Player. Manyak. Iyon ang unang tingin ni Faith Lanohan Salvez kay Clifford Buchebber. Nakita niya kung paano nito paiyakin at paglaruan ang mga babaing nasa paligid nito. At hindi niya nanaisin na mapabilang siya sa mga napaiyak nito. Ngunit sabi nga nila, lahat ng tao may dahilan. At 'yon ang unti-unti niyang nakikita kay Clifford sa tuwing kasama ito.
Eros Thanatos Moreau also known as badass. Walang pakialam sa lahat, kontrolado ang lahat ng nasa paligid niya, at barumbado. Sa edad na bente-uno anyos ay may nasasabi na siya sa buhay. Lalo na nang siya ang sumunod na namuno ng organisasyon nila sa underground. Siya ang pumalit sa pinsan na si Sebastian. Everything for him is not easy, not at all. Walang dahilan ang lahat ng ugali niya, nasanay lamang siya sa luho at ng mga taong palaging sumusunod sakanya at ayaw niyang maging mahina sa lahat. Until he met Hestia Isolde Dimaculda. Ang babaeng sumampal sakanya nang mapagkamalan niya ito ang babaeng regalo sakanya ng pinsan. Hindi niya akalain na darating ang araw na ito pa pala ang magiging dahilan ng lahat ng pagbabago niya...
May sariling pamilya ang ama, nasa ibang bansa ang ina at ikinasal ang kapatid. Hindi lubos maisip ni Maggie kung saan na siya pupulutin sa mga oras na 'yon. May trabaho naman siya at malaki ang sweldo, may sariling condo, bahay sa Makati at kotse. Pero hindi iyon sapat para sakanya. wala na siyang malalapitan sa tuwing may problema. Wala ang sariling pamilya sa paligid na siyang masasandalan. Mabuti na lamang at nandiyan ang kaibigan niyang si Teresa, inalok siya nito na mag-leave muna at magbakasyon sa probinsya nito sa Eastern Samar. Dahil sa stress sa sarili ay nagpaunlak siya dito. Ngunit ang akala niyang magiging maayos na bakasyon ay nagdulot lamang ng matinding problema sakanya nang mapagbintangan siya ng isang lalaki na siya daw ang nagdadala ng epektos sa lugar nila. She can't believe it! Paano nito nagagawang pagbintangan ang magandang kagaya niya? At bakit tila yata ang katapangang meron siya ay nawala isang iglap nang makita ang mukha ng lalaking kaharap...
Nakasanayan na ni Yvonne ang mabuhay sa dilim na nagisnan niya, mula pa noon ay wala na siyang hiniling kung hindi ang balang araw ay maihaon ang pamilya sa hirap. Gusto niyang isisi sakanyang ama ang naging buhay nila ngayon. Iniwan sila nito noong mga bata pa lamang sila, ang tanging dinala nito ay ang kanyang kambal. Hindi man niya alam ang dahilan nito ngunit sapat na ang mga nararanasan niyang hirap para kamuhian ito. Ang buong akala niya ay hindi na niya makikita pa ang mga ito. Ngunit isang araw, sa paglipas ng ilang taon. Hindi niya inaasahang makikita pa ang kambal. Akala niya ay hinahanap sila nito ngunit kakaibang ugali ang pinakita nito na mas lalong nagpagalit sakanya. Gusto nitong magpanggap siya bilang ito at ang siste ay makakasama pa niya ang kanyang ama! Tinanggihan niya ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon na sinamantala ng kanyang ganid na kambal ay nagbago ang lahat. Tinanggap niya ang alok nito, akala niya ay magiging maayos lang ang lahat. Akala niya ay magiging madali lang ang sitwasyon ngunit hindi pala, lalo na nang makilala niya si Ashton na may achromatopsia. Ang ampon ng mga Cervantes, ang lalaking mabigat na mabigat ang loob sakanyang kambal. Hanggang saan ang itatagal niya kung habang tumatagal ay palala na ng palala ang nangyayari sakanyang buhay? Sa pagpasok niya sa pamilyang Cervantes, handa ba niyang harapin ang lahat? Is her dark life could turn into a rainbow? O sakit lang lamang ang iiwan nito sakanya sa bawat araw na dadaan?
