitan nila? O mas mabuting magkanya-kanya na lang sila dahil sa kanilang magkaibang paniniwala at pagkatao?
Isinumpa si Vivienne ng stepfather niya na hindi siya kailanman magiging maligaya - na walang lalaking magmamahal sa kanya. Umasa siyang hindi magkakatotoo ang sumpang iyon. Ngunit paano niya mababago ang sariling kapalaran kung ang lalaking pinili niyang mahalin ay ang boss niya, si Railey. Walang plano si Railey na matali sa kahit na sinong babae. Makokontento na lang ba siyang maging live-in partner nito o maghahanap siya ng ibang lalaking magmamahal sa kanya?
"Se você aceitar meu acordo, terá minha casa, meu dinheiro e minha proteção. Mas, em troca, terá que pertencer a mim do jeito que eu quiser..." Vendida em um leilão para um dos homens mais temidos do país, a vida de Lía Davilla muda completamente no dia que ela pisa na mansão de Alessandro Mascheratti, o chefe supremo da máfia mais poderosa da Itália... Mas, o comportamento de Alessandro a surpreende logo na primeira noite. "Esse homem é diferente de todos os outros. Será que eu devo confiar nele?"
GIRL POWER: Ang Paghihiganti ng Babaeng Sawi Entry Hindi akalain ni Jenezel na ang sobrang pagmamahal niya kay PJ ay magdudulot sa kanya ng kasawian. Kaya nang magising siya sa isang ospital ay naisip niyang gumanti rito. Nagpanggap siyang walang halos maalala sa kanyang nakaraan. Nang iuwi siya ni PJ sa bahay nila ay sinimulan na niya ang planong paghihiganti. Ginawa niya ang lahat para pasakitan si PJ at maiganti ang sarili. Hanggang saan aabutin ang paghihiganti ni Jenezel? May puwang pa ba sa puso niya ang pagpapatawad kung punong-puno ng poot ang kanyang pagkatao? May pag-asa ba na maayos pa ang pagsasama nila ni PJ? O hahayaan na lang ni Jenezel na mawasak ito tulad din nang pagkawasak ng pagkatao niya?
Kilala ang sikat na ramp model na si Hershelle Daze Gonzales bilang playgirl dahil iba-iba ang lalaking kasama nito sa tuwing humaharap sa press. Ngunit ang hindi nila alam ay front lang iyon ng dalaga. Ang totoo ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang lalaking una niyang minahal na sinaktan siya. Nang bumalik siya sa Pilipinas para magbakasyon ay masamang balita ang sumalubong sa kanya. Si Edrian Mark De Castro II, ang lalaking pinakaayaw niyang makita ay muling niyang nakaharap. Ang masaklap pa nito ay ipinagkasundo silang dalawa para magpakasal. Gustuhin man ni Hershelle na umurong sa kasal ngunit hindi niya magawa dahil nanaig ang pagmamahal niya sa kanyang ama. Pikit-mata siyang pumayag na maikasal sa lalaking kinaiinisan niya para lang matulungan ang kanyang ama sa problema nito. May pag-asa pa ba na maghilom ang sugat sa puso niya? Makakaya ba niyang pakisamahan ang lalaking ito nang hindi siya nasasaktan? O susuko na lang siya at hayaan ang ama na sarilinin ang problema nito? Gulong-gulo ang isip niya. Pero isa lang ang sigurado. Kapag hindi na niya kaya, baka sumuko rin siya. Bahala na kung anong pwedeng mangyari.
