The Man Of My Dreams Series #1: GARETT BERNARDO
READING AGE 18+
Isang babaeng kapos palad si Tala na may mataas na pangarap para sa kanyang sarili at pamilya. Lahat ay gagawin nya para sa ikabubuti ng kanyang pamilya. Sa gitna ng unos na nararanasan ng kanyang pamilya ay dumating sa kanyang buhay ang gwapong binatang mayaman na si Garett na nagpaligalig sa kanyang inosenteng puso. Nagpahayag ito ng pagkagusto sa kanya at niligawan sya. Bilang sya ay isang dalagang Filipina ay hindi sya nagpatangay sa matatamis nitong salita kahit pa parang nagsisirko na ang puso nya sa kilig. Para sa kanya ay hindi sila bagay ng binata dahil magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Langit ito at lupa sya. Pero makulit ang binata at pursigido na makuha ang matamis nyang oo. Hanggang sa isang dagok ang dumating sa pamilya nya at nangangailangan sya ng malaking halaga at ang binata ang nakikita nyang solusyon. Labag man sa kanyang kalooban ay isang desisyon ang kanyang ginawa. Bahala na kung magalit sa kanya ang binata. Garett Bernardo and Sinagtala Reyes story.
Unfold
***Tala POV***
NAUNANG bumaba ng sasakyan si Garett at umikot sya sa driver seat. Binuksan nya ang pinto at inalalayan akong bumaba.
"Thanks." Nakangiting turan ko.
"You're welcome, babe." Aniya.
Tiningnan ko ang malaking signage ng coffee shop at lalong napangiti. Tumingin ako sa loob. May ……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……