BLACKSHEEP, heardheaded, Rebel... ilan lang 'yan sa mga ugali ni Tracey Agatha Marcelino. Kaya ng tanggapin niya ang alok ng pinsan na gawing raket ang pagkuha ng privacy ng tao ay walang pag-aalinlangan na umayon siya don. Sa loob ng halos limang taon ay masasabi niyang maayos naman ang takbo ng buhay niya malayo sa mga magulang. Pera? Hindi niya problema 'yan. Tirahan? Marami siyang tutulugan. Pag-aaral? Kahit papano pumapasok naman siya. Ngunit isang pagkakamali ang nagawa niya na mukhang hindi na niya maibabalik pa. Isang malaking katangahan ang ginawa niya nang gabing sumama siya sa kaibigan para sundan ang bayaw nito, hindi niya alam na 'yon na pala ang simula ng gulo sa buhay niya. She lost her cellphone and virginity. At iyon ang naging dahilan upang malaman ni Trevor Esmeralda ang trabaho niya, ang lalaking isa sa mga target niya. Inalok siya nito ng trabaho kapalit ng pagtatago nito sa klase ng trabaho niya. Trabaho na kasama pala pati ang buhay niya.... Ito na nga ba ang parusa sa lahat ng mga pribadong buhay na ninakaw niya? O magiging daan 'yon para ituwid ang mga kalokohang nagawa niya?
"I'm a bad man Adriana and i don't care for everything except my family, but you're my biggest weakness at ikaw ang taong ayokong mawala sakin." Labing-walong taon lamang si Sebastian ng mangyari ang isang trahedya sa buhay niya. Kinuha siya ng mga di-kilalang kalalakihan at dinala sa kung saang lugar. Akala niya ay magiging katapusan na 'yon ng buhay niya ngunit isang estranghera ang niligtas siya ng gabing 'yon. Hindi niya nakita ang mukha nito dahil madilim ang lugar. Naguguluhan man sa ginawa nitong pagligtas sakanya, tumakbo pa rin siya palayo para takasan ang lugar na 'yon. Nagdulot ng bagong emosyon naramdaman niya ng gabing 'yon at pinangako niya sa sarili na hindi na muling mangyayari 'yon. Lahat ay nagbago sakanya, from a goodboy turn into badboy. Nang muli siyang bumalik sa sariling bansa ay pinamahalaan niya ang underground na itinayo ng pinsan niya, konekta 'yon sa Bar na itinayo nito. When he become the king of the underground ay mas lalong naging negatibo ang nasa paligid niya. Lahat ng masasamang bagay ay ginawa niya na mas lalong nagpatigas ng kalooban niya. Then he met Adriana, unang pagkikita nila nito ay binigyan agad siya nito ng isang malakas na suntok dahil tinuro niya ito sa lalaking humahabol dito. At hindi niya alam na 'yon na ang simula nang lahat sakanya, habang tumatagal na nakikita niya ang dalaga ay bumabalik ang emosyong dati ng nawala sakanya. Ngunit hindi pa pala niya ganap na kilala ang dalaga.
Ellifard also known as Arrogant, sawa sa buhay. Wala siyang pakialam sa kahihinatnan at kung ano ang mangyayari bukas. Para sakanya hindi umiikot ang mundo sa isang bagay gaya ng pinaniniwalaan ng iba. Isang bagay na para sakanya ay walang saysay at walang kabuluhan. Pag-Ibig... Romeliza Tan also known as K-pop lover, immature sabi nga karamihan, ang tanging nasa isip lang ay kaligayahan at punong-puno ng pag-asa sa mangyayari bukas. Every minute of her is important. Every moment and memories is precious. Ang babaeng puno ng positibo sa buhay at wala ng hiniling pa maliban na mapasakanya ang kanyang ultimate bias at maka-punta sa South Korea. Para sakanya, ang lahat ng bagay na nakikita ng mata ay may nakatagong kagandahan. Pangit man 'yon sa iba o walang buhay. Ang dalawang taong pinagtagpo sa kakaibang paraan..... na sa tingin nila ay hindi na nila matatakasan. -----*** "Hindi kita hahalikan kung kami pang dalawa." Sabi nito habang palipat-lipat ang tingin sa labi niya at sakanyang mata. Hinaplos nito ang ibabang labi niya. "....dahil kung akin lang 'to, iyo lang din ang lahat ng meron ako."
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.