Black Rainbow
READING AGE 16+
Nakasanayan na ni Yvonne ang mabuhay sa dilim na nagisnan niya, mula pa noon ay wala na siyang hiniling kung hindi ang balang araw ay maihaon ang pamilya sa hirap. Gusto niyang isisi sakanyang ama ang naging buhay nila ngayon. Iniwan sila nito noong mga bata pa lamang sila, ang tanging dinala nito ay ang kanyang kambal. Hindi man niya alam ang dahilan nito ngunit sapat na ang mga nararanasan niyang hirap para kamuhian ito.
Ang buong akala niya ay hindi na niya makikita pa ang mga ito. Ngunit isang araw, sa paglipas ng ilang taon. Hindi niya inaasahang makikita pa ang kambal. Akala niya ay hinahanap sila nito ngunit kakaibang ugali ang pinakita nito na mas lalong nagpagalit sakanya. Gusto nitong magpanggap siya bilang ito at ang siste ay makakasama pa niya ang kanyang ama! Tinanggihan niya ito.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon na sinamantala ng kanyang ganid na kambal ay nagbago ang lahat. Tinanggap niya ang alok nito, akala niya ay magiging maayos lang ang lahat. Akala niya ay magiging madali lang ang sitwasyon ngunit hindi pala, lalo na nang makilala niya si Ashton na may achromatopsia. Ang ampon ng mga Cervantes, ang lalaking mabigat na mabigat ang loob sakanyang kambal. Hanggang saan ang itatagal niya kung habang tumatagal ay palala na ng palala ang nangyayari sakanyang buhay? Sa pagpasok niya sa pamilyang Cervantes, handa ba niyang harapin ang lahat? Is her dark life could turn into a rainbow? O sakit lang lamang ang iiwan nito sakanya sa bawat araw na dadaan?
Unfold
ASHTON POV
HINDI ko napigilan ang ngiti ko habang nakatingin sa litratong hawak ko. I feel so much blessing just by seeing it. Alam ko na kahit wala ako sa tabi ng mag-ina ko ay may nakagabay sakanila. Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa mukha ni Yvonne. Hindi pa din s……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……