Simple lang ang pangarap ni Mariella, iyon ay ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang mga magulang. Ngunit sa hirap ng buhay ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral at magtrabaho bilang cashier sa isang malaking supermarket. Masaya na siya sa kanyang trabaho dahil kahit paano ay may naitutulong siya sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Ngunit ang tahimik niyang mundo ay biglang nagulo nang dumating si Jed. Unang tingin pa lang ni Mariella kay Jed ay iba na ang pakiramdam niya. Hindi ito bagay na maging simpleng bagger lang. Mas bagay itong maging artista o modelo dahil sa angking kaguwapuhan nito. Lalo siyang napalapit sa binata nang i-assign ito sa counter niya bilang kasama niyang bagger. Wala pa itong experience sa trabaho kaya kinakailangan pa niya itong turuan. Akala ni Mariella ay magtatagal sa trabaho si Jed ngunit bigla na lang itong nawala pagkaraan ng tatlong buwan. Ang masama pa ay tinangay ng binata ang puso niya sa pag-alis nito. Nang muling magkrus ang kanilang landas ay saka na-realize ni Mariella kung gaano kalayo ang agwat nila ni Jed. Kaya ba niyang tawirin ang daan patungo sa puso ng binata? O babawiin na lang ang puso niyang ninakaw nito sa kanya?
Forçada a passar duas semanas com um monstro como Emiliano Alfredo, a vida da inocente e determinada Rebecca Lewis mudou para pior….Voltando para a cidade onde nasceu, Rebecca Lewis teve uma discussão acirrada com o filho da mãe mais implacável da cidade. m*l sabia ela que seu ato não tão esperto a colocaria em perigo.14 dias. Uma mansão. Uma cama. Uma mulher inocente. Um homem nem tão inocente assim. O que poderia dar errado?
BLURB #SummerUpdateProgram May lihim na galit si Ira sa mga lalaki magmula nang iwan siya ng fiancé niya sa mismong araw ng kanilang kasal. Hindi naman siya manhater pero galit lang talaga siya sa mga lalaki lalo na sa mga guwapo. Kaya naman noong una makaharap niya si Xyrus, ang bagong security guard ng eskuwelahang pinapasukan niya, ganoon na lang ang inis niya sa makulit na lalaki. Nadagdagan pa ang pagkainis niya rito nang araw-araw siyang may nadadatnan na bulaklak at pagkain sa kuwarto niya. Sinisi niya ang lalaki dahil ito lang naman ang may hawak sa susi ng kanyang kuwarto. Katuwiran naman ng lalaki ay iniutos lang daw iyon ng hindi nito kilalang tao. Ngunit hindi nagtagal ay nadiskubre niyang galing pala mismo kay Xyrus ang mga bulaklak at pagkain. Pero nang kapain niya ang puso kung may galit siyang naramdaman ay saka niya na-realize na nawala na pala ito. Unti-unting tinibag ng binata ang galit niya sa mga kalahi nito. Maayos na sana ang lahat ngunit isang lihim ang magpapabago sa kapalaran nila. Magagawa pa ba nilang patuloy na mahalin ang isa-isa’t kung may taong masasaktan at magagalit dahil sa relasyon nila? O ituturing na lang nilang kaaway ang isa’t isa at isasantabi ang pag-ibig na nararamdaman?
Sampung taong gulang nang naulila si Fermie at kinupkop ng kaniyang tiyahin na nagtatrabaho sa mansion ng pamilyang Madrigal. May matalik siyang kaibigang si Kia na laging tumutulong sa kaniya. Nakilala ni Fermie ang anak ng kumare ni Ginang Mildred ang may-ari ng mansion, si Gabbie Sanchez isang seaman nang di sinasadya ay naitulak nito ang pintuan sa kusina dahilan para mabitiwan nito ang mamahaling plato ni Ginang Mildred. Ito ang naging dahilan ng paghihirap ng loob ni Fermie. Hindi pa siya nagmahal pero nasasaktan na siya. Ang isang Gabbie Sanchez na mayaman, guwapo at isang babae ay ma-in love sa isang katulad ni Fermie. Mababago ba ang pagkatao ni Gabbie nang dahil sa dalaga? May pag-asa rin ba ang puso ni Fermie na kaytagal hinintay ang lalaking unang humalik at yumakap sa kaniya nang di inaasahan? Anong kapalaran ang naghihintay sa kanilang pagmamahalan sa gitna ng maraming pagsubok? Malalampasan kaya nila ito sa NGALAN NG PAG-IBIG?
he was ruthless She was kind hearted He was a monster She was a good person He was darkness She was light He was a king She was a mere person But every king must have a queen And she was his QUEEN! "You should have told me!" I screamed. "I was f*****g scared. Me the beast, The monster, the coldhearted bastard was scared. I was hurt the first time and I didn't want to risk it again." "Don't be a coward." He yanked me by my elbow and our noses touched. "Whatever you say and whatever you do, you are f*****g MINE. Do you hear me? And I don't care if I'm a coward because I will never allow myself to lose you again."
