The Perks of being a De Silva (De Silva 6)
READING AGE 18+
The Perks of being a de Silva (De Silva #6)Tinangay ng ama ni Pearl ang kanyang kapatid noong maghiwalay ang kanilang mga magulang. Nagkasakit at pumanaw na ang ina niya nang hindi nasisilayan si Ruby. Her twin sister. Kaya naman nang magdalaga, nag-ipon siya ng pera para magamit sa paghahanap dito. At para makalipad sa Maynila kung saan naninirahan ang ama at kapatid niya. Malaki ang tutol ng kanyang tatlong tiyahin na umalis siya ng Carcar City, Cebu. Ang tatlong tiyahin ang nagpalaki sa kanya magmula nang yumao ang ina niya. Pare-pareho silang tumandang dalaga at may galit sa kanyang ama na binuntis at pinaasa lang daw ang nanay niya. Ramdam ni Pearl na gusto nilang huwag na rin siyang mag-asawa pa.Sa tulong ng teknolohiya, nakontak niya si Ruby. Nagpakilala siyang kambal nito. At laking tuwa ni Pearl nang sabihin ni Ruby na magkita silang dalawa. Pumayag agad si Pearl. Kahit labag ang mga tiyahin, nag-empake siya at umalis ng Cebu para makilala ang ama at kapatid. Isa lang naman ang gusto ni Pearl, ang maging buo ang kanyang pagkatao. Pero… sa pagpunta niya sa Maynila, iba ang kanyang nadatnan. Pagkabigla at galit ang naramdaman niya. Sa huli, nahirapan pa siyang makaalis ng maynila dahil may isang nagpakilalang Nick De Silva ang pumipigil sa kanyang maging malaya at dinadawit siya sa krimeng hindi naman niya ginawa.
Unfold
Epilogue Part 2
Nick
“Hello, Ruby?”
Madaling araw nang tawagan ako ni Ruby. Kakilala nang kakilala ko. She was too young for me kaya hindi ko gusto. Maganda siya. Pero ayaw ko pa rin.
“Nasa Peyton kami. Punta ka!”
Maingay sa background. At mukhang lasing na rin siya base sa kadal……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……