Nang mamatay ang mga magulang ni Lian ay nanganganib na bumagsak din ang kanilang business. May nagtangkang mag-take over dito. Ngunit gusto ni Lian na siya ang mag-manage pa rin ng negosyo. Nang malaman niyang si Melvin, ang binasted niyang manliligaw, ang may planong mag-take over ay napaisip siya kung hahayaan na lang ang negosyo nila na i-manage nito o ipaglalaban niya ang karapatan? Lalo siyang naguluhan nang sabihin ni Melvin na papayag lang ito sa gusto niyang mangyari kung payag siyang maging girlfriend o asawa nito ng isang taon. Pikit mata niyang tinanggap ang kondisyon kahit labag sa kanyang kalooban. Bahala na kung anong mangyari basta ang importante, sa kanya pa rin mapunta ang pinakamataas na posisyon sa kanilang family business.
-#Tagalog Writing Contest-My Dangerous Lovers #SummerUpdateProgram Para hindi tuluyang mawala ang iniwang bahay at lupa ng kanyang mga magulang, napilitang pumayag si Stella na magpakasal kay Mr. Ramil Callanta na presidente ng United Bank kung saan nakasanla ang mga ari-arian na minana nila ng Ate Lyla niya. Halos tatlong dekada ang agawat nila ng matandang biyudo. Forty-eight na ito samantalang eighteen lang siya. Wala naman siyang gaanong naging problema sa piling ng napangasawa niya dahil mabait naman si Ramil. Ibinibigay din nito ang lahat ng pangangailangan niya mula sa pera, alahas, damit, at lahat ng luho. Hindi rin siya nito pinipilit na makipagtalik dahil bata pa raw siya. Kaya hanggang halik sa noo, ulo, at kamay lang ang ginagawa nito sa kanya. Akala niya ay wala na siyang magiging problema pa. Ngunit makalipas lang ang mahigit isang buwan, biglang dumating si Rodel, ang kaisa-isang anak ni Ramil. Nakapagtatakang hindi naman galit si Rodel sa kanya. Magiliw pa nga ito sa kanya at tinatawag pa siyang mommy. Pero sa paglipas ng mga araw, wala itong ginawa kung hindi ang akitin siya sa disimuladong paraan. Kahit anong iwas ang gawin niya tukso naman laging lumalapit sa kanya ang binata na mas matanda pa sa kanya ng pitong taon. Pilit niyang pinipigilan ang sarili ngunit sadya yatang makapangyarihan ang laman. Minsan nalasing siya nang mag-birthday si Ramil, nagising na lang siyang hubo't hubad sa ibang kama at kasama pa si Rodel. Wala pa namang nangyayari sa kanila maliban sa halik ngunit nang yakapin sa ni Rodel ay nag-init ang buo niyang katawan dahil sa pagkakadikit ng kanilang mga hubad na katawan. Nang damhin nito ang kanyang buong katawan ay bumagsak lahat ng depensa niya sa katawan. Kusa niyang ipinagkaloob ang kanyang puri na iniingatan. Dito na nagsimula ang lihim nilang relasyon. Habang tumatagal unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Stella kay Rodel. Pero natatakot siya kung saan hahantong ang kanilang bawal na relasyon. Paano kapag nalaman iyon ni Ramil? Ipagtatanggol kaya siya ni Rodel? O hahayaan lang na mag-isang magdusa? Saan siya pupulutin kapag nabunyag ang lihim nilang relasyon?
Paano ba ma-inlove ang isang beauty queen? Magkakagusto kaya siya sa isang pangkaraniwang lalaki lamang? O pipiliin niya ang isang sikat na katulad niya? Kung ikaw ay isang ordinaryong estudyante, gugustuhin mo bang ligawan ang isa sa mga pinakamagandang babae sa inyong eskuwelahan? O mangangarap ka na lamang na sana'y mapansin ka niya